Chapter 18

218 27 13
                                    

"Ouch!" hiyaw ko matapos akong matamaan ng kung ano. Pagtingin ko ay bola pala iyon ng batang babae na nandoon din sa Enchanted Kingdom. Medyo matao siya ngayon kasi siguro araw naman ng Sabado. Pero hindi ako galit sa bagets kasi ang cute nito. Parang ako lang eh. Bigla ko tuloy naalala ang kabataan ko dahil dito. Nginitian ko lang ito matapos nitong mag-sorry at saka ko hinanap ang mga bestships ko. Nagpaalam lang kasi ako saglit na pupunta lang ng cr.

Nakita ko sila sa may hotdog stand doon. Kaya naman pumunta na agad ako sa kanila.

"What took you so long?" tanong ni Erica sa akin. Hanggang Enchanted Kingdom ay bitbit pa din nito ang blue print nito. Pero ok lang kasi bitbit lang hindi ginagawa. Nung tinanong ko kung bakit dala ito ay para lang hindi mawala. Geh oo na lang.

"Hmm.. wala lang.."

"Anong meron bestship?" tanong sakin ni Natasha habang naglalagay ng foundation. Puro foundation na talaga ang mukha nito.

"Huh?"

"You look so happy. Something happened?" tanong ni Dianne. Ito naman ang naglilipstick. Akala ko kinagat na ng bubuyog sa sobrang pula.

"Hmmm.. wala lang" at saka ako umorder ng hotdog sandwhich.

Masaya talaga ako. Kaya nga kahit pa  tinamaan ako ng bola ay wala lang sa akin. Kahit pa siguro hollow blocks yun ay ok lang. Iba na talaga pag good mood. Ako na! Ako na talaga!

Dumalaw kasi si Rush my labs. Nabigla nga ako sa pagsulpot nito sa bahay. Bigla tuloy nahulog yung kutong nahuli ko. Aw shet! Babalik na naman yun sa ulo ko! Ganun daw yun eh. Nalipad daw yun pabalik? Ewan ko lang ah.

"Hi Cutie" bati ni Rush.

"Anak! Eto na si Rush oh. Hindi pala natuloy ang lakad niyo" sabi ni mama.

"Yeah, mabuti at inagahan namin ang alis so kaya nakahabol pa ako dito sa inyo. Hindi na kami nagdinner, nagshopping na lang siya. Is it ok kung yayayain ulit kita? Maybe by sunday? I'll make it more special. If that is ok with you ?" sabi ni Rush

"Ahmm.."

"Oo daw Rush, bakit hindi na lang ngayon? Ay sabagay.." sabi ni mama.

"Gabi na po kasi no?" sabad ni Tonyo. So nakiki na naman ito. Sana bahay na naman pala ito

"Hindi.. amoy anghit na kasi itong si Cutie!" sabi ng mama ko. Ang bait niya talaga.

"Ahmm.. sige po mauuna na po ako. Salamat Cutie ah"

Ayaw pa sana namin ito pauwiin pero nakakahiya naman kung masyado kaming pampam diba? So sunday daw. Alam na...

"Hoy girl!" sabay kalabit sakin ni Natasha.

"Huh?"

"Ok ka lang? Kanina ka pa tulala no!"

"Hobby na niya yan!" sabi ni Messy.

"Yeah, masanay ka na dyan. Daydreaming at pagkain ng magic sarap ang hobby niyan" sabi ni Dianne.

"Idagdag mo pa ang paghihiniksik ng kuto nyan" sabi ni Messy.

"Exotic ka pala ateng ah! Pak na pak!" sabay kurot sa akin ni Natasha.

Napagpasyahan naming mag-ikot ikot muna. Pumunta din kami sa nga souvenir items don. Pero dahil pare-pareho kaming G na G, gipit na gipit, ay hanggang tingin lang kami. Ang dami ko pa namang nagustuhan. Kaso wala eh, nganga lang. Kinuwentahan kasi ako ni mama kung magkano lang ang gagastusin ko. Pwede nga siya sumali yung sa game show na "The price is right".

"Girls, horror house tayo!" yaya ni Natasha.

"Hala! Err.. nakakatakot don e" sabi ko.

