Day 1.
Ito yung araw na napanganak ako. Ito rin ang araw kung kailan ipinaglihi ang lalakeng pinakamahalaga sakin. Ang bestfriend ko.
Ako ng pala si Athena Perez. At si Zayn Enriquez naman yung bestfriend ko. Si Zayn yung tipo ng bestfriend na mang-aasar lagi.
Pero kung siya ang maasar, parang tigreng galit na galit. Close na close kami mula ng pagkabata. Pareho pa nga kami ng birthday eh.
At lahat naman ng kinikwento ko ngayon ay mula lang kay mama. Dahil syempre sanggol pa lang ako that time.
Day 365.
Ito yung 1st birthday ko. Binigyan kami ng mga magulang namin ng friendship necklace.
Iyon ang naging simbolo ng pagkakaibigan namin.
Day 4,017.
Ito yung birthday ko nung eleven ako. Naalala ko pa na umiyak ako dahil inaasar ako ni Zayn na parang clown raw ako.
"Woi" tawag niya sakin.
Pero di ko siya kinibo. Iyak parin ako ng iyak.
"Maganda ka, kaya wag ka nang umiyak dyan. Magmumukha ka talagang clown"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tumigil na ako kakaiyak at kiniliti siya. Parang bading nga eh.
Day 5,478.
Ito na naman yung birthday kaso may pasok ngayon. Nahihirapan talaga ako dahil may major test kami ngayon.
"Woi" tawag ko sakanya.
"Oh?"
"Patulong naman oh, kahit kalahati lang"
Hindi niya ako pinansin at tinuon ang pansin niya sa test paper niya.
"Sige na, birthday ko naman ngayon eh."
Naglabas siya ng buntong hininga.
"Sige na nga."
"Yehey! Thank you talaga ka ha! I love you!"
Napatigil siya at gulat na napatingin sakin.
"As a friend" dagdag ko pa.
Tinulungan niya naman ako sa test paper ko.
Day 5,844.
Birthday ko na naman ngayon! Yehey!
"Woi Zayn" tawag ko sakanya.
Nandito kami sa school ngayon dahil may klase pa.
"Ano?"
"Ano kase-" di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil may biglang umingay.
"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa bang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo" papalapit siya, Si Liam. Yung basketball player na matagal ko nang crush. May dala siyang gitara."Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?
Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko
Sagutin mo lang ako aking sinta'y
Walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong...
Ligaya"Unti unti siyang lumuhod saakin at hinalikan ang kamay ko.
"Athena Perez, will you be my girlfriend?"
"YES!" sigaw ko.
Day 6,209.
This is my 17th birthday. Nandito ako sa park kasama si Zayn. Hinihintay namin si Liam dahil may date dapat kami ngayon.
BINABASA MO ANG
The Plot (One Shot Stories)
Teen FictionSTAND ALONE STORIES • Ang Jowa Kong Bakla • Am I Not Enough • The Day After I Cried • 12:51 • Inapropriate Love • A Murderer Story • Maybe, He's Not The One • Sacrifice • Ms. Author's Inspiration • Your Other World • Our Story • A Cute Little Thing...