Papasok ako sa school, ang school na maganda.. ang pangalan! Ito ay ang Philippine University! Kagandang pangalan no? Bago lang sa pandinig. Habang naglalakad ako ay andaming mga kababalaghang ang nakikita ko. Medyo OA no? Paano makikita ko na naman ang mga nilalang na ito. Nakupo!
"Hi chicks!" tawag sa kanya ng lalaking Sadako sa likuran niya. Pero hindi niya pinansin ito.
"Si chicks suplada!" sabi muli nito. Ito ang ayoko sa kanila eh. Masyadong pampam!
"Witwiw! Chicks, sunduin kita mamaya sa room mo ah! Penge naman ng number mo" pangungulit nito. At dahil doon kaya siya nainis.
"Pwede ba! Wala akong number! Kaya tigilan mo na ako ah! Hindi kita type!" pikit-matang hiyaw niya sabay lingon sa likod. Bakit nga ba siya nakapikit? Wala lang, ayaw niya lang makita ang mukha nitong nilublob sa espasol.
"What?" tinig ng isang babae. Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata.
Kulang siguro ang sabihing napahiya siya. Pagtingin kasi niya ay nakita niyang ang babaeng glutathione ang nasa likuran niya at nakabuntot naman dito ang lalaking Sadako. So hindi pala ako ang chicks na sinasabi niya? Shet! Gravity! Paano ko ba tatakasan itech?
"Ahmmm..."
"Ok ka lang Miss?" tanong sa kanya ni Sadako sa mababang boses. Maygad! Nakakalerkey talaga ang ganitong uri ng nilalang.
"Ahmm.. Ganito kasi yon.. Ahmm.. Yung cellphone ko kako.. Ano.." pag-iisip niya ng maidadahilan.
"Miss cute, hindi naman number mo ang hinihingi ko. Adik ka ba?"
"Aba't!" Chillax lang Cutie, aba't ako pa talaga ang sinabihan niya ng adik ah.
"Adik ka nga?" ulit nito.
"Hindi no! Duh! Ang ibig ko sabihin yung cellphone ko.. Ano.. Ahmm... Kinain.. Oo tama! Kinain ng pusa ang cellphone ko! Babush!" at saka niya nilayasan ang mga ito. Si Glutathione naman ay nakamata lang sa kanya.
Pagpasok sa klase ay agad siyang sinenyasan ng babaeng hindi kagandahan na tumabi dito. Agad naman siyang tumabi at saka ngumiti.
"Ang aga mo Cutie ah!" sabi nito.
"Ikaw din naman.. ahmm.. Marie?"
"Huh?"
"Ahmm.. Maria?" Sino nga ba ang babaeng itis? Hindi ko nga pala siya kilala.
"Maria?"
"Ahmm... Mariposa?"
"Ano?"
"Ahmm.. Ah.. Ehem.. Hmm.. Maria Mercedes?" Sige lang Cutie push lang sa panghuhula.
"Ok ka lang ba Cutie?"
"Ahmm... Oo.. oo naman.." Ano nga ba kasing pangalan nito. Antokyo naman!
"Messy!" sigaw ng kaklase niyang kapapasok pa lang. Tiningnan niya ito at nakatingin ito sa babaeng katabi niya. Arujusko, Messy pala ang pangalan nito. Ang lapit na oh! Hindi ko pa nahulaan yon?
"Bakit?" sagot ni Messy.
"May katabi ka na pala, tatabi sana ako sayo" sabi nito at saka bumaling sa kanya. "Hi Cutie!" bati nito.
"Haler"
"Hi guys! Hi Cutie, and to you Messy" bati ng biglang dating na si Einstein girl at saka umupo.
"Ahmm.. Haler din" Ito pang isa! Sino nga ba ulit ito?
"Hi Erica! Ang aga mo din ngayon ah" bati dito ni Messy.
BINABASA MO ANG
Oh tingin ka?... Inlove ka no?
Teen FictionCutie is Cute. So cute. Very cute. Super cute. Pango at payat man sa inyong paningin.. Ok lang, sa iba ka na lang tumingin. Ako ang cute na bida na kontrabida sa buhay ko. At dahil cute siya lahat ng napapalingon ay inlove na sa kanya. Tigas no fre...