Pagpasok niya palang sa classroom nagtama na ang paningin namin. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Pero agad rin nahinto yun nang tawagin siya ng professor namin.
"Mr. Gozon please introduce yourself"
Pumasok naman sa loob ng room si Mr. Gozon at inayos ang sarili niya.
"Hi everyone, I'm Trev Gozon. Nice to meet you all"
"Ok Mr. Trev Gozon you may take your seat"
Pag upo niya sa kanyang upuan nagtama ulit ang paningin namin. At bigla siyang ngumiti....
DUG! DUG!
Wuuuttttt? Ano tong nararamdaman ko. Bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Pagkatapos ng klase dumiretso ako sa library di naman ako gutom kaya ayaw ko munang kumain ng lunch. Pero si Eyah (bestfriend ko), ang takaw. Kaya siya na lang ang nagpa cafeteria.
Pagpasok pa lang nakangiti agad ako. Para sakin library lang ang natatanging lugar kung san ako makakpag isip ng mabuti. Kaya kung malungkot ako, pumupunta lang ako sa library at nagbabasa ng libro.
Naghanap ako ng mga libro nang maabutan ko ang gusto kong mabasa. Pero nagulat ako ng hablutin ko ang libro ay may humawak rin nito. Si Trev....
DUG! DUG!
Napaalis kaagad ang kamay ko nang maramdaman ang daliri niya. May kung anong kuryente ang naramdaman ko nang mahawakan niya ang kamay ko.
"Babasahin mo to?"
"O-oo" kabadong sagot ko.
Nagulat ako muli nang ibigay niya ang libro sakin.
"A-ahh s-sayo na l-lang yan, m-maghahanap lang a-ako ng i-iba"
Aalis na sanq ako nang bigla siyang tumawa.
"Maghahanap ka pa ng iba, eh andito na ako."
Kinuha niya ang kamay ko at naramdaman ko ulit ang kuryente sa kalamnan ko. Bigla niyang pinatong dn ang libro at nagsimula nang maglakad palayo.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Sa twing lalapit siya kinakabahan ako. Natataranta at nauutal ako. Nahihibang na ba ako?
Hindi ko nalang yun pinansin at nagbasa na lang ng libro. Pero habang nagbabasa ako, inantok ako at nakatulog.
Nagising ako sa tunog ng ulan. Napatingin agad ako sa relo ko, at shocks! 1:30 na pala!!!! Late na ako sa first period ko!!!
Kumaripas ako ng takbo pero bigla akong tinawag ng librarian.
"Oh Aenna gising ka na pala. Hinayaan na lang kase kitang matulog dito dahil mukhang pagod ka. Wala naman yun saakin dahil suki ka na ng library. Wala nang pasok at kinansela yun dahil sa bagyo. Bago ka umalis, ibalil mo muna ang libro na hiniram mo."
Agad naman akong naginhawaan ng marinig na wala nang klase. Binalik ko na ang libro at naglakad na.
Biglang nag ring ang cellphone ko dahil may tumatawag. Sinagot ko naman agad ito.
"Oh?"
"Ateeeeeeeeeeee!!!"
"Ano ba! Ang sakit sa tenga ng sigaw mo! Di naman maganda ang boses mo"
"Ate umuwi ka na! May hindi magandang nangyari dito sa bahay!"
"Ha anong nangyari?"
"Basta! Umuwi ka na!"
Agad kong binaba ang linya at kumaripas ng takbo. Nang nasa dulo na ako ng building malapit sa gate, binuksan ko ang bag ko para kunin ang payong.
Pero sa kasamaang palad, wala pala dito ang payong ko. Nainis ako sa sarili ko dahil wala akong payong. Tatawagan ko pa sana si Eyah para makisabay ako sakanya pero nag text siya na umuwi na siya.
BINABASA MO ANG
The Plot (One Shot Stories)
Fiksi RemajaSTAND ALONE STORIES • Ang Jowa Kong Bakla • Am I Not Enough • The Day After I Cried • 12:51 • Inapropriate Love • A Murderer Story • Maybe, He's Not The One • Sacrifice • Ms. Author's Inspiration • Your Other World • Our Story • A Cute Little Thing...