Chapter 7

321 43 18
                                    

Hindi maganda ang gising ko. Sobrang hindi maganda. Nakakalerkey! Heartbroken kasi ako ngayon. Nakatikim kasi ako kay pogi kahapon ng masasakit na salita. Sinabihan ba naman akong aning-aning? Buti na lang love ko siya very much dahil kung hindi.. ay naku.. inuntog ko na siya sa muscles ko.

"Anong ginawa mo?" tanong agad sa kanya ni pogi.

"Ahmm.."

"Alam kong ikaw ang nambato. So balit mo nga ginawa yun?"

"Wala lang.."

"Wala lang?"

"Oo, wala lang"

"Wag mo nga ko pinagloloko. Para san yun at binato mo siya?"

"Ano kasi.."

"Ano?" tumataas na ang boses nito. Mukhang napipikon na ito sa kanya. Paktay ang cuteness ko ditis!

"Ginawa ko yun para sayo!"

"What?"

"Kasi nga madaya siya!"

"Pano mo nasabi?"

"Nananakit siya eh!"

"Whoo!" at saka ito naghilamos ng mukha nito. Mukhang naiinis na talaga ito. Tumakbo na kaya siya?

"Ahmm.. bakit pogi?"

"Its all part of the game! Ano ka ba naman! Natural na yon na magkasakitan kayo!"

"Ah ganun ba? Hehe?" nakagat na lang niya ang daliri sa kawalan ng masabi.

"You should be sorry you know. Magsorry ka sa kanya"

"Kanino?"

"Kanino pa ba huh?"

"Ah, dun ba sa lalaking yagit?"

"What?"

"Dun sa lalaking yagit"

"Its not lalaking yagit. He is Tom tom!"

"Tom Taus? Aba sotyal! Pang artista ang neymsung!"

"Its Tom-Tom" pinagdiinan talaga nito ang pangalan ng lalaki.

"Ay yagit nga!"

"Pwede ba?"

"Ok!" itinaas niya pa ang dalawang kamay.

"Ang mahirap kasi sayo para kang aning-aning" at saka niya nilayasan. Iniwan siya nitong nakanganga at sawi. Ang sakit shet! Lalo na at sinabihan siya nito ng aning-aning. Gravity!

Tulala siya sa isang tabi. Eto ako basang-basa sa ulan. Oops! OA na Cutie. Andito ako ngayon. Sa isang lugar na nasasakupan ng kakaibang nilalang. Napapaligiran siya ng mga alien na walang magawa sa buhay. Ang sakit fre! Hindi niya matanggap! Tagos sa heart and bones!

"Oy bestship! Wag OA masyado ah!" sabay hampas sa kanya ni Messy.

"Huh? Bakit pala?"

"Ano ang peg mo? Narrator lang?"

"Huh?"

"Nagsasalita kang mag-isa!"

"Hindi nga?"

"Oo! Ano bang tinira mo kagabi huh? Tulala ka na nga nagsasalita ka pa dyan mag-isa"

"At may alien ka pang nalalaman" segunda ni Dianne.

"Oh! Alien is a creature that.."

"Oh tapos na Erica! Matulog ka na lang dyan!" putol dito ni Messy.

Oh tingin ka?... Inlove ka no?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon