Destiny Between Us

10 1 0
                                    

"Destiny Between Us"

A One Shot Story

Written by ✍️: Candice Swift ✨

Dali dali akong tumakbo papunta sa bench mg mall kung saan naghihintay si Toby. May importanteng inasikaso pa ako sa school kaya late na ako sa date namin.

"Toby!" sigaw ko.

Nilingon niya naman ako with his angry face.

"What the fvck Isabella! Kanina pa ako naghihintay dito!"

Nagpamewang ako sa kanya with my deadly glare.

"Gaano katagal ka ba naghintay dito?"

"30 minutes" straight na sabi niya.

Pinakalma ko muna ang sarili ko.

"Si Juanito hinintay si Carmela ng 70 years kahit alam niya namang hindi na siya babalikan nito, pero hindi siya nagreklamo. Tas ikaw 30 minutes lang naghintay tas parang papatayin mo na ako? Wow Toby, wow!" sarcastic na tugon ko.

"Ayan ka na naman eh, Wattpad, puro na lang wattpad! Alam mo, mag break na tayo kung hindi ka titigil sa pag wa-wattpad mo"

"Sige"

"Titigil ka na?"

"Break na tayo"

Tas tinalikuran ko na siya. Nangiyak ngiyak akong naglakad pauwi nasira kasi yung takong ng heels ko. May presentation kasi kami kanina kaya kailangan may heels psh.

Oo na, ang tanga ko. Mas pinili ko ang wattpad kesa sa boyfriend ko. Eh, boyfriend ko lang siya, asawa ko sila psh.

Naglalakad ako nang may humarang sakin at may itinapat na baril sa ulo ko. Agad akong napaluhod.

"Hold up to!"

"Wag niyo akong i-rape please!"

"Hold up to! Akin na gamit mo!"

"Kunin niyo na ang mga gamit ko, wag lang ang perlas ko!"

Maya maya pa ay katahimikan. Matinding katahimikan. Katahimikan ulit. Inangat ko ang paningin ko. Hindi na nakatutok ang baril sa ulo ko at lalake naman ay nakatingin lang sakin.

"B-baket?"

"Bat hindi ka takot?"

"Ha?"

"Hindi ka takot ma hold up, tas sinabi mo pang wag kitang i-rape, eh hold up lang naman eh"

"Di pwedeng mag suggest?" sarcastic na tugon ko. Inerapan lang ako ng lalake at tinulungan tumayo. Nagulat ako nang tanggalin niya ang maskara niyang black. In fairness, ang gwapo ni guy.

"Anong tinitingin mo dyan?"

"Ang gwapo mo pala no?"

Kulay brown yung hair niya na messy dahil naka maskara siya kanina. Bilugan ang mata niya na kulay hazel brown at mahaba ang pilik mata. Matangos ang ilong niya at pinkish ang labi. Parang mga lalake lang sa wattpad! Hihihihihih

"Eh ano kung gwapo ako?"

"Available pa ba yung suggestion na nakawin mo ang perlas ko?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Charot hehe" tas naka peace sign pa.

"Bakit ka umiiyak kanina?"

"Paki mo ba?"

"Pasalamat kang hindi kita hinold up"

"Pwedeng ihatid mo ako sa apartment ko? Medyo gabi na kase" pilit na ngiting tugon ko. Huminga na lang siya ng malalim at tumango.

The Plot (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon