“Magandang gabi p,o tamang tama po ang dating mo ma’am Ally may bisita po kayo.” Bungad nung maid ni Papa
“Sino pong bisita ?” tanong ko
Curious ako ee, may sarili na kasi akong bahay pero bakit dito sa bahay ni Papa ako binisita nung bisita ko.
Baka naman naligaw?
O hindi alam ang bahay ko.
“Hindi ko po kilala Maam eeh. Nasa library po sya maam Ally.”
Nag nod nalang ako sa maid.
Sure akong kilala ko yung bisita na sinasabi nung maid. Hindi naman sya papapasukin ni Papa sa Library nya kung hindi namin sya kilala.
Habang naglalakad ako papuntang library naisip ko lang, bakit pinatuloy ni Papa yung mysterious na bwisitang yun sa library nya kung ako ang pinunta nun ditto.
Baka family friend lang. :D
*tok tok*
*tok tok*
Pagkatok na pagkatok ko sa pinto ng library pinagbuksan agad ako nung isa pang maid.
Nag hatid siguro sya ng pag kain nila Papa at nung bwisita.
Bakit kasi gabi kung bumisita ee.
“Hi Papa” bati ko kay papa saka ako nag mano sa kanya.
“Buti dito mo naisipang tumuloy ngayong gabi”
“Ally”
Familiar yung boses
Sana mali ang taong iniisip ko.
“Ally kumusta ka na?” he asked.
“Anong ginagawa mo dito?” mahinahon kong tanong saka ako humarap kay Xyan
Tama nga ako si Xyan ang nasa harapan ko ngayon.
Anong ginagawa nya dito sa bahay ni Papa?
“Ally” saway sakin ni Papa. Hindi nya siguro nagustuhan yung tanong ko kay Xyan.
“Pa, pwede nyo po bang iwan mo muna kami ni Xy.. oh sorry Mr.Zyler nga pala”
Tingnan lang ako ni papa ng masama tapos lumabas na rin sya ng library.
Dalawa nalang kami dito sa loob ng room hindi ko alam ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
First and Last
Teen FictionWhy do people fall in love? Tapos masasaktan at iiyak lang sa huli. Why do lovers walk away from themselves? Kahit na alam nilang mahal nila ang isat isa. Why does gladness become sadness? Tapos magpapanggap ka na okay lang ang lahat, na masaya ka k...