Masama ang loob niya ng bongga. Hindi lang bongga, bonggang-bongga. Pagpasok niya sa loob ng room ay napanganga ang mga kaklase niya sa hitsura niya. Sabay ang biglang hagalpakan ng tawa ng mga kaklase niya.
"Cutie! Tirik na tirik ang araw. Ginaw na ginaw ka ah!"
"Miss Cutie! Ano ka rebelde? Balot na balot ka ah!"
"Tugnaw gyud Cutie?"
Ay anyare? Pero wapakels ako sa kanila. May dinaramdam kasi akong heartache kaya no care para sa aking mga haters. Bahala sila mang-bash ng bonggels no. Care ko! Basta bahala sila.
"Ang kati na naman ng ulo ko ah" bulong niya at saka tinanggal ang suot na cap. Nagsimula na naman siyang maghinguto ng buhok niya. Grabe talaga itong mga kuto na ito. Ayaw talaga siya tigilan.
"Ikaw na hindi pansinin ni Yuan diba? Or para mas magandang pakinggan, isnabin? Hindi ka ba mapapraning?" awtomatikong lingon niya at saka niya nakita si Glutha na nagsasalita sa harapan. Nakaupo pa ito sa mesa ng prof nila. Alam niyang bawal iyon, sana lang maabutan ito sa ganoong ayos. Paktay talaga ito!
"Duh! Mukha daw kasi siyang rebelde kaya natakot sa kanya si Yuan! Hahahaha" sabi ng isa pang Glutha girl.
"Hahahaha! Rebelde? Eh sundalo nga ang ilong nyan eh!" sagot ng isa pang nagmamaganda niyang kaklase. Alam ko dating kulot ito ah. Straight na ngayon. Aba yayamanin!
"And you are?" tanong niya dito habang patuloy ang pagtanggal ng lisa niya.
"You dont know me?!" tumayo pa ito at saka itinuro pa ang sarili. Ang tearts naman nito. Parang mortal sin ang hindi makilala ito.
"Nope! Magtatanong ba ko kung kilala kita?"
"Oh Im Irene, and the other pretty girl here beside me is Sarah. And the ever gorgeous lady there is Caroline" pagpapakilala nito.
"K dot" aniya at saka niya ipinagpatuloy ang paglilisa.
"Duh! Yun lang reaction mo? Mag-inarte ka base sa tangos ng ilong ateng!" sabi ni Glutha sa kanya.
"Be thankful enough because you have a pointed nose. Because if not, then I would have the courage to insult you back.." aniya at saka inirapan ito.
"Aba't!" hiyaw ng tatlong mean girls.
"Mukhang uminom ka ng sprite ngayon ah! Nagpakatotoo ka ngayon bestship!" sabi ni Dianne sabay lingon sa tatlong higad.
"Kamusta naman kayo mga surgery girls? Wag kayong ano! Eh mas maganda pa ang nose line ko kesa sa inyo. Syatap!"
Mukhang mas lalong nainis ang mga higad. Nagsipagtayuan pa ang mga ito at akmang babatuhin siya ng nilamukos na papel. Pero masyadong ma-appeal ang dumating kaya napatigil sila at napalingon dito. Dumating lang naman si Yuan.
"Oh hi there Yuan!" bati ng mga higad sabay kanya-kanyang ayos ng sarili.
Pero wapakels sa kanila ang lalaki. Dire-diretso lang ito sa upuan nito.
"So Yuan, kamusta na yung friend mo? Yung malandi? Oh I mean, si Melendy!"
"She's fine now" sagot lang nito.
Panay ang pagpapapansin ni Glutha. Sabagay, ano pa nga bang bago dun diba?
"Ok class! Goodmorning!" bati ng papasok na si Ms. Prettyful.
"Uy bestship, ayusin mo na yang hitsura mo" bulong sa kanya Messy.
"Who's that girl?" sabi ni Dianne. Nakatingin ito sa unahan kaya napalingon na din siya.
BINABASA MO ANG
Oh tingin ka?... Inlove ka no?
Teen FictionCutie is Cute. So cute. Very cute. Super cute. Pango at payat man sa inyong paningin.. Ok lang, sa iba ka na lang tumingin. Ako ang cute na bida na kontrabida sa buhay ko. At dahil cute siya lahat ng napapalingon ay inlove na sa kanya. Tigas no fre...