Chapter Eight: A Puzzle Piece

146 10 10
                                    

CAITLIN PAIGE


"Have you all decided?" Nilibot ni Instructor Minerva ang tingin niya sa'min pero walang sumagot. Dahil siguro sa pag-uusap na nangyari kanina lang. Ni hindi kami makatingin sa isa't-isa. "I'll let you decide after your first challenge then." We all nodded.


Instructor Connor clapped his hands. "Since you still have a chance to train for two more days before you participate at the tournament, let's not start with you fighting each other. Let's save that for the last day. Now, get ready."


We positioned ourselves and waited. Tumaas ang makapal na salamin sa pagitan namin ng mga instructors. They