Para na naman akong nasa cloud 9 ngayon. The best feeling eveeeerr! Para akong nililipad papuntang heaven. Haaaayy.. Feel na feel ko talaga ang maglakad ng maglakad hanggang sa makarating na ako dito sa pathway papunta sa gym.
Hindi ko na maitikom ang bibig ko. Nakaplaster na yata ang ngiti ko. Unlimited ang ngiti ko ng bongga sa sobrang ganda ng araw ko ngayon!
Oops! Yung nangyari pala kagabi no? Kung kakamustahin niyo ang tatay ko. Ayun.. buhay na buhay pa naman. Kakalerkey nga pala yung nangyari na yun! Ayan.. nawala na naman tuloy yung masayang atmosphere ko.
Kasi naman kasi, kaya pala tumaas ang presyon nito ay nung inisip nito sa si Tonyo ang manliligaw niya. Ang tatay ko naman kasi hindi marunong magtanong. Tandang-tanda ko pa yung eksena namin at yung sinabi niya kagabi pagkatapos niyang umeksena ng bongga na nakakaloka talaga.
"Anak naman.. pinagaral kita sa maayos na paaralan. Binigyan ka pa namin ng pangalan na babagay sa ganda mo. Tapos, si Tonyo lang ang makakatuluyan mo?"
"Duh! Tatay naman, ang ganda na talaga ng eksena mo. Hindi ko naman manliligaw yan no. At isa pa, tungkol dun sa sinabi niyo na binagay niyo ang pangalan ko sa mukha ko. So talagang mababang level lang ako, cute lang talaga?"
"Ah.. yun ba.. ano kasi yun anak"
"So kay Beauty, kaya Beauty ang neymsung niya dahil maganda siya? Ganon ba iyon tay? Ang sakit naman non!"
"Ate, tanggapin mo na lang ang katotohanan. May mga bagay talaga na it hurts you know?" sabad ni Beauty.
"Anak, tama na ang pagiging OA" sita sa kanya ng nanay niya. "Alam mo papa, hindi itong si Tonyo na yagit ang manliligaw ng dalaga natin. Itong si Rush ang manliligaw"
"Oo nga po, hindi ko po type si Cutie no! Panget nyan eh.. hahaha" sabi ni Tonyo.
"Bakit ikaw hindi?" sabad ni Beauty.
"Ang bad mo talaga Beauty" sabi dito ni Tonyo.
"Ang sakit mo sa mata eh!"
" Tama na nga yan anak. Ay ganun ba, naku hijo, ano nga ba pangalan mo Rush? Pasensya ka na ah"
"It's ok lang po"
"Welcome to the family hijo!"
Masyadong OA si tatay kagabi pero wala eh, nasa lahi na namin talaga yan. Haaayy.. kakaiba talaga ang feeling na itech! Akalain mo part of the family agad? I laaaab it! I really really laaaaaab it!
"Awww!" hiyaw niya at saka napahawak sa noo. Teka ano ba itong nabangga niya? Nasobrahan na yata ako sa pagdedaydreaming ah.
"Hi.." seryosong sabi ni Yuan.
Akala niya ito mismo ang nakabungguan niya hindi pala, kundi ang libro nito na hawak nito at nakatutok sa tapat niya. Teka, ano ba trip nito?
"Anong ginagawa mo?"
"Mabubunggo mo ako"
"Eh hindi naman kita nabunggo eh! Ayan oh! Yang libro mo!"
"Kasi nga bubungguin mo na ako. Hindi na uso ang bungguan effect. Kaya eto, libro na lang ang bungguin mo. Gusto mo lang yata mapadikit sa akin"
"Aba! Hoy nerbyusin ka naman sa sinabi mo no! Ex na kaya kita, I mean ex-crush ganyan. May iba na ako! May Rush na ako! Aaayy!" with matching daydreaming na siya.
"Crush?"
"Rush! He is Rush!"
"Who is that?"
"He is my one and only Rush!" nakapamewang pa siya. Wala pa naman masyado tao kaya ok lang magfeeling diba?
"You dont like me anymore?" anito. Ang mga mata nito ay biglang lumambong. Paawa effect.
"Ahmm.. no..I mean.. yes.."
"Let's see"
Bigla na lang siya nitong hinila sa braso at saka inilapit nito ang mukha nito sa kanya.
"Shocks! Masyadong ahm.. teka.. shet.. ang bango ng hininga niya!"
"So now, tell me. Hindi mo na ko gusto?" halos pabulong na sabi nito.
"Dug.. dug.. Dug.. dug"
"Ah.. kuya.. wag po.."
"Why? Dont cha like it?"
Dahan-dahan nitong inilalapit ang mga labi nito sa kanya. Eto na.. palapit na ng palapit.. eto na.. Unti-unti na din niyang pinipikit ang mga mata at saka ininguso ang mga mapupulang labi. Mabuti na lang at konti lang ang tao. Konti lang ang makakakita ng ng tagpong iyon. Mangyayari na ang aking first kiss.
Eto na.. eto na..
"What are you doing?" basag nito sa tagpong iyon.
Agad naman siyang dumilat. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng mukha niya. Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Nakakahiya!
"Ahmm"
"You think Im gonna kiss you?"
"Oy hindi ah!" at saka ako lumayo dito. Maluha-luha na ako dahil sa sobrang kahihiyan. Naku po! Nakakahiya talaga!
"Really? You are pouting your lips"
"Anong pout? Pout your face! Makalayas na nga sa harap mo"
Pero bigla na naman siya nitong hinila sa braso. This time.. ano? For real na ba ito? For real na ba ang first kiss na ito?
Akala ko mangyayari na ang inaasam kong first kiss. Pero mukhang walang balak ito. Paano kasi ay nakatitig lang ito sa akin.
"Oh tingin ka?" sabi ko. Pero namumula na naman ang mukha ko.
"Inlove ka?" dugtong nito.
Hindi na naman tuloy ako makakibo. Hawak pa din nito ang braso ko. Parehas lang kami na nagsusukatan ng tingin.
"Cutie.." tawag sa kanya.
Paglingon nila ay nakita niya na nakatayo doon si Rush. Wearing their school uniform. So dito pala din ito nag-aaral? Teka! Paano na ito! Nakita na ni Rush si Yuan. Shocks! Anong gagawin ko?
Isa kang salawahan Cutie!
Tigas ko fre no? Kiber.
BINABASA MO ANG
Oh tingin ka?... Inlove ka no?
Teen FictionCutie is Cute. So cute. Very cute. Super cute. Pango at payat man sa inyong paningin.. Ok lang, sa iba ka na lang tumingin. Ako ang cute na bida na kontrabida sa buhay ko. At dahil cute siya lahat ng napapalingon ay inlove na sa kanya. Tigas no fre...