ALLY’S P.O.V.
“Ally nasabi ko na ba sayo?” he asked without looking at me. Ang tamlay ng voice nya.
Bad news ba yung sasabihin nya?!
Wag naman sana.
Good vibes ako ngayon tapos magbabalita sya ng badnews. Tss
Ayoko nun.
Naglalakad kami ngayon. Ang hindi ko lang alam kung saan kami papunta basta sumasabay lang yung mga paa ko sa direction kung saan papunta ang paa ni Xyan.
“Ang ano?” curious kong tanong.
“Nakabalik na sila Manang sa bahay mo.”
Hindi ba sya happy na may kasama na ko sa bahay ko?
Isa pa dapat masaya na sya kasi im sure sobrang napapagod narin yung katawan nya gumising ng maaga para lang magluto ng breakfast naming dalawa.
“Ah—good. Hindi ka na mapapagod sa…”
“Hindi na kita mababantayan 24/7”
Mabilis akong napatingin sa kanya.mejo nagulat kasi ako sa narinig ko.
Pero iniwas ko rin agad yung tingin ko paano kasi nakatingin rin sya sakin.
Yung heart beat ko biglang bumilis.
“Alam mo okay lang yun kasi di ba sabi mo nga nakabalik na sila Manang” masigla kong sabi saka ko sya nginitian.
Pampaalis ng awkward.
Masyado yatang nagiging emotional si Xyan ngayon.
“Wait, si Amber yun di ba?” sabi ko saka ko itinuro yung kinatatayuan ni Amber.
Si Amber nga ba?
Tama si Amber nga pero bakit parang umiiyak sya.
“Heart broken” mahina nyang sabi saka namin nilapitan si Amber.
“What?”
heart broken si Amber? Paano nya nalaman?
“A—lly *sob*” muka ngang heart broken. Kawawa naman sya.
Pagkakita nya samin ni Xyan niyakap agad nya ko.
Iyak sya ng iyak.
“Anong problema Amber?” I asked while rubbing her back.
Si Xyan tahimik na nakatingin samin.
“I saw *sob* him.”
“Him?”
BINABASA MO ANG
First and Last
Teen FictionWhy do people fall in love? Tapos masasaktan at iiyak lang sa huli. Why do lovers walk away from themselves? Kahit na alam nilang mahal nila ang isat isa. Why does gladness become sadness? Tapos magpapanggap ka na okay lang ang lahat, na masaya ka k...