“Hi Mama.” Bati ko sa kanya saka ako naupo sa tabi nya.
“Hello po Tita” bati ni Leigh kay mama habang nag wawave pa sya ng kamay.
“Mama mukhang may manliligaw ka aah. Fresh pa yung flowers oh.Sorry pala Mama wala kaming dalang pasalubong ni Leigh nagsimba po kasi kami eeh. Speaking of, Mama pagsabihan nyo nga po si Leigh….”
“Babe naman.” Putol ni Leigh sa sasabihin ko.
“Mama kasi si Leigh hindi marunong mag simba. Sobrang atat syang matapos na yung mass.”
Pagkasabi ko nun kay Mama tumingin agad ako kay Leigh. Hindi ko mahulaan yung iniisip nya.
Ang blanko nung face nya.
“Leigh alam mo sabi sakin ni Mama dati dapat si God yung unang nilalang na malapit sa puso natin.”
“Di ba Mama sinabi mo yun sakin?” saka ako tumungo para pahirin ang luha ko.
“Ally” Si Leigh nasa tabi ko na pala.
“Okay lang ako babe.” Sabi ko saka ako tumunghay at ngumiti kay Leigh.
“Babe pwede kabang mag promise kay Mama?” tanong k okay Leigh
“Anong sasabihin ko?” he saked
“Mag promise ka kay Mama na magiging malapit ka na kay God.”
“Paano ba maging malapit sa kanya?” tanong nya ulit.
“Para ring tao si God, magiging malapit ka sa kanya kapag palagi mo syang dindalaw sa tahanan nya, kapag palagi mo syang tinatawag or kinakausap. Kapag napalapit kana sa kanya mararamdaman mong hindi ka nag-iisa. Hindi ka nya pababayaan hindi ka nya iiwanan……”
“Ally paano mo yan nasasabi? Sarili mo ngang ina kinuha nya sayo.Hinayaan ka nyang mawalan ng mahal sa buhay tapos sasa….”
Pinutol ko ang pagsasalita ni Leigh hindi nya ako naiintindihan.
“Hindi mo naiintindihan. Lahat may dahilan. Lahat ng to may dahilan kaya huwag mong isisi sa diyos ang pagkawala ng Mama ko dahil ni minsan hindi ako nagtanong at nagduda sa pagmamahal ni God. Leigh nung nawala si Mama hindi ako pinabayaan ng Diyos, hindi nya pinaramdam sa akin na nawalan ako. Alam kong masaya si Mama ngayon kasi kasama na nya si God. Kinuha nya sa amin si Mama kasi mahal ni God si Mama. Ayaw nyang mahirapan si Mama dahil sa sakit nya. Leigh miss ko na si Mama”
“Ally…”
Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako. Yakap lang ako ni Leigh habang umiiyak ako.
Miss ko na talaga si Mama.
BINABASA MO ANG
First and Last
Teen FictionWhy do people fall in love? Tapos masasaktan at iiyak lang sa huli. Why do lovers walk away from themselves? Kahit na alam nilang mahal nila ang isat isa. Why does gladness become sadness? Tapos magpapanggap ka na okay lang ang lahat, na masaya ka k...