Napapraning ang mga tao sa amin. Praning na praning na masyadong OA na ng bonggels. Kahit ang mga kapitbahay namin ay naki-uzi. Celebrity ang peg namin ni Beauty ngayon! Ang kapatid ko naman ay beauty queen ang peg. Pakaway-kaway pa sa mga kapitbahay nila. Oha! Ikaw na ang ihatid ng yayamanin at bumaba sa SUV. Ang mama niya ay hindi shock. Shock na shock.
"A..anak! To..totoo na ba ito? Jumojowa ka na anak!" nagtatatalon pa ang nanay niya.
"Hayep! Si Cutie chicks na!" hiyaw ng tambay doon na si Tonyo, ka-vibes namin. Nakasilip pa ito sa bintana namin.
"Kuya, umalis ka nga muna dyan pwede? Panira ka dyan eh" sita dito ng kapatid niya.
"Ito naman si Beauty ang taray. Design ako dito sa bintana niyo, isipin mo na lang yun"
"Wag kang ano kuya ah! Ang sakit mo sa mata!"
"Ang bad mo talaga Beauty"
Umalis tuloy si Kuya sa bintana nila. Sinenyasan ko si Beauty na manahimik na. Nakakaawa naman kasi kuya. Lulugo-lugong umalis si kuya sa bintana nila.
Pero hindi pala, matigas pala ang mukha nito. Pumasok pa pala ito sa loob at umupo sa sofa nila.
"Uy Cutie, ano ka ba? Pauwiin mo muna yang bisita mo" sabi nito. Nakatayo pa pala si Rush sa pinto nila.
"Baka paupuin?" sabad ni Beauty.
"Ay oo nga pala! Hijo, ahmm upo ka dito. Ay mukhang yayamanin ka eh. Ano pala, sit.. sit here.." sabi ng mama niya.
"It's ok. I better go" sagot ni Rush.
"Ay hindi pepwede yan. Wag mo naman ipahiya itong si Cutie. You sit here beside me" sabi ni kuyang tambay.
"No thanks, nakakahiya naman po eh"
"Aba hijo, marunong ka pala managalog? Mukha ka kasing kano eh. Mukha kang imported. Ay hindi maupo ka dyan. Ipaghahain kita ng meryenda mo. Saglit lang huh" ito na mismo ang nag-upo kay Rush at saka nagmamadaling pumasok sa kusina at nagbukas ng ref.
"Pasensya ka na Rush ah. Makulit talaga yan si Mama" sabay lagay ng buhok niya sa likod ng tenga niya.
"Stay ka lang dyan kuya" sabad ni Beauty at saka siya nito hinila at umupo sila sa tapat nito.
"Oo nga brad, stay ka lang dyan. Sayang ang meryenda. Hintayin mo na" sabi ni Kuya Tonyo kay Rush.
"Hoy! Hoy! Tonyo, tigil-tigilan mo yan eh. Wag kang umepal dyan. Baka mapurnada pa lovelife ng anak ko" sabi ng nanay niya pagkalabas sa kusina. Bitbit nito ang isang baso at pitsel ng juice at isang slice ng cake.
Aba! May cake pala sila? Paniguradong dinisplay na naman iyon ng mama niya sa ref. Samin kasi, pag masasarap na pagkain hindi kinakain agad, design lang iyon. Tsk! Si mama talaga!
"Oh mga mahal kong friends at kapitbahay. Bukas na ang update ah. Magsiuwi na muna kayo!" sabi ng mama niya sa mga nakiki-uzi sa kanila.
"Thank you Mam" sabi ni Rush at saka nagmano sa mama niya.
"Naku ang batang ire. Its ok.. its ok" sabi ng mama niya.
"Ay? Bakit ako wala?" baling ni Kuya Tonyo sa mama niya.
"Kami nga wala eh, reklamo ka pa?" sabad ni Beauty.
"Ahmm.. Beauty, here oh. Eat this if you like" at saka dito inalok ni Rush ang cake.
"Naku Rush, hindi, iyo yan wag mo na lang pansinin itong si Beauty" sabi niya.
"Beauty naman, wag ka munang eksena. Pag ang ate mo tumandang dalaga kaka-eksena mo lagot ka sakin. Pumasok ka sa kusina" sita ng mama niya. Tinabihan pa nito si Rush.
"Sige na nga, penge ako don ah" sabi nito.
"Beauty! Ako din! Kahit kalahati lang!" pahabol ni Kuya Tonyo.
"Ito namang si Tonyo hihirit pa! Mawalang galang nga sayo, lumayas ka nga dyan!" sita ng nanay niya.
"Lalayas na nga ako" tumayo ito.
Akala niya uuwi na ito pero lumipat lang ito ng upuan sa tabi niya. Pagpasensyahan niyo na sana siya ah.
"Hay naku, kuya Tonyo! Nakakalerkey ka talaga!" at saka niya hinilot hilot ang ulo niya.
"Are you ok Cutie?" tanong sa kanya ni Rush.
"Huh? Ah.. Ok lang ako Rush. Nakakakulot kasi ng bangs itong si Tonyo eh"
"I can give you a massage if you want" mukhang nag-aalala ito sa kanya ah.
"Sus, ikaw talaga ah. Type mo na ako ah!" hinampas niya pa ito sa braso.
"Anak naman.. hinay lang, makapasok na nga muna sa kusina. Hoy Tonyo, wag ka magulo diyan ah. Hayaan mong humada ang anak ko diyan" pagtayo nito ay sumenyas pa ito ng thumbs up.
"I like your mom" sabi ni Rush.
"I like you too.. ay! I mean, thank you"
"Your mom and your little sis, I like them. They're funny and adorable"
"Ahm.. Me?" sabay turo sa sarili.
"I like you too. You're cute, your name reflects it"
Ngumiti ito at saka nito kinurot ang pisngi niya. Haaay, eto na naman tayo.
"Ehem.. cake, cake.. ehem" bulong nito ni Tonyo.
"Ah here dude, take this" at saka ibinigay ni Rush ang platito nito kay Tonyo.
"Thank you brad. You is so kind and beri kind"
"Oh siya tama na. Kainin na" sabi niya.
"Anong kaguluhan ito! Ano ang narinig ko! Asan ang manliligaw ng anak ko!" biglang eksena ng tatay niya. May hawak pang batuta ito. Ewan ko kung saan nito napulot iyon.
"Papa!" sabi niya. Lumabas na din sa kusina ang natataranta niyang mama at ang walang pakyeme niyang kapatid. Bitbit pa nito ang platito na may cake habang nakain.
"Sino ang manliligaw ng anak ko! Ikaw ba Tonyo?!" sabay baling nito kay Tonyo na nasa tabi niya. Mukhang hindi agad napansin nito si Rush na nasa tapat niya. Sabagay, kadikit lang ng sofa nila ang bintana. Nasa gilid lang din ang pinto.
"Ahmm.. opo?" sagot pa ng hinayupak na Tonyo.
"ANO!!!" hiyaw ng papa niya at saka ito biglang nawalan ng malay. Nataranta naman ang lahat dahil doon. Pahamak naman kasi itong si Tonyo oh! Eksena naman ang tatay ko!
BINABASA MO ANG
Oh tingin ka?... Inlove ka no?
Novela JuvenilCutie is Cute. So cute. Very cute. Super cute. Pango at payat man sa inyong paningin.. Ok lang, sa iba ka na lang tumingin. Ako ang cute na bida na kontrabida sa buhay ko. At dahil cute siya lahat ng napapalingon ay inlove na sa kanya. Tigas no fre...