"Hold up to! Ibigay niyo ang lahat ng gamit niyo sakin!" narinig kong sigaw mula sa likod.
Hindi ko iyon pinansin dahil tutok na tutok ako sa cellphone ko.
"Hoy ikaw!" pagtapik ng lalake sakin.
Inis ko siyang tinignan.
"Ano?" reklamo ko.
"Hold up to! Ibigay mo sakin ang cellphone at lahat ng gamit mo!"
"Teka lang manong isang chapter na lang ehhhh!!!!!" sigaw ko sakanya.
"Akin na cellphone mo o papatayin kita?"
Matalim ko siyang tinignan.
"Maghihintay ka o papagulungin kita pababa dito?" pagbabanta ko.
Ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone ko at nagbasa ulet. Pero bigla niyang inagaw ang phone ko at bumaba.
Biglang kumulo ang dugo ko at sumunod sa pagbaba nang lalake. Tumakbo ako nang maabutan ko siya.
Agad siyang pumalag pero sadyang mas malakas ako sakanya.
"IBALIK MO ANG PHONE KO PUNYAMA KANG TANG*INANG GA*ONG NILALANG KA! TATLONG CHAP NA LANG SA EPILOGUE NA AKO TAS HINDI KA PA MAKAPAGHINTAY!"
Agad ko siyang binalibag sa daan. Wala akong pake sa mga taong nakakakita sa ginawa ko. Agad kong kinuha ang phone ko na hawak niya at lumapit sakanya.
Hinawakan ko ang collar niya at sinuntok siya.
"Sa susunod na gagambalain mo ako sa pagbabasa ko, baka mapatay pa kita kaya umayos kang depungal ka!"
Saad ko at bumalik sa jeep na sasakyan ko. Tinitigan muna ako ng mga tao bago sila bumaba ng jeep at kunin ang mga gamit nila.
Sabi pa ng driver libre na raw ang sakay ko. Eh syempre di na ako tumanggi. Sayang ang pera eh.
Ako nga pala si Serenity Alonzo. Half filipina, half filipino. Charot babae po ako hindi lang halata pero babae talaga.
So bakit ko binuwis buhay ko para lang sa cellphone ko? Eh kasi nag wa wattpad ako kanina. Tapos aagawin niyo lang cellphone ko? Asan yung hustisya?
Mas ok sana kung masasagot yan ng attorney ko. Pero wala akong ganun eh. Ako tong si tanga, nangangarap ng attorney, engineer, doctor, pilot, and marami pa pero ni isang tambay sa baranggay namin walang nagkakagusto saken. It really hurts.
So wattpader ako simula nung grade 4 ako. Opo, 9 years old lang ako that time nang malaman ko ang tungkol sa wattpad. Una kong nabasa eh ang Diary ng Panget.
Sobrang na addict ako dun. Kaya sabi ko sa sarili ko, gusto kong maging Eya, at makahanap ako ng Cross. Kaya noon, nag search ako kung paano magka pimples. At ginawa ko yun. Hindi umabot ng isang linggo ay nagkatigyawat ako ng marami. Hiniram ko pa ang pangkilay ni mama para kumapal yung kilay ko.
Nang makarating ako ng school ay agad akong pinagalitan ni ma'am. Ang bata bata ko pa daw pero nag ma-make up na ako. Sabi pa niya bat daw ako nagpapaganda may crush daw ako sa room. Sinabi ko naman sakanya. Na "Ma'am nagapapanget po ako hindi nagpapaganda"
Kaya nung recess pumunta ako sa canteen at nilapitan yung crush ko. Tinanong ko siya "Kamukha ko na si Eya, it means ika-crushback mo na ako diba?"
Tas buong canteen nagtawanan. Pagka-uwi ko naman pinagalitan ako ni mama. Sabi niya bakit ko daw ginamit ang pangkilay niya eh mahal daw yun, mula sa Avon.
Noong grade 5 naman ako nabasa ko yung 548 heartbeats. Pero noong 2008 pa ito napublish sa wattpad. Syempre ako ginaya ko yung bida. Meron kasi akong bagong crush noon. Paiba iba yung crush ko every year eh. At parati pa nilang nalalaman. Kaya this time, hindi ko sinabi. Nakipag close ako kay crush, naging mag best friend kami.
BINABASA MO ANG
The Plot (One Shot Stories)
Roman pour AdolescentsSTAND ALONE STORIES • Ang Jowa Kong Bakla • Am I Not Enough • The Day After I Cried • 12:51 • Inapropriate Love • A Murderer Story • Maybe, He's Not The One • Sacrifice • Ms. Author's Inspiration • Your Other World • Our Story • A Cute Little Thing...