Our Story

10 1 0
                                    


I have a boyfriend named Alexander. He was the sweetest guy in the world. And I was so lucky to have him. It was our four year anniversary today..

Napagkasunduan namin na magkita na lang sa Luneta ngayon. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

I think he will propose to me this year. Naalala ko noong first anniversary namin.

~Flashback~

"Ga, may sasabihin ako sayo." he said way back in 2016.

"Ano yun ga?"

"Pangako mo sakin, papakasalan mo ako kahit anong mangyari?"

"Ga naman eh! May sakit ka? Kailan pa?"

"Ga huminahon ka nga. Wala akong sakit. Naninigirado lang ako. Hindi ko kase makakaya kung wala ka sa tabi ko.  Buhay na kase kita ga eh."

"Ga naman, natakot ako don. Promise ga! Kahit anong mangyari papakasalan kita."

Pagkatapos non ay sumandal na ako sa balikat niya at nagtulog tulugan.

"Promise ga, pagdating ng year 2020. Mag pro-propose na ako sayo."

~End of Flashback~

Pagdating ko sa Luneta, sinilaw agad ako ng ngiti niya. Naglakad siya papalapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Ga anong gusto mong gawin ngayon?"

Napaisip ako. Gusto ko kami labg dalawa pag nag propose na siya sakin.

"Mag picnic kaya tayo ga?"

"Sige ga

Pagka ayos niya ng picnic mat at mga pagkain, umupo na agad kami. Nandito lang kami ngayon, sa ilalim ng puno ng manggga.

"Happy anniversary ga" sabi ko sabay abot sa kanya ng regalo ko.

Ngumiti naman siya at inabot ang regalo niya sakin.

"Happy anniversary rin ga"

"Buksan mo yung regalo ko" sambit ko sabay ngiti.

Binuksan niya ang regalo ko sakanya sabay ngiti ng sobrang malawak. Regalo ko sakanya ay nga art materials. He loves painting.

Gusto gusto niya makuha ang art kit na yan pero sold out na. Kaya swerte ko, may nabilhan pa ako niyan.

Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay sabing "Salamat ga"

Pagkaalis ko sa yakap niya, napatingin ako sa regalo niya. Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang notebook na makapal na may title na "Our Story"

Taka akong napatingin sakanya.

"Happy anniversary ga" masayang tugon niya.

"Eto lang ang regalo mo?"

Napatango naman siya. Akala ko ba singsing? Napa buntong hininga ako.

"Basahin mo-"

"Eto lang ba talaga?"

"Oo, basahin mo-"

Agad akong tumayo at naglakad papalayo sakanya. Hinabol niya ako kaya tumakbo ako. Disappointed ako sakanya.

Pumara ako ng taxi at sumakay doon. Nakita ko pa siyang hinabol ako. Pero di ko siya pinansin at sinabihan ang driver na ihatid ako.

Pag-uwi ko agad akong pumunta sa kwarto. Napag-isipan ko na hindi ko kailanman babasahin tong notebook.

Alam kong OA ako pero sobrang disappointed ako. Sobrang hirap kunin ang regalo niya, pero sakin notebook lang?

The Plot (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon