Pagpasok ko pa lang ng room, ang sama agad ng tinginan namin. Sino yun? Ay si Kiro Sanchez na Exo-l/Enemy/Basher nb BTS.
Siya ang mortal enemy ko dito sa school at lalong lalo na sa classroom. Hindi naman ako galit sa mga Exo-l, pero kapag basher ka ng idol ko, b*tch stay out of my way.
Nang nilapag ko ang bag ko at iniwas ang tingin ko pero ramdam ko parin ang tensyon sa pagitan namin.
"Weewssss" sabi ni Arianna. Siya naman yung kaibigan naming dalawa.
Mortal enemies kami pero pareho naming kaibigan si Arianna. Pero army at exo-l si Arianna. By the way, My name is Zelle/Army/future asawa ni Taehyung.
"Alam mo Arianna, ang ganda ng gising ko ngayon. Maganda rin ang mood ko. Kaso nawala lahat ng yun nang may 'bwiset' na pumasok sa room." sabay tingin niya sakin nang sabihin niya ang salitang bwiset.
"Arianna, ang sarap ng umagahan ko kanina. Dahil dun, maganda ang mood ko. Pero naglaho lahat ng may nakita akong 'basura' sa kwarto"
"Hep hep hep" pigil samin ni Arianna.
"Noon dahil sa idols niyo, ngayon personalan na."
Napatahimik kami sa sinabi niya.
"Tss, laos kasi yang BTS na yan. Exo pa rin ako."
"Eh sino naman ang nagsabi sayo na laos ang BTS? Woi sa pagkakalam ko sila ang pinakasikat na kpop boy group sa mundo."
"Mas sikat ang Exo. Sige sabihin nating mas madami kayo samin pero mas sikat pa rin ang grupo namin sainyo."
"Ikaw na ang nagsabi! Mas madami kami sainyo. Kaya nakakasiguro akong mas sikat ang BTS kesa sa EXO mo"
"Tss, pina naman kagwapo sa kpop sina suho at sehun."
"Abay nahiya naman sayo si Taehyung at Jin."
"Magaling pa ring kumanta sina Chen, Baekhyun at Kyungsoo."
"Nahiya sayo sina Jungkook at Jimin ha."
"Pinakamagaling na Dance Machine si Kai."
"Ano na lang ang sinabi ni Hoseok?"
"The best rappers pa rin sina Chanyeol at Sehun."
"Nahiya sayo si RM,Suga, at Hobi."
"Mas cute pa rin ako sayo!"
"Ako pa rin ang pinaka kyut dito!!!!"
Napatigil kami nang biglang tumawa ng malakas si Arianna. Takang napatingin naman akos sakanya.
Tapos tinuro niya yung pinto. Nagulat akong pinagtatawanan kami ng mga classmates namin, at pinakamalakas ang tawa ni MA'AM.
"Sorry po ma'am" sabay naming sabi.
"Kayo talagang dalawa parang aso't pusa."
"Aso't pusa?" tanong naming dalawa at nagkatinginan pa.
Natawa bahagya si ma'am.
"Aso't pusa. Asar-asaran, pikon pikonan, ang ending nagkainlaban." Tapos tumawa malakas si ma'am.
Napalaki ang mata ko nang sinabi niya yun. Ako ma fa-fall kay Kiro? Norway!
Padabog akong umupo sa silya ko. Napatingin ako sa direksyon ni Kiro. Bahagya siyang nakangiti. Bakit naman ngumingiti si loko?
Pagkatapos ng klase namin kay ma'am pumunta agad kami sa gym. PE class namin ngayon eh.
Nakaupo kami ngayon sa bench hinihintay ang turn namin sa paglaro. Kulang yung gamit namin kay tiglilima lang bawat laro.
Minalas ko pang nakatabi si Kiro sa upuan. Buti na lang pinagitnaan kami ni Arianna.
BINABASA MO ANG
The Plot (One Shot Stories)
Roman pour AdolescentsSTAND ALONE STORIES • Ang Jowa Kong Bakla • Am I Not Enough • The Day After I Cried • 12:51 • Inapropriate Love • A Murderer Story • Maybe, He's Not The One • Sacrifice • Ms. Author's Inspiration • Your Other World • Our Story • A Cute Little Thing...