"Mom, Dad, this is Krishna. My girlfriend" literal akong napanganga.
Nilingon niya naman ako. Binigyan ko siya ng nagtatakang itsura. Pilit lang siyang ngumiti.
"My pleasure to meet you. Kino must be very lucky to have you."
"Ah hehe I'm also lucky to have him." Pilit na ngiting sambit ko.
Kumain kami ng dinner bago ako umuwi. Nang sa labas na kami ni Kino ay doon na namula ang tenga ko. Galit na galit talaga ako sakanya.
"Krish-"
"Anong topak na naman ba yan?" sabay sakit sakanya. Hampas dito hampas don.
"Aray masakit! Ano ka ba?"
"Anong nakain mo at pinakilala mo kong gf mo ha? Gago ka ba? May topak ka ba? First of all bestfriend kita. Tas teh, 'BAKLA' KA!!!" sabi ko sakanya na hindi man lang tumitugil ang pagsakit ko sakanya.
"Aray naman teh! Wait lang! Ganun na nga ang point eh. Nakikita na nilang bakla ako. At ang makakapagtunay lang na hindi ako bakla ay ipakilala ko sakanila na may girlfriend ako."
Kumalma ako ng sandali at sinamaan siya ng tingin.
"Eh bakit ako?"
"Eh ikaw lang ang close kong babae eh."
"Sabagay, puro ka lang landi ng landi sa mga lalake." sabay tawa.
"Woi kahit bakla ako hindi ako kailanman nang landi ng lalake ha!"
"Edi ok"
"Sige umuwi ka na, ingats teh!"
"Ingats bakla."
Pagkauwi ko sa apartment ko ay natulog ako kaagad. Ewan ko pero feeling ko pagod na pagod ako.
*Kinabukasan*
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Tumatawag si Kino.
"Hello"
"Anak ng, bagong gising lang?"
"Oo, feeling ko pagod ako kahapon eh."
"Bumangon ka na, may date tayo ngayon."
Nagulat ako sa sinabi niya at nagtaka.
"Anong date yan teh? Eh akala ko ba kunyari lang na girlfriend mo ko?"
"Teh, acting nga, acting! Diba magpapanggap tayong magkasintahan? Kaya kailangan nating mag date. My gad teh! Ang slow mo!"
"Eh pumayag ba ko?"
"Nakisabay ka naman!"
Napa buntong hininga ako.
"Sige na mag aayos lang ako."
"Sige teh, kitakits na lang sa mall malapit sa inyo."
"Sige, bye."
Naligo na ako at kumain. Nag ayos at pumunta na sa mall. Pagpasok pa lang ay nakita ko na si Kino.
Taray nga eh, naka summer outfit ang bakla. Ang gwapo nitong bakla, sayang dahil hindi siya pure na lalake. HAHAHAHHA.
"Woi" tawag ko sakanya.
"Your 5 minutes late"
"Taray, may timer ba?"
"Charos lang teh, nood tayo ng sine." sabay akbay sakin.
"Ano yan?" takang tanong ko.
"Acting nga teh"
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nanood kami ng sine. Ok lang naman yun, maganda naman. Pagkatapos ng sine ay lunabas na kami agad.
"Kain tayo?"
BINABASA MO ANG
The Plot (One Shot Stories)
Teen FictionSTAND ALONE STORIES • Ang Jowa Kong Bakla • Am I Not Enough • The Day After I Cried • 12:51 • Inapropriate Love • A Murderer Story • Maybe, He's Not The One • Sacrifice • Ms. Author's Inspiration • Your Other World • Our Story • A Cute Little Thing...