ALLY’S POV
“Every move you make” Naalipungatan ako dahil sa boses nanarinig ko.
Hindi ako pwedeng magkamali boses ni Xyan ang naririnig ko.
“Every vow you break
Every smile you fake
Every claim you stake
I'll be watching you”Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Nanghihina ako.
“Since you've gone I been lost without a trace
I dream at night I can only see your face
I look around but it's you I can't replace
I feel so cold and I long for your embrace
I keep crying baby……*sob*” Sinong humikbi?Andito pa rin ba ako sa hospital? May iba pa bang tao dito bukod samin ni Xyan?
“Ally*sob*” Naramdaman kong biglang may humawak sa kamay ko.
Anong gagawin ko?
Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko ang bigat bigat.
“Naririnig mo ba ako? Stupid! Paano mo ko maririnig ee ang himbing mo matulog?Ha—ha—a—aha—a-ha” Ano bang nangyayari sa lalaking to? Nagpipilit tumawa, wala namang nakakatawa.
“So chance ko na palang mag salita ng hindi mo ko sinisigawan at kinakawawa” Walang buhay nyang sabi.
“Naalala ko lang nung high school pa tayo, ako rin yung nagbantay sayo nung na hospital ka. Ang dami nating memories sa loob ng hospital. Natatandaan mo pa ba Ally sinagot mo ako before ka lumabas ng hospital. Katulad ng dati gusto kong bago ka lumabas ng hospital na to magkaayos na ulit tayo, kahit bilang magkaibigan lang….. andaya mo kasi hindi mo ko hinintay nagboyfriend ka agad hindi pa naman tayo nagbebreak, di ba? Ang sakit tuloy dito …. Habang tumatagal na nakakita kitang may iba na pasakit ng pasakit yung nararamdaman ko ….basag na basag na yung puso ko Ally mukang kailangan na ulit palitan….”
Naaalala ko lahat L
Nalulungkot ako kasi hindi na yun pwedeng mangyari kasi may boyfriend na ako pero sana naman Xyan wag mong isisi sakin na hindi kita hinintay. Siguro nga walang break up na nangyari sa atin nuon pero hindi ko kasalanan kung bigla nalang akong nagmahal ng iba.
Nasaktan ako, nasaktan ako Xyan.
Naranasan ko rin kung paano ang masaktan kaya siguro patas lang tayo ngayon.
“Im still in love with you” He said saka ko naramdaman ang paghawak nya nang mahigpit sa kamay ko.
Hindi ko maipaliwanag, bigla nalang parang may kumurot sa puso ko.
Parang umiiyak at sumisigaw ang puso ko. Nahihirapan ako.
Why? Bakit ko nararamdaman lahat ng to?
Dapat wala lang sakin ang lahat ng sinasabi nya kasi hindi ko na sya mahal. Hindi na kita mahal Xyan!
BINABASA MO ANG
First and Last
Teen FictionWhy do people fall in love? Tapos masasaktan at iiyak lang sa huli. Why do lovers walk away from themselves? Kahit na alam nilang mahal nila ang isat isa. Why does gladness become sadness? Tapos magpapanggap ka na okay lang ang lahat, na masaya ka k...