Chapter 6

325 45 17
                                    

"Hoy Cutie puppy!" tawag sa kanya ni Glutha.

"Huh?"

"Kamusta naman ang ilong mo?" sabi sa kanya ni Glutha habang naglalakad siya sa corridor ng eskwelahan nila habang naglalakad siya pauwi. Agad naman niyang hinawakan ang ilong at saka tinakpan iyon. "Mukhang hindi pa nakakamove on si Glutha sa pangaasar ko sa kanya tsaka sa pambabasted ni Yuan sa kanya. Trip ako nento ngayon ah".

"Problema mo?" tanong niya dito. Sitting pretty pa kasi ito sa bench na naroon.

"Ikaw ang may problema! Yung ilong mo kasi parang sundalo!"

"Sundalo?"

"Oo! Laging nakadapa! Ahahaha!"

"Tama ka dyan friend! Cutie talaga lalo na ang nose! Parang lababo sa liit! May noseline ka pa ba? Hahaha!" pang-aasar sa kanya ng dalawang babae na dumating at saka tumabi kay Glutha. Pag mean girls na kontrabida ba talaga kelangan tatlo? Arujuicyfruit! Members ang mga ito ng Glutha and Desperada Squads. So ipinadala sila ni Freeza para lang pahirapan siya. Mga alien talaga itong mga tilapia na itech! Pero syempre, siya ang bida sa mga ito.

"Hmmph!" at saka niya nilayasan ang mga ito.

"Cutie bestship!" tawag sa kanya ni Dianne. Kasama nito si Messy at Erica.

"Andyan pala kayo?"

"Yeah! Ang kapal talaga ng mukha nun ni Caroline. Kung makalait wagas! Cute naman ilong mo ah. Pero infairness ah, ngayon ko lang yan napansin" sabi ni Dianne.

"So Caroline pala ang neymsung ni Glutha" sa isip isip niya.

"Oo nga, cute naman siya eh!" segunda naman dito ni Messy.

"Oh yes! It is Genetics fault! It is in the hormones.."

"Oh tapos na Erica ang hormones blah blah na yan. Ikain na lang natin yan" putol niya sa sasabihin nito.

Bago sila umuwi ay napagpasyhan muna nilang bumili ng mga kutkutin at saka nagpunta ng gym. Umupo sila sa mga bakanteng upuan na naroon at saka nagsimulang kainin ang pinamili nila.

May naglalaro ng basketball doon. Kaya pala ang daming kababaihan, kalalakihan at kabaklaan ang naroon. Hmm..

"Bestship, look oh! Si papa Yuan!" sabay siko sa kanya ni Messy.

Agad naman niyang hinanap ito at nakita niyang isa ito sa naglalaro doon. Nakahubad pa ito at kahit pa sabihin mong pawis na pawis na ito ay mukang mabango pa din ito. Ngayon niya naisip na napakaswerte ng pawis na iyon. At bigla na lang niya naisip na sana naging pawis na lang siya. Atlis madadama niya ang katawan nitong namumutok sa abs.  Ang hot shet!

Nang makashoot ito ay ang daming nagtilian. Meron pa ang mga kabaklaan na banner na may nakasulat na "Pm me tonight, YAM!". Pak na pak! Nang masiko ito ng isang kalaro nito ay kuntodo ang hiyawan ng mga naiinis na kababaihan, including her.

"Loko ka panget! Madaya! Its foul! Foul yan! Panget!" hiyaw niya. Kaso nga lang nasa malapit lang pala ang lalaking yagit na iyon.

"Di ikaw dito!" at saka siya nito inirapan ng bonggels. Pakiramdam niya para siyang hiniwa sa talim ng titig nito. Tumahimik na lang siya at saka umupo.

Patuloy lang ang paglalaro ng mga ito. At patuloy din ang lalaking yagit na iyon sa pagbalya at pananakit kay pogi. Hindi na siya nakatiis. Kaya kumuha siya ng isang piraso ng chichirya niya at pasimpleng ibinato iyon. Pumalya! Mali ang timing niya! Mabuti na lang at masyadong maingay at madaming tao kaya hindi napansin iyon.

"Isa pa Cutie. Kaya mo yan! Makikita ng yagit na yan!" at saka niya binato ulit ito ng chichirya. Palya na naman!

Hanggang sa maubos na ang kaunting chichirya niya kakabato dito. Hindi na siya nakatiis. Kumuha na siya ng nilamukos na papel at saka ibinato iyon sa lalaking yagit.

Bulleyes! Saktong-sakto talaga ang pagtama niyon sa mukha nitong basahan. Kaya naman ang lakas ng tawa niya.

"Bwahahaha! Buti nga sa...yo?" Hindi agad niya nagawang umimik. Lahat kasi ng naroon ay nakatingin na sa kanya. Kitang-kita sa mga mata ng mga tao na naroon ang pagkabigla, pagkamangha. Iritasyon naman at galit para sa lalaking yagit. Hindi niya magawang kumilos. Ang ilan sa iba ay nakanganga pa sa ginawa niya. Lalo na ang mga manlalaro na naroon ay natigilan.

"Sira ba ulo mo huh!" hiyaw sa kanya ng lalaking binato niya.

"Pare easy ka lang" awat dito ni pogi at ng ibang kasama nito. Siya naman ay nanatiling nakatayo.

"Hindi! Makakatikim sakin yan eh! Kanina ka pa ah! Kahit cute ka papatulan kita!" at saka ito nagpupilit na puntahan siya sa kinauupuan niya.

"Bakit mo kasi ginawa iyon? Pampam ka lang?" sabi ng papalapit na si Glutha. Ang mga kaibigan niya ay hindi din makaimik sa nangyari.

"Why did you do that?" tanong sa kanya ni pogi.

"Ahm.."

"What?" iritableng tanong ni Glutha.

"Hi..hindi naman ka..kasi a..ko yon!" pagsisinungaling niya.

"Duh! Eh sino?" tanong ni Glutha.

"Ahmm.." Isip ka agad Cutie! Isip! Ano ba pwede mong idalihan sa mokong na ito! Dahil kung hindi, tapos ka na talaga. Baka ipasalvage ka pa nito!

"Ikaw ba iyon Miss Beautiful na may reading glasses?!" sabi ng lalaking yagit. Tiningnan nila kung sino ang kinakausap nito at halos mapanganga ng malaman kung sino ang kinakausap nito, si Erica!

Kasalukuyan kasi itong may na libro at mga papel na nasa ibabaw nito. May hawak pa itong nilamukos na papel na halatang scratch lang nito. Mukhang gumagawa na naman ng sketch ang kaibigan niya ng pangarap nitong robot.

"Ang alin?" sagot ni Erica

"Yung nambato sakin ng nilamukos na papel"

"At bakit?"

"Kasi tinamaan mo ko"

"Sorry, nagkamali ako ng natapunan. Akala ko kasi trash can" seryosong sagot ni Erica.

"Ahmm"

"Busy ako sa ginagawa kong blueprint ng modern robot na pangarap kong gawin. Wag ka maingay pwede?"

"Huh?"

"Aalis na ako. Bestships mauuna na ako. Inistorbo ako ng nilalang na iyan!" at sabay turo sa lalaking yagit. Ang weird! Pero type ko ang nangyayari.

"Sandali!" awat ng lalaki kay Erica.

"Why?"

"Can we go out on a date? How about this evening?" Mukhang nastarstruck si Dodong ah!

"No"

"How about tomorrow?"

"How about never?" at saka lumayas ang kaibigan niya. Lahat na naman ay napanganga sa nangyari. Pero thankful pa din siya nito sa pagsasagip sa kanya. Bukas nga mailibre niya ito ng meryenda. Akala niya kasi katapusan na niya. Nag-iisip na pa naman siya ng last will and testament niya.

"Ahmm.. What happened?" maarteng sabi ni Caroline.

"Gora na tayo friend. Ang damibg weird dito. Mga jologs!" sabi ng isa sa alalay ni Glutha.

"Ok lets go!" yaya ni Glutha sa mga ito. Pero bago iyon ay nagnakaw pa ng halik sa pisngi si Glutha kay Yuan at saka nagmamadaling umalis.

Si Yuan naman ay nakamasid lang sa kanya. Ang lalaking yagit naman ay nagpaalam na sa mga kasama at mukhang pupunta na sa locker room, or either magbibigti.

"You" sabi ni pogi sa kanya.

"Ti..tingin ka?"

"Wag mo ko daanin sa biro mo"

"Biro ba yon? Ahmm.. Sundan mo na lang yun. Baka magbigti siya" aniya habang pinipigilan niya ang mapatawa ng malakas.

"Stop it!"

"Ok" at saka niya tinakpan ang bibig.

"We'll talk later!" at saka ito umalis sa harap niya. Mukhang wala sa mood si Pogi. Paktay ako nento! Baka majombag ako ng bonggels! Huhubels.

Oh tingin ka?... Inlove ka no?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon