Chapter 23

67 2 0
                                    

Ang sarap kurutin ng pisngi ni Yuan gamit ang plais. O kaya sampal-sampalin ito gamit ang nakasaksak na plantsa. Pwede ding kurutin ito gamit ang nailcutter. Ano kaya ang tumakbo sa isip ng lalaking ito at sinabi nito iyon?

Daig ko pa ang nasalang sa electric chair sa talim ng titig ng tatay ko, ng nanay ko, ni Beauty.. ni Tonyo at ng mga usisera naming kapitbahay.

"Bakit Cutie! Bakit mo nagawa ang ganoong karumal-dumal na bagay! Bakit kay Yuan pa!"

Well, isang palakpak para sa drama ni Tonyo.

"Eh ano pala gusto mo sayo? Duh! Kung ikaw lang din naman. Ok ng maging matandang dalaga ang ate ko no!"

Bumanat na naman si Beauty. Isang powerful round clap para kay Beauty.

"Anak, utang na loob, magsalita ka, totoo ba anak? Pero hindi, wag ka ng magsalita, ayokong marinig na totoo na buntis ka.."

"Eeeeekkkk! Tatay ano po ba talaga? Pati ako naguguluhan sayo eh!"

Napalingon na lang ako sa labas habang nagtatalo sila. Syempre pa, nagtatalo din ang mga kapitbahay ko. Dapat kay Rush na lang daw. Ang daming ek-ek nila.

"Kailangan kang pakasalan ng lalaking iyan! Ilalabas ko ang mamahalin kong baril! Yung mahaba!"

"Tay, wala po kayong baril. And capital F-Y-I, hindi po ko buntis. Bilbil lang ito, hindi po ko buntis.." sabi nito habang natirik-tirik pa ang mga mata ko.

Natahimik ang lahat. Pati ang mga kapitbahay kong usisera at usisero ay nanahimik at isa-isang umalis sa may bintana. Ako naman ay tumayo na at saka pumasok sa kwarto ko. Kailangan ko ng magbihis. Papasok pa ako, patay ka saking Yuan ka.

Pagdating ko sa eskwelahan, mabilis ang ginawa kong lakad. Kailangan kong makompronta agad ang Yuan na yun. Pero sadyang hindi ko yata araw ngayon. Kasi naman yung mukhang tilapia ni Gluthatione girl pa ang unang nakita ko.

"Hoy pango!"

Ang sakit sa pandinig kaya hindi ko pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy pango!"

Hooo! Humihinga na ako ng malalim. Kailangan kong pigilan na angilan ito. Pero sadyang nananadya talaga ito dahil naramdaman kong may bumato sa akin. Paglingon ko, binato lang naman ako nito ng hawak nitong folder case nito.

"Ano ba?"

"Aba! Ang suplada mo ngayon pango ah!

Inirapan ko lang ito at hinanap agad ng mata ko yung impakto (*pero gwapo) na Yuan na yun. Todo ngiti agad sakin ito. Kumaway-kaway pa ang hudas sabay senyas na tumabi ako sa upuan niya. Pero akala niya siguro magpapauto ako sa kanya. Hello! Maria Clara ata 'to no! Inirapan ko lang ito ng super duper irap sabay tabi kay Maria Mercedes.

"Goodmorning Cutie my fren!" bati sa akin ni Natasha. Napakatinis pa ng boses nito habang naglalagay ng mascara sa mga mata nito.

Nginitian ko lang ito at napalingon na naman ako kay Yuan. Seryosong nakatitig lang ito sa akin. Bigla naman akong kinabahan. Umiwas na lang ako ng tingin dito.

Nang matapos ang klase ay magkakasama na naman kaming mga bestships. Tumambay muna kami sa field. Bumili naman ng makakain si Dianne tsaka si Messy. Si Natasha? Ayun, panay pa din lagay ng mascara niya. Para ngang nakapikit na yung mata nito sa patong-patong na mascara.

"Hi guys!" bati sa amin ni Melendy.

Tiningnan lang namin ang ganda nito. Ngiting-ngiti pa ito sa amin. Pero kami? Syempre, smile lang din. Yung sinasabing "plastik smile" ang napala lang naman nito samin.

Oh tingin ka?... Inlove ka no?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon