Pumasok ako ng maaga. Bakit? Wala lang. Ang aga kasi akong nilabasan ng armalite ng nanay niya. Nalimutan ko kasi yung sinaing, ayun nasunog. Nasobrahan kasi ako sa pagpapantasya. Kaya para hindi masyado sumama ang timpla ni mama, inako ko na lang ang pagluluto. Ang kaso lang, bawat lugar na tingnan ko ay nakikita ko ang muka ni Yuan. Why oh why! At dahil doon, muntik ng masunog ang bahay nila. Hindi ko namalayan na nalakasan ko pala ang apoy. Kaya ayun, kulang na lang pukpukin ako ng nanay ko ng kawali. Mabuti na lang din at hindi nagdilim ang paningin nito sa akin. Kaya para hindi ako masyadong marindi umalis na lang ako. Pero bago umalis ay binaon ko na lang ang dalawang magic sarap na nasa mesa. Hindi ako bibigyan nito ng baon sure ako dyan. Buti na lang at nakapagtabi ako kahit papano.
Konti pa lang ang tao sa room namin. Wala pa ang mga bestships ko kaya umupo na lang ako sa upuan ko at saka tumulala. Pero wala naman akong mapapala don kaya lumabas na lang ako at nagpunta sa may field. Feel ko magemote sa damuhan eh. Sakto namang pag-angat ko ng tingin ay nandoon si pogi, nakamata sa aking kagandahan.
"Oh tingin ka?" sabi ko with matching irap.
"In your dreams" anito at saka umupo sa tabi ko.
"Ano?"
"Alam kong babanggitin mo kung inlove ako sayo. Inunahan na kita ng sagot"
"Ang hard mo naman sakin. Babae po ako"
"Ows? Babae ka pala?"
"Heh!" irap ko kunwari at saka kinuha sa bag ang baon na sarap. Agad kong binuksan iyon at kinain.
"What's that?"
"Magic sarap! Ikaw pogi ah hindi ka marunong magbasa ah!"
"Jeez, what Im telling is ano yang ginagawa mo? Bakit mo pinapapak yan?"
"Snack?" sabay kibit-balikat.
"Oh my! What kind of girl are you?"
"Cute!"
"How come?"
"My name reflects it"
"I better go. Natutuyuan lang ako ng utak sayo" at saka ito umalis.
Madami na din ang nakikita niyang estudyante kaya pumasok na din siya. Pagpasok niya sa loob pakiramdam niya pumasok siya sa bilibid. Merong naghahampas ng bag nila. Meron namang mga kalalakihang akala mo nasa loob ng boxing ring ang pormahan. Meron ding mga kabaklaan na nagpupunong braso? Aba! Naduduling na yata ako. Sa kabilang banda naman ang mga kababaihan na kanya-kanyang tsismisan habang hawak ang brochures ng avon.
Umupo na lang siya sa upuan niya. Nakita niyang nakapwesto na din doon sa upuan nito si pogi. Busy much ito sa pagbabasa nito ng libro na bitbit nito. Pero pinakatitigan niyang maigi ang mukha nito.
"Hayss.. Pogi much ka talaga. Hayaan mo mapapasakin ka din" aniya sanay dukot ng magic sarap na nasa bulsa niya. Napangiwi naman ang ilang kaklase niya na nakakita pero hindi na lang niya pinansin. Sinimot niya iyon ng bongga at saka bumaling ulit kay pogi.
Bigla namang eksena ni Glutathione. Syempre pa pacute agad ang peg nito. Si pogi naman ay panay lang ang basa ng libro nito.
"Hi Yuan! Alam mo nagpalit ako ng number. Kasi balita ko nakaglobe ka daw eh. Gusto mo bang hingin ang number ko? Textmate tayo pwede?" pagpapacute nito.
"No. And I dont care" sagot nito ng hindi lumilingon kay Glutha. Sukat sa sinabi nito ay napabunghalit siya ng tawa.
"Bwahahahahaha!" hawak niya pa ang tyan niya sa kakatawa.
"At bakit?" mataray na tanong nito sa kanya.
"Ahmm.." aniya. Nag-iisip kasi siya ng maisasagot pero wala. Alangan naman ipagsigawan niya na natawa siya sa pagsusuplado ni pogi dito. Kaya hinila hila na lang niya ang bawat hibla ng buhok na parang naghihiniksik ng kuto.
"Oh ano? Bakit natawa ka? May sine te?" habang nakataas pa ang kilay nito. Sakto namag lumingon na din si pogi sa kanya.
"Ahmm.. wala yon! Ano kasi! Nakikiliti kasi ako sa ginagawa ko! Eto oh! Hahahaha!" at saka niya pa lalong hiniksikan ang ulo.
"Eew! Anong ginagawa mo?"
"Kumukuha ng kuto!"
"Yuck!"
"Arte mo!" at saka niya kunwaring isinubo ang kuto na nakuha niya. Inaasar niya pa ito dahil talaga ipinakita niya pa dito ang dahan-dahang pagsubo niya at pagnguya. Lalo namang ngumiwi ang mukha ni Gluta. Mukang nakainom ito ng suka sa sobrang ngiwi.
"Bwahahaha!" biglang tumawa ng malakas sa pogi. Nang mahimasmasan ay umiling-iling ito sa kanya habang nakangiti. Syempre kilig siya ayaw niya lang ipahalata.
"Oh tingin ka? Hmm..Inlove!" sabi niya sa lalaki.
"What? Are you out of your mind?" maarteng sabi ni Glutha.
"Tse!" sabi na lang niya at saka inirapan ito. Tinalikuran na lang niya ito dahil naiinis talaga siya sa mukha nito.
"Hoy!" hampas sa balikat niya ni Glutha.
"Bakit?" at saka niya inihampas din dito ang libro na nasa ibabaw niya, pero medyo mild lang naman.
"Aba't!" akmang sasampalin na siya nito. Kulang na lang pati ugat nito pumutok na sa sobrang galit. Syempre agad naman niyang hinarang ang mga braso para sumalag.
"Stop it!" pagtingin niya ay nakita niya si pogi na nakatayo habang hawak ang braso ni Glutha.
"Ahmm.. Ehem.. Ito kasing impakta na to!" halata sa mukha nito ang panggigigil.
"Ikaw kaya no!" sagot niya.
"Kung hindi ka ba naman kasi.. Oh! Hindi na kita papatulan. I wont stoop down to your level. You are just a dirt! Duh! Lamang naman ako sa ganda sayo!" sabay irap with exaggerated face pa.
"Oo na maganda ka na. Nung hindi pa uso ang tao" bulong niya.
"Sayin something?"
"Ehem.. ehem.."
"What was that?"
"Wala! Ang sarap ng kuto!"
"Imba ka talaga! Hay naku!" at saka ito umirap ng bonggang-bonggels sa kanya at saka umupo sa upuan nito. Si pogi naman ay nakatingin lang sa kanya habang napapailing.
"Oh tingin ka?" sabi nito."
"Haaayy gravity! Dapat ako nga nagsasabi niyan diba. Dun ka na mga kay Glutha"
"Funny.. Inlove ka lang sakin pango" at saka nito pinisil ang ilong niya at saka umupo na sa upuan nito.
"Oo na ako na pango! Pango ako! Pango much! Pero kilig to the bonggels ako!" sabi ni ng isip niya. Haaaaayyy.. Ngayon ko lang narealize na may advantage pala ang pagiging pango.
BINABASA MO ANG
Oh tingin ka?... Inlove ka no?
Teen FictionCutie is Cute. So cute. Very cute. Super cute. Pango at payat man sa inyong paningin.. Ok lang, sa iba ka na lang tumingin. Ako ang cute na bida na kontrabida sa buhay ko. At dahil cute siya lahat ng napapalingon ay inlove na sa kanya. Tigas no fre...