Chapter 16

240 29 17
                                    

"Aww! It hurts ah!" hiyaw ni Tonyo matapos ko siyang batuhin ng ballpen. Hindi na ako nageffort pa na maglamukos ng papel. Kailangan talaga matigas na bagay ang ibato dito dahil sa tigas ng mukha nito.

Happy ever after na sana ang peg ko dahil sinundo ako ni papa Rush.  Feel na feel ko pag ang pag-sway habang papalapit dito kanina. At kinembutan ko pa ito bago pumasok sa kotse. Pero nawala ang happiness na iyon ng saktong pag-upo ko ay nandoon si Tonyo. Nasa bandang dulo lang ito.

"Hi Cutie, Im hir"

Kulang na lang ay batuhin ko ito ng hollow blocks sa sobrang inis ko. At ang nakakainis pa sa backseat pa ito umupo, ginawa pa nitong driver ang papa Rush ko. Tigas talaga! Mukha namang nakahalata ito na ayaw kong katabi ito kaya lumipat ito sa unahan. Pero panay pa ang ngisi nito sa akin kaya ayun, binato ko ng ballpen.

Si Rush naman ay napapailing na lang habang nagda-drive. Mukhang nahihiya lang ito manaway sa amin.

"Do you know pare? Cutie.. is.. ahmm.. merown.. secret. I tell you it ok? Bukas.. ahm.. tomorrow" trying hard na naman ang hinayupak na Tonyo. Ang sarap pektusan eh.

"Hoy Tonyo!" hiyaw ko dito. Si Rush naman ay napapatawa na din.

"Bakit Cutie? Nilalakad na nga kita dito eh. Tsaka choosy ka pa?"

"Maghanap ka ng kausap mo Tonyo"

"Eto naman ang taray. Si Rush na yan oh. Kesa naman ako ang manligaw sayo. Baka hinamatayin na naman ang tatay mo!"

Sukat sa sinabing iyon ni Tonyo ay napahalakhak si Rush. Aww sheeet.. ang sarap naman pakinggan ng tawa nito. Parang ulam lang..

"It's all your fault pare" sabi ni Rush habang panay ang bungisngis. Sige lang bungisngis pa, kakagatin na kita sa sobrang yummy mo.

"No.. its not me.. its.. ok" sabi ni Tonyo.

"Sagot ka pa dyan huh. Ano ba kasing ginagawa mo dito huh?" sabi ko.

"Im.. ahmm.. we.. sundo-sundo you. Dont cha know?"

"Kahit hindi ka na lang sana sumama. Nagpapalamig ka lang yata dito sa aircon eh!"

"Ouch! It hurts you know. You.. hurt.. ahmm.. feelings! Yes! My feelings! Give me a ban-ig!"

"Banig?" tanong ni Rush.

"Bakit banig? Ibabalot ko ba yun sayo saka kita itatapon sa dagat?"

"Hindi! Ang sabi ko ban-ig ba. Yung pag may sugat dinidikit!"

"Arujuicyfruit! Band-aid!"

"Oo Cutie ! Tama ka! Kung ano-ano pa kasi pinagsasabi mo eh!"

"Ayusin mo kasi english mo Tonyo! Nakakaloka ka! Pati brain cells ko nababaliw sa pinagsasabi mo!"

"Ang sama mo naman Cutie sa akin"

"We're here" sabi ni Rush. Pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na nga kami ng bahay namin. Hindi ko namalayan yun ah.

Pinagbuksan pa ako ni Rush ng pinto at saka inalalayang bumaba. Si Tonyo naman ay pakaway-kaway pa sa mga kapwa nito tambay na naroon. Masyado talagang pampam ang isang ito. Proud pa ito sa sarili nito. Siguro dahil na din sa feelingero ito. Kunwari kanya yung sasakyan. May maipagmayabang lang talaga.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ay nakita kong nakaabang doon ang nanay ko at ang tatay ko. Pakaway-kaway pa ang tatay ko kay Rush at sa akin. Pero pagkakita nito kay Tonyo ay kumunot ang noo nito. Dinuro pa nito iyon at saka tiningnan ng masama. Si Tonyo naman na makapal ang mukha ay patawa-tawa lang. Nagflying kiss pa ang kupal sa tatay ko.

"Goodafternoon po" sabay mano ni Rush sa mga magulang ko.

"Naku! Napakabait talaga nito ni Rush. Si Cutie din mabait, alam mo ba yon? Kaya para sa amin bagay talaga kayo ng anak ko eh!" pagbibida ng nanay ko. Para na siyang si jollibee. Bida-bee na ang peg.

"Goodafternoon din parents" sabad ni Tonyo pero hindi nila ito pinansin. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob ng bahay. Pero dahil makapal ang mukha nito, sumunod na din ito.

"Come in! Have a sit!" nasa loob lang pala si Cutie wearing her lovely pink dress. Ano kayang meron? Feel na feel mag fuschia pink negneg naman.

"Hi beauty!" bati dito ni Rush

"Hi lover boy!" bati dito ni Beauty with matching beautiful eyes pa.

"Tumigil ka na nga dyan anak. Nakakahiya ka kamo" saway ng mama ko kay Beauty.

"Ganyan naman yan si Beauty. Matigas talaga ulo nyan" sabad ni Tonyo na prenteng nakaupo sa sofa namin.

"Matigas naman mukha mo. Hmft!" sabay irap ni Beauty dito.

Panay ang kwentuhan lang namin. At syempre pa panay ang interview kay papa Rush. Yayamanin pala talaga ito. At kung saan nag-aaral ito, sa kapitbahay lang namin na university. Hmm.. Sayang mamen! At eto pa, half-Japanese pala ito. Kaya pala may kasingkitan ang mga mata nito. At dahil pamilya kami ng jollibee na bida-bee, pinag-example namin ito.

"Hajimemashite?" sabi nito. Napapahanga lalo tuloy ako dito kahit pa hindi ko naman naintindihan. Si mama at papa naman ay panay lang ang tango. Bida-bee lang din ang peg.

"Uy, alam ko yan! Haji..ahm.. ano yan eh.. haji..nomoto.. oo nga! Hajinomoto!" sabad ni Tonyo.

"Oo na lang. Sige lang vetsin pa Tonyo" sabi ko.

"Kasing-laki na nga ng vetsin utak nyan eh" sabad ni Beauty.

"Ang bad niyo ah!" sabi ni Tonyo at saka lumabas. Pailing-iling pa ito na akala mo nasaktan.

"Happy trip!" hiyaw ni Beauty dito. Nagpalakpakan naman ang mga magulang ko. Nakisali na din ako at si Rush sa sobrang OA nila.

Matapos ang kwentuhan at tawanan ay nagpaalam na si Rush.

"Mauuna na po ako"

"Sige anak, ingat ah!" sabi ng mama ko.

"Bye kuya, ingat ka po. Balik ka bukas!" sabad ni Beauty.

"Sure, ahmm.. Tita? Can I go out on a date with Cutie?" sukat sa sinabing iyon ni Rush ay napatili ang mama ko. Si Beauty naman ay kumuha ng torotot nito na ginamit pa nito nung bagong taon at hinipan iyon. Ang papa ko naman ay napapalakpak sa galak. OA family talaga kami.

"Oo naman. Kahit wag mo na iuwi.. ay este.. sige" sabi ni mama.

"Thank you po! Sige po, bye po"

"Bye!" sabi ko.

"Bye Cutie!" at saka nito pinisil ang ilong ko. Nakadapa na nga pinahirapan pa. Pero ok lang, ganyan talaga pag inlove.

Pagkahatid ko dito sa gate ay kumaway-kaway pa ko dito. Oh diba? Haba ng hair ko? Ako na ateng! Pero pagtingin ko sa kabilang kalsada nandoon si Tonyo. Lumapit pa ito at sinabing..

"Ang ganda mo sa gabi Cutie. Penge naman ng cake"

Nilayasan ko na lang ito kahit pa panay ang tawag nito. Good mood ako ngayon no! Date daw? Bukas? Ayyy pwede!

Oh tingin ka?... Inlove ka no?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon