Chapter 2

685 51 28
                                    

Nagpunta ako sa divisoria para bumili ng wala lang. Kung ano lang ang maisipan. Nakakita ako ng isang dress na kulay pula. Elegante ito tingnan kaya sinubukan kong itanong kung magkano iyon.

"Magkano ho dito Manong?" tanong ko kay Manong Tindero. Bago ito sumagot ay ini-adjust muna nito ang salamin nito at saka siya pinakatitigan.

"350 na lang sayo" sabi nito at saka ito ngumiti. Labas pa ang bulok na ngipin nito. Masyado siyang namahalan kaya tumawad pa siya pero umiling lamang ito at sinabi hindi na pwede. Tiningnan nyang muli ang damit at bigla niyang naisip na babagay talaga iyon sa kanya. Kaya kahit pa labag sa loob niya mukhang kailangan na niyang magbawas ng kayamanan.

Pero may isang babaeng dumating doon na halatang napakayaman..ng dibdib. Halos lumuwa naman ang mata ni Manong. Itinanong ng babae kung magkano ang damit na nagustuhan niya. Binigay din iyon ni Manong sa parehong presyo. "Kukunin ko na iyan Manong" ang sabi niya pero mukhang naengkanto na ito kakatsansing sa babaeng mayaman. Agad nitong ibinalot ang damit at iniabot na iyon sa babae. Nagprotesta siya dito pero hindi siya pinansin ni Manong kaya umalis na lamang siya.

                                                

Sa pag-iikot ko ay may nakita akong stall ng mga sapatos. Tuwang-tuwa ako dahil ang gaganda ng mga dollshoes na naroon. May nakalagay pang karatula na "buy one take one" kaya agad ko akong namili doon.

"Manong, magkano po ito?" tanong ko sa tindero. Itinuro ko ang isang pares ng dollshoes.

"300 para sayo" ang sabi nito.

"Ang mahal naman po.. Patawad naman manong" pakiusap niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at mukha namang natuwa ito sa nakita nito dahil pagdating sa mukha niya ay napangiti ito.

"Oh tingin ka? Inlove ka Manong no?"

Dahil sa sinabi niyang iyon ay humagalpak ng tawa ang lalaki.

"Sige, 250 na lang" ang sabi nito habang natatawa pa. Hindi agad siya nakasagot dahil masyado pa din siyang namamahalan doon. May chicks na namang dumating at nagtanong din ng dollshoes na itinuro niya.

"150 na lang sayo Miss!" ang sabi ni Manong at agad na iyong ibinalot at ibinigay sa babae.

Anyare? Hustisya!

                                                                ***

Isang araw nag-aabang ako ng jeep. Hindi ko type mag-abang ng jeep sa mismong sakayan. Kailangan kasi pununin pa ng mga iyon bago umalis. At ang nakakainis pa, sasabihin ni Manong dalawa pa pero sa totoo lang halos wala na. Maaari sigurong isa pa ang kasya pero kailangan payatot ang sumakay. Paano pa kaya pag pawang mga balyena ang mga nakasakay doon? Imbes na sampuhan nagiging waluhan na lang.

May dumaang isang jeep pero puno naman ang laman niyon kaya hindi na lamang ako sumakay. Mukhang nagalit si Manong at sinabing “Ang arte mo hindi ka naman kagandahan” sabay harurot ng mabilis. Nag-iwan pa ng remembrabce sa usok sa mukha ko. Mukhang kailangan ko ng gumamit ng facial wash mamaya pag uwi ko.

Naghintay pa ko ng ilang minute hanggang sa may tumigil na jeep. Medyo madami na din ang nakaskaay doon pero sabi ni Manong pwede pa nag apat na tao doon kaya sumakay na ako. Pag-akyat ko ay kanya-kanyang pwesto ang mga nakasakay doon. Meron pang lalaki na nakasilip sa bintana habang nakaangat pa nag tuhod nito. Meron din naming lalaki na nakabukaka ng bongga na kulang na lang pasukan ng truck sa laki ng pagkakabuka. May dalawang babae naman na nagkekwentuhan at nakaharap ang dalawa sa isa’t isa.

“Excuse me po, paupo po” ang sabi ko.

Tuloy pa din ang kwentuhan ng mga tao na naroon kaya kahit umandar na ang jeep ay hindi pa din siya nakakaupo. May isang matanda ang naawa sa kanya kay umisod ito at sinenyasan siya na tumabi dito. Agad naman siyang nagpasalamat dito. Kahit papano kasi ay hindi naman siya magmumukhang unggoy hanggang sa makarating siya sa paroroonan niya.

Biglang nagpreno ang sinasakyan nyang jeep kaya siya natumba. Buti na lang at saktong natumba siya sa matanda kaya agad na syang umupo. Pero ang mga tao doon ay no comment pa din ang peg.

“Miss, ok ka lang?” tanong ng isang lalaki na masasabi kong katulad ko ding cute na nasa tapat lang ng kinauupuan ko. Tumungo na lamang ako bilang pagsang-ayon.

"Inlove si kuya sakin shet.." isip-isip niya.

Sakto naman palang may sumakay na dalawang pasahero. Isang mukhang kriminal na lalaki at isang diyosang babae. Unang sumakay ang diyosang babae.Ang mga lalaking kanina ay deadma lang aybiglang nagsipag-ayusan ng upo. Tumabi sa kanya ang diyosang babae at nakaramdam sya ng inis. Dahil kung tinbaihan siya nito natabunan na siya sigurado. Sumunod naman ang lalaking mukhang kriminal. Nakaramdam siya ng awa dito dahil bumalik na naman sa dati ang ayos ng mga nakasakay doon. Kaya ang pobreng lalaki, ayun nagpasya na lamang pumara at bumaba ng jeep. Happy trip para dito. Badtrip naman si Manong driver kaya nanahimik nalamang siya.

“Sayang yung isang pasahero oh! Ano ba yan, bakit kasi ayaw magpaupo?” pagpaparinig nito. Pero sorry na lang para dito dahil ang mga pasahero nito ay bingi at bulag.

Umandar muli ang jeep at napansin nya ang mga kalalakihan doon na panaka-nakang pagsulyap sa babaeng katabi niya. Ang diyosa naman ay nakatingin lamang ng diretso sa labas ng bintana. Kahit yung cute na lalaki na inakala niyang interesado sa kanya ay pagkalagkit lagkit ng titig sa babae. Maya-maya pa ay pumara na ang babae. Agad naman nitong iniabot ang bayad nito sa driver. Pero si Manong ay hindi nagkasya sa pagsulyap dito sa salamin na nasa itaas nito bagkus talagang nilingon nya pa ang babae. Mukhang nawala ang bad spirit na sumapi kani-kanina lang kay Manong dahil bigla umaliwalas ang mukha nito.

“Sige Miss, libre na lang sayo” ang sabi nito. Mukhang ikinagulat iyon ng babae pero pinilit pa din nitong magbayad. Kaya nmana napilitan na ding kunin ni Manong ang bayad ng diyosang babae.

Mga ilang minuto pa ay pumara na siya. Dire-diretso na siyang naglakad palabas pero tinawag siya ni Manong driver.

“Miss, bayad mo!” sigaw nito.

Oo nga pala! Hindi pa nga pala siya nakakapagbayad! Agad naman siyang bumalik at naglabas ng barya mula sa coin purse niya. Ang minimum fare ay 8.00 sa pagkakaalam  niya. Pero ang baryang nasa kanya lamang pala ay 5.00 lang. Tiningnan niya ang isang wallet niya pero buong 500 pesos lang pala ang laman niyon. Nataranta siya dahil mukhang hindi siya makakabayad pero bigla niyang naisip yung tungkol dun sa diyosang babae. Diyosa ito pero cute naman siya. Kaya isang level lang ang lamang nito sa kanya. Naisip niyang baka hindi na din siya pagbayarin ni Manong. Pero cute lang siya kaya siguro papaya na din itong limang piso lang ang ibayad niya muna. Utang na lang yung tatlong piso.

“Manong, magkano ba pamasahe?”

“Otso pesos Miss”

“Manong limang piso na lang ang barya eh. Pwede bang libre na lang?” ang sabi niya. Mukhang bumalik na naman ang bad spirit na sumapi kay Manong dahil biglang nag-iba ang mood nito. Nilingon siya nito at tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi pa nakuntento ito at muli na naman syang tiningnan. Ang mga pasahero naman nito ay mukhang inip na inip na.

“Libre? Ano ka ba naman Miss! Sige na nga! Limang piso na lamang para sayo. Anu ba yan, naghahanap-buhay yung tao binubaraot niyo…Blah..Blah..Blah”

Iniabot na lamang niya dito ang limang piso na barya nya at saka siya umalis na. Habang pababa siya ay panay pa din ang pagbubunganga nito. Ang daming ganito, ganyan. Kitang-kita niya pang nakatingin sa kanya ang lalaki na cute kanina.

"Oh tingin ka? Inlove ka no?" sabi niya habang pababa.

Pero paglingon niya ay nakakunot noo itong nakatingin pa din sa kanya.

"Oh tingin na naman!"

Moral Lesson: Ugaliing mag facial wash para kahit pa stress ka na, cute pa din ang iyong fez





Oh tingin ka?... Inlove ka no?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon