“Ally!”
Nagulat ko ba sya? Di ba dapat ako yung magugulat.
So sya pala yung transfer na pinagkakaguluhan kanina sa labas. Hindi na ko nagtataka. Maganda naman kasi sya talaga ngayon compare dati.
“Ikaw pala Ms. Llan”
“Babe magkakilala kayo?” Curious na tanong ni Leigh
“Babe?” paglilinaw ni Quincy
“Yes, Babe. Ah-hh Ms.Llan si Leigh nga pala BOYFRIEND ko.” I emphasized
Pagkasabi ko kinuha ko agad yung bag ko para makaalis na kami ni Leigh
Medyo nasisiskipan na rin kasiako sa loob ng room namin dahil kay Quincy.
Si Leigh halatang naguguluhan dahil sa mga kinilosko habang kausap si Quincy kaya naman binalikan nya si Quincy.
Humihingi ata sya ng sorry dahil sa inasal ko.
Naiintindihan ko naman si Leigh kasi hindi nya alam kung anong nangyari samin nuon.
“Ms.Llan excuse me ha. Kukunin ko lang ang boyfriend ko. Babe tara n..”
“Ally, don’t call me Ms.Llan. Please?”
“So, ano palang gusto mong itawag ko sayo?”
Bakit ganun? Hindi ko mapigilan ang Sarili ko? Alam ko hindi ako to. Hindi ganito ang ugali ko.
“Ally tama na” Leigh whispered
“Di ba mag bhesti…”
“Quincy wala akong bhestie. Wala akong bhestie na sinungaling at manloloko”
Alam kong mali ako na sabihan ko si Quincy ng ganun sa harap ng mga kaklase namin.
Lahat sila hindi alam ang nangyayari.
Si Quincy umiiyak na habangako nagmamatigas pa rin.
“Please” She whispered.
I shook my head.
Pati ako naguguluhan na rin. Akala ko wala na. Akala ko okay na ako sa kanila ni Xyan pero bakit ngayon parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko nuon.
BINABASA MO ANG
First and Last
Teen FictionWhy do people fall in love? Tapos masasaktan at iiyak lang sa huli. Why do lovers walk away from themselves? Kahit na alam nilang mahal nila ang isat isa. Why does gladness become sadness? Tapos magpapanggap ka na okay lang ang lahat, na masaya ka k...