"Kaya nga horror house diba? Basta go na tayo! Lets go!" sabay hila sa akin ni Natasha.

Pagdating namin sa horror house ay hindi masyado kahabaan ang pila. Nakalagay doon na kailangan sampu muna ang limit ng papasok sa loob. So since na lima kaming girls including Natasha ay kulang pa kami ng lima. Sakto namang nagdatingan ang iba naming kaklase. Kasama doon si Melendy at Yuan. Hindi ako kumibo gayundin ang mga bestships ko.

"Hi guys!" bati ni Melendy. Pero mga famous kami kaya hindi namin pinansin ito.

"No space for new alien" pagtataray ni Erica dito.

"As if" then Melendy rolled her eyes.

It's our turn. Habang papasok kami ay kinakabahan na ako. Pero mas nakakakaba yung karatula na nakalagay sa may pinto bago pumasok. "Bawal manakit ng mga nananakot". Oh diba nakakatakot? Kasi baka hindi ko mapigilan. Yung iba pa naman kasi masyado pampam. Merong nanghihila meron naman nanghahabol.

"Aaahhh!"

"Eeehhh!"

Hindi tuloy ako mapakali agad. Pagpasok pa lang kasi panay na ang tilian ng mga nasa unahan. Ako naman ay nanginig na din sa takot. Lalo na at nagkahiwa-hiwalay na. Pero pilit kong pinanghihila ang mga kasamahan ko habang panay ang tilian.

Bigla na namang may sumulpot na kung ano sa gilid ko kaya ramdam ko na napaihi ako ng konti sa panty. Oh syete naman! Bigla namang may bumukas na kabaong sa kabila. Tapos sa baba ay bigla may kamay na humawak sa paa ko. Bigla ko tuloy iyong nasipa ng bonggels. Aray si kuya! Haha bad!

Nakikita ko ang mga arrow na nagtuturo ng daan palabas. Nadidinig ko pa ang sigawan ng mga kaibigan ko. Hindi ko sila maintindihan kasi panay lang talaga ang hila at kapa ko. Hanggang sa..

"Syete Cutie! Etits ko yang hinahawakan mo!" hiyaw ni Natasha.

Bigla namang napalitan ang sigawan ng tawanan. Pati din ang mga taong nananakot don na nakarinig ay nagtawanan na din.

Paglabas namin ay halos sumakit ang tyan namin kakatawa. Si Messy naman ay gulong-gulo buhok. Si Dianne naman ay halos lumuwa na ang strap ng dress na suot nito. Si Erica naman ay gusot ang damit. Parang galing lang sa gera no?

"Grabe! Ahahahaha! Grabe hitsura nyo ah!" sabi ko.

"Hoy Cutie! Ikaw ang may kasalanan nito. Panay ang hila mo sa akin! Panay na nga ko sabi na bitawan mo buhok ko eh!" sabi ni Messy.

"Oo nga! Wag ka na magtanong Cutie! Ikaw ang gumawa nito sa amin ni Erica!" sabi naman ni Dianne sabay labas ng lipstick.

"Tama! Ikaw ang salarin Cutie! Hinipuan mo ko! Ninakaw mo ang pagkababae ko!" hiyaw naman ni Natasha. Bigla na naman tuloy ang tawanan namin.

So move on ok? Hindi ko naman kasi sinasadya yun. Malay ko ba diba? Panay pa ang ikot namin hanggang sa mapagod kami.

Pagkauwi ko sa bahay alas sais na pala ng gabi. Dahil na din sa pagod ko dumiretso na ako sa kwarto at diretso borlog. Antok much talaga ako.

Pero ginising ako ni Beauty. Feeling ko hindi pa ganon kalalim ang tulog ko kaya nainis ako.

"Ano ba!"

"May naghahanap sayo ate! Laman-tiyan din!"

"Ano? Sino?"

"Ewan ko"

Dali-dali akong bumaba. Kakamot-kamot pa ko paglabas ko ng kwarto. Dandruff naman ngayon ang nahuhulog hindi na kuto. Ano ba namang ulo ito oh.

Pero napanganga ako ng makita ang bisita ko kung sino iyon.

Si Yuan..

Oh tingin ka?... Inlove ka no?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon