Make It Real

15 1 0
                                    

Pag open ko palang ng RP account ko nakita ko agad yung pangalan niya. 'Zeke Smith'.

Binasa ko ang post niya at bahagya akong napangiti. Interesting siya. Dinalaw ko ang account niya at sti-nalk yun.

He's a Shitposer. At the same time, Writer. Habang binibinisita ang timeline niya, tawa ako ng tawa. Nakakatawa kasi yung mga post niya.

At yung pagsusulat niya ng mga stories, nakakaantig. Nakikita mk talagang magaling siyang sumulat.

Sa sobrang libang, hindi ko namalayan na aabot ako sa pinakaunang post niya. Natawa ako sa sarili ko. Eto na ba yung first time na nagkagusto ako sa RPW?

Nag-react ako sa lahat ng post niya, finallow ko siya dahil baka hindi niya i-accept ang friend request ko.

Pero damn, hindi man lang umabot ng isang minuto ay cinonfirm niya na ako. Nababalot ako sa tuwa ng mabasa ang notification na yun.

'Zeke Smith accepted your friend request'

Nagpautuloy ang araw at ganun pa rin ang ginawa ko. Stalk ng stalk, at react ng react. Sinadya ko yun para ma notice niya naman ako.

Pero nawawalan rin ako ng pag-asa eh. Alam ko naman na sa RPW wag ka dapat magseryoso. Dahil masasaktan ka lang.

Pero sumigla ang mukha ko nang makita ang pangalan niya sa screen ko.

'Hi favorite reactor!' sabi niya.

Tumitig pa ako sa phone ko ng ilang segundo at napasigaw.

"Hoy Carlyn anong ingaw yan!" sigaw ni mama mula sa kusina.

"Wala po ma!" nakangiting tugon ko pa.

Binuksan ko na ulet ang cellphone ko at tumitig sa chat ni Mr. Crush.

'Hi po favorite Author!'

'Oww you read my stories?'

'Opo sobrang ganda nga eh.'

'Thank you!'

Nagpatuloy ang pag-uusap namin ng ilang oras. Ng matapos ang usapan namin parang nasa ulap ako. Ang sarap pala sa feeling na ma notice ng crush mo no?

Sa pag-uusap namin, mas lalo kong nakita ang pagiging king of sense of humor niya. Ang saya talaga siyang kausap.

Tss, mas lalo kong nagugustuhan ang pagkatao niya.

I can say, I like him.

*Kinabukasan*

'Good morning binbini!'

Agad sumigla ang katawan ko nang siya ang unang lumabas sa screen ko.

'Good morning rin ginoo!'

Nagpatuloy ang araw at siya lang ang kinausap ko. Ang lalakeng gusto ko.

*A Few Months later*

Inipon ko ang lakas ng loob ko para aminin sa lakakeng to ang damdamin ko. Mahal ko siya, matagal na.

'Zeke....'

'Ano yun Shane?'

'Zeke... I like you, matagal na. Feeling ko nga ngayon, mahal na kita.'

Nakahinga ako ng maluwag ng ma send ang mga salitang yun.

Hindi siya nakasagot. Ilang minuto ang lumipas at wala pa rin. Nalungkot ako dahil don. Hindi na ako nag expect sa kanya.

He was to much for me, I would not be enough for him.

'I feel the same way too, Shane'

Agad ako napatalon ng mabasa yun. Mukha na kong tanga pero wala akong pakialam. Mahal ko siya at mahal niya rin ako.

Sobra pa to sa kuntento.

*1 Year Later*

It's our anniversary today. Lumipas ang mga taon pero walang nagbago. Mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa.

Not even a day pass na hindi ko nasasabi sa sarili kong mahal ko siya. At walang magbabago sa iyon.

Mas napamahal ako kay Zeke dahil kahit anong tagal na namin, kuntentong  kuntento siya sakin. He even said I'm more than enough. And he was lucky to have me.

But I'm luckier. Dahil merob akong Zeke na nagmamahal ng buo para sakin.

At hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil ang katotohanan ay RPW lang to. Hindi ko maisip ang buhay ko ng wala siya dahil siya na ang naging buhay ko.

Kaya naisipan kong gusto ko na tong itigil. Dahil ako rin ang masasaktan pag pinatagal ko to. Kase araw araw minamahal ko lang siya.

Kaya ayaw kong umabot sa puntong magpapakamatay ako pag iniwan niya ko.

'Zeke, let's stop this.' nagmumugto ang mga mata ko nang ma send ko iyon.

'What do you mean, my love?'

Napabuntong hininga ako. Alam kong masakit pero kailangan kong kayanin.

'Zeke, I love you. And I always will. That's why I need to stop this. Ngayon pa lang nararamdaman kong pinapakawalan palang kita parang namamatay na ko. Hindi ko gustong umabot sa puntong magpapakamatay ako dahil iniwan mo ko'

'Wala kang tiwala sakin?'

'Meron Zeke, Kaya I'm letting you go. I know this is RPW at masasaktan lang ako kung papatagalin ko rin to. I'm letting you go for both of us. I can't keep loving you here in RPW'

'You're right Shane, let's end this here in RPW.'

Tuluyan na akong humagolgol kakaiyak dahil sa mga salitang binitawan niya.

Pero ngumiti ako sa huling mga salita na sinabi niya.

"𝑳𝒆𝒕'𝒔 𝒎𝒂𝒌𝒆 𝒊𝒕 𝒓𝒆𝒂𝒍 𝒊𝒏 𝑹𝑾"

The Plot (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon