Nakakaburyong ang buhay lalo na pag may dinaramdam. Pag-uwi niya sa bahay nila ay agad siyang humilata sa kama niya. Ang nakababata kong kapatid ay tumabi sa akin at humilata din. Mukhang problemado din yata ito? Siguro hindi ito binigyan ng limampiso ng mama niya. Sustentado kasi lagi ito ng limampiso araw-araw pambili nito ng kung anu-anong anek-anek.
"Hayss.." buntung-hininga niya at saka niya kinuha ang malapit na unan doon at niyapos iyon.
Kinuha din ng kapatid niya ang unan na naroon at saka bumuntung-hininga. Mukhang may dinaramdam nga din ito.
"Bebe, what's your problem ba?"
"Wala po.."
"Eh bakit sad ka?"
"Ako po sad?"
"Oo? Sad ka diba? Kasi mukhang problemado ka eh"
"Hindi ate ginaya lang kita"
"Ay ganon? Sa dami naman ng gagayahin nito bakit yung pamomroblema niya pa"isip niya.
"Opo.."
"Hindi mo dapat pinoproblema ang problema ng matatanda bebe. Masyado ka pang bata. How old are you? Ahmm.. six years old right?"
"Ate, seven na ako. Grade two student na nga ako eh. At saka di ko naman iniisip yung problema mo. May problema din ako no"
"Ay ganern?"
"Oo ate ganern"
"Ah.."
"Ano ba iniisip mo ate?"
"Yung crush mo no?"
"Aba't.. hindi ah! Ikaw ah. May nalalaman ka ng ganyan ah"
"Sus kunware ka pa. Ramdam kaya kita"
"Ikaw talaga. Hindi no! Iniisip ko lang kung bakit Cutie ang pangalan ko" at saka siya nangalumbaba. Ginaya din siya ng kapatid niya.
"Ako din nga eh!"
"Ano? Iniisip mo ang iniisip ko?"
"Iniisip ko lang kung bakit Beauty ang pangalan ko"
Beauty and Cutie. Pak na pak talaga ang nanay niya magbigay ng pangalan. Nakakaloka na nakakatuwa. Bagay na bagay naman talaga. Kulang na lang gawin nitong Beauty and the Beast. Gandang-ganda talaga ang mama ko sa amin. Sabagay, mana mana lang yan.
"Ikaw talaga.."
"So ano nga kasi problema mo ate? Siguro lumalovelife ka na no?" pangungulit nito.
"Hindi no!"
"Eh ano? Pumepegebeg lang?"
"Sira! Napurnada pa nga eh. Hayss.."
"Bakit naman?"
"Hindi mo magegetching kasi.."
"Bagets pa ko?" putol nito.
"Hindi, virgin ka pa.."
"Virgin?"
"Ahmm.. Naku, ano ba naman yang pinagsasabi mo sa bata. Ano kasi iyon, Virgin Mary"
"Ah.. ako din ate lumalovelife?"
"Ah... What!" bigla tuloy siyang napaupo.
"OA mo ate. Crush lang naman"
"Pero ang bata mo pa kaya?!"
"Laman-tiyan lang yun ate"
"What!"
"Ano ba yan ang tinis ng boses mo. High pitch!"
"Kakaloka ka kasing bata ka"
"May pinagmanahan lang" at saka din ito umupo.
BINABASA MO ANG
Oh tingin ka?... Inlove ka no?
Teen FictionCutie is Cute. So cute. Very cute. Super cute. Pango at payat man sa inyong paningin.. Ok lang, sa iba ka na lang tumingin. Ako ang cute na bida na kontrabida sa buhay ko. At dahil cute siya lahat ng napapalingon ay inlove na sa kanya. Tigas no fre...