ALLY'S P.O.V.
Marami pa pala kong hindi alam.
Hindi pala talaga sapat yung mahal mo lang yung isang tao para mag work-out yung relationships nyo.
Dapat present yung trust and honesty.
At may mga bagay pala talaga na hindi maiintindihan ng utak kung hindi pakikinggan ng puso.
May mga bagay na nakikita ng mata pero hindi nauunawaan ng utak.
Kelangan pala talaga na sa bawat pagdadaanan o gagawin utak ang ginagamit na kailangang suportahan ng puso.
Anyway, bakit ba yan ang iniisip ko ngayon?
Ewan din. Minsan bigla bigla nalang may sumasagi sa utak ko.
Today is..... hala February 22?
Birthday ni Quincy..
Magcecelebrate kaya sya? Wala kong natatandaan na ininvite nya ko :/
Aba wait. Kumusta na yung pang gift ko kay Quincy? Di ko pa nakikita yun ee..
Di ko nga alam kung nabili ni Manang yun.. hmmp
Inutos ko kasi yun kahapon kay Manang..
Di bale quarter to six pa lang naman.
May time pa kong kunin...... eh kung ipakuha ko nalang kaya dun sa maid ni Papa. Hihi
Tama. Hahaha
*tok tok*
*tok tok*
Aga naman.
"Good Morning" I greeted briefly.
"Good Morning din po Maam .. Ah handa na po ang umagahan nyo"
Umagahan? Ang aga pa ah.
Ahh. Maid ni Papa yung kausap ko. Hindi ko kilala kasi parang bago pa lang sya.
She was in her mid-twenties, I guess.
"Sige po. Mamaya nalang ako kakain."
"Maam Ally pinasasabi po kasi ni Maam Quincy na paalis kayo. Hindi po ba nya inulit sa inyo?"
Ano daw?
Anon nga kaing pangalan nitong kausap ko. Tss. Hirap dito sa bahay ni Papa ee masyadong madaming katulong hindi ko tuloy kilala -.-
"Hindi po ee. Anon bang sabi nya?" I asked.
"Ipaalala ko daw po sa inyo na 7'oclock yung alis nyo.. susunduin ka nalang daw po dito" she answered.
"Ahh. Ganon po ba... Si Manang po ba andito pa?"
"Wala po ee. Maaga pong umalis"
I paused for a while ....
"Ah.. Sino po kayang pwedeng pumunta sa bahay ko.. dun po sa kabilang subdivision?"
Ehh. Nakakahiya rin naman na sya yung utusan ko kasi baka hindi alam kung saan yun.
"Ay gising ka na pala"
"Manang yun po kayang.."
"Ito ba?"
"Ay opo .. salamat po."
"Sige na. gumayak ka na. ako na mag aayos ng mga gamit mo"
Si Manang yung tumayong ina ko mula nung nawala si Mama.
Sya yung nagpoprovide ng lahat ng kailangan ko.
Swerte siguro nung mga anak nya kasi sya yung naging ina nila..
BINABASA MO ANG
First and Last
Teen FictionWhy do people fall in love? Tapos masasaktan at iiyak lang sa huli. Why do lovers walk away from themselves? Kahit na alam nilang mahal nila ang isat isa. Why does gladness become sadness? Tapos magpapanggap ka na okay lang ang lahat, na masaya ka k...