Chapter 21

270 22 14
                                    

Tense na tense ako masyado habang nag-aayos ng sarili. Kung si Rush ang nasa baba, medyo keri ko. Pero kung si Yuan, ay naku hindi ko keribels ng bonggey! Lalo na pag naaalala ko yung nakaw na halik niya sa aking mga labi. Aw sheet! Kuntodo effort pa ko sa pag-iisip kung sino ang nasa baba at naghihintay sa akin. Dahan-dahan pa ang ginawa kong pagbaba with matching sway pa. Panay pa ang dasal ko na sana si Rush ang nasa baba. Pero halos kumunot ang noo ko ng malaman ko kung sino ang nandito. Hindi kaya malabo ang paningin ko? Kinusot ko muna ang mata ko. Kusot pa.. kusot pa.. kusot pa.. Oh ayan may sore eyes na.

Arujuicyfruit! Si Tomtom lang pala ang nandito. Teka, ano ang meron at nandito ito? Baka mamamalimos? Yagit nga eh! Hehe. Awts, ang bad naman ng other side ko. Haha!

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito pagkababa ko at saka ako umupo sa tapat nito.

"We chatted on facebook last day right? And I told you na pupunta ako sa bahay mo. I bring them also" sabay baling nito sa mga kasama nito. Aba! Ngayon ko lang napansin na may mga julalay pala ito.

Tatlong lalaki na nakapolo at nakaslacks. Pati din si Tomtom yagit ay ganoon din ang suot. Lahat sila ay nakabackpack. Ang isa sa kasama nito ay may dalang gitara samantalang ang isa ay may hawak na libro. Gayundin din si Tomtom na may hawak na papel? Pero parang fliers. Ay ewan!

"Nagkachat tayo?" tanong ko. Actually, hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang isang ito.

"Oy nagka-chat daw! Ay alam na! Oh 500 sa akin dyan ah!"

Narinig kong sabi ng isang tambay na tropa ni Tonyo pero hindi ko na lang pinansin.

"Yeah"

"Ay oo nga pala!" bigla ko nga palang naalala na nagkachat kami nito sa facebook.

Habang nagawa ng assignment, nagde-daydreaming, nangunguto at napapak ng magic sarap ay naisipan kong buksan ang facebook ko. Ako na multitasking diba?

Bigla namang nagchat sakin si Tomtom kaya nagulat ako. At medyo nakakaintriga pa ang sabi nito.

"Hi Cutie, Pwede ba kitang dalawin sa bahay niyo?"

"Ako? Why?" nagtataka talaga ako dito.

"Basta.. gusto kong dalawin ka.."

"K dot"

Hindi naman ako kinikilig sa kanya eh. Alam mo yun? Kung si Yuan ang magsasabi nun o si Rush o kaya naman si Tom Rodriguez ay talagang mapapaihi ako sa saya. Pero bakit kaya no? Hindi kaya manliligaw ito? Ay naku po! Ang haba ng hair.

"Ano pong meron?" sabad ni Beauty. Tumabi ito sa akin habang panay ang sulat sa kung anong papel na iyon.

"Dadalawin ko ang ate mo bhe" sagot naman ni Tomtom sabay kurot sa pisngi ni Beauty.

Nawindang naman ako ng bonggey dahil parang naging slow-motion ang lahat para kay Beauty. Feel na feel pa nito ang paghawak sa pisngi nito na kinurutan ni Tomtom. Aba nagdadalaga na!

Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa arteng iyon ng kapatid ko. Nakakaloka! Hindi pa nga nireregla nagiinarte na.

"Oh tingin kayo? Si.. ano.. ahmm.. may pusa..kinain..ay..yung..ano..yung..pera..ma.. mga pusta niyo!" nauutal na talaga si Beauty.

"Ahahahahahaha! Beauty anong pusa? Ahahahahahaha!" sabad ng kakapasok lang na si Tonyo.

"Tigilan mo ko huh!" sabay walk-out ni Beauty.

"Oy Beauty! Yung pusta ko!"

"Uy Beauty naman ayawan agad?"

"Si Beauty nireregla na!"

Hiyawan ng mga tambay doon. Kakaloka talaga ang mga ito. Ang hilig umeksena ng bongga.

"Uy! Wat es hapening en da country? How u?" tanong ni Tonyo kay Tomtom.

"Dinadalaw ko lang si Cutie"

"Para saan nga pala?" tanong ko. Hindi kaya manliligaw na siya sa akin? Aw sheet Cutie! Pero pag nanligaw siya di ko siya sasagutin no? Hindi ko siya type. Papaasahin ko siya ng bongga. Feeling ko tuloy ang pretty-pretty ko! Ahahaha. Medyo bad na naman ang other side ko. Hehe

"Ihahatid ko sana sayo ang salita ng Diyos.. Kung may bible ka.. pakihanap sa chapter -- verse --"

Hindi ako nakakibo sa sinabi nitong iyon. Napanganga lahat kami dito. Kahit si Tonyo na mahilig magpapansin ay nawalan ng kibo. At dahil wala akong hawak na bible ay kusa na lang akong inabutan ng isa sa kasama nito. Tango na lang ang naisagot ko sa mga ito.

Sakto namang dumating din si mama at papa galing hotel. Joke! Ewan, mukhang namalengke ang mga ito dahil sa mga bitbit nito. Napatigil lang sila at saka umupo din sa sofa na inuupuan ko. Pati sila ay napapatingin sa akin. Titigan na lang ang naging way of communication namin. Kumbaga parang sinasabi ni papa. "Anak? Marunong ka na palang magsimba?".

Panay na lang tango namin hanggang sa matapos na. Tango lang ako ng tango at panay ang ngiti.

"Tapos na tayo Cutie" sabi ni Tomtom.

"Ah tapos na ba? Ahmm nakakabitin naman!" sabi ko. Pero actually wala talaga akong naintindihan. Ang hirap pala makapick-up pag wala kang alam sa bible. Sa susunod nga magbabasa na ako para close na kami ni Papa Jesus.

"Salamat po sa oras niyo. Mauuna na po kami" paalam ni Tomtom.

"Naku bata pa kayo, ay este.. sige inat kayo ah!" sabi ni mama.

"Pre, ano palang religion niyo?" tanong ni Tonyo sa isa sa mga kasama ni Tomtom.

"NCR po" at saka ito umalis.

Hagalpak naman ng tawa ang mga magulang ko. Nakakaloko naman yung isang iyon. Meron palang mas bobopols pa kesa kay Tonyo! Ahahaha! Ang bad ko.

"Hi" sabi ng lalaking pinto. Pagtingin ko nandoon si Rush.

Nataranta naman ang lahat dahil sa pagdating nito.

"Hab a sit Rush!" sabay asikaso ni Mama dito.

Pinapasok nila ito at saka pinaupo sa tabi ko.

"Ehem"

Paglingon namin ay halos mapanganga ako. Si..si..si Yuan nasa labas! Am I dreaming? Is this for real beybe?

Pinapasok ito ng papa ko at saka pinaupo sa kabilang gilid ko. Lalong nataranta ang lahat. Pati ako natataranta na din. Nakakatense na! At dahil sobrang tense ko ay napapa-poo ako! Anebeyen!

"500 sa akin! Dun ako sa bagong dating!"

"500 din ang akin. Dun ako sa nauna!"

"1000 sa akin! Parehas silang imported eh!"

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tambay sa labas.

"500 ang akin ah, kay Rush ako!" sabi ng mama ko.

"500 din sa akin. Dun ako kay Yuan" sabi naman ng tatay ko.

Paglingon ko ay nakikilista na din sila. Si Beauty ay panay lang ang lista. Arujusko! Ano ba ito? Ang ganda ko!

Oh tingin ka?... Inlove ka no?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon