Being Plus Size

8 1 0
                                    

Baboy, Biik, Tabachoy

Yan yung madalas na tawag saming matataba. Mga kaibigan ko ganyan ang tawag sakin. Tumatawa na lang ako kasabay sila.

Pero sa totoo lang? Nasasaktan ako.

I'm Xylien Sarmiento, also known as the "pig" sa squad namin. Oo mataba ako, and that's my biggest insecurity.

As a normal girl, I used to like guys. Pero being fat, I realized na yung size ng body mo, ay mas importante pa sa attitude at ganda mo.

Maraming lalake na sinasabing gusto nila ng Chubby, fat girls, etc. Pero ang iba sa kanila, gusto lang ng babaeng may chubby cheeks, oh di kaya mga babaeng thick.

Pero yung mga matataba talaga? Nandidiri sila.

"Nak kumain ka na. Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Hindi ma. Ok lang ako" sagot ko naman pabalik.

3 araw na akong walang kain. Tanging tubig lamang. Gutom na gutom ako pero kailangan ko tong gawin. Kailangan pumayat ako.

Pumunta muna ako sa salas para kumuha ng tubig na maiinom. Pero bigla akong nahilo at nahimatay.

"Bakit hindi ka kumain ng 3 araw? Susmaryusep! Xylien naman. Kung gusto mo pumayat may mas magandang paraan. Hindi yung magpakamatay ka" saway ni mama.

Nandito kami ngayon sa ospital. Muntik na konv mamatay. Galit si mama at nag-aalala ang mga kaibigan ko. Pero parang wala lang iyon sakin.

----

"Umuulan?" tanong ni Tammy habang nakatitig sa bintana.

"Di ba halata?" sarcastic na sabi ko.

Tinignan niya naman ako ng masama.

"Dali na kase ibigay mo na yan kay Drake, nahiya ka pa eh"

Nag-aalinlangang tumingin ako sakanya. Huminga siya ng malalim at kinuha ang cupcakes na niluto ko.

"Hoy!" bago pa ako makapagsalita ay agad niyang binigay ito kay Drake at tinuro niya ako.

Agad namang namula ang mukha ko. Takang lumingon naman sakin si Drake.

"Uy si Tabachoy crush si Drake HAHHAHA" sigaw ng isa sa mga tropa niya. Nagtawanan ang buong klase. Pati si Drake...

Agd naman akong umalis sa classroom bago pa tumulo ang luha ko.

"Wait lang Xylien!"

"Sabing wag nga diba?" sigaw ko kay Tammy.

Tumakbo naman ako ng mabilis pero agad akong natapilok at nadapa. Naririnig kong pinagtatawanan ako ng mga estudyanteng nakakita sakin.

Tumayo ulit ako at tumakbo papalayo. Nahihingal akong tumigil sa tabi ng kalsada. Malakas na ang ulan pero balewala lang sakin.

Umupo ako at ipinatong ang mga kamay ko sa tuhod at ipinagpatuloy ang pag-iyak. Hindi ko na naramdaman ang pagtulo ng ulan kaya napalingon ako sa taasan ko.

May isang lalakeng nasa tabi ko at pinapayungan ako. Tumayo ako at naglakad na palayo pero pinigilan niya ako.

Binigyan niya ako ng panyo at ibinigay din ang payong.

"Wag kang umiyak. Mas lalong umuusbong ang ka kyutan mo" saad niya at pinisil ang pisnge ko. Hinabol ko lang siya ng tingin habang unti unti siyang lumalayo sakin.

----

Maaga akong pumasok para wala akong masyadong makitang estudyante. Pero agad napataas ang kilay ko nang may makita akong isang lalakeng nauna sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Plot (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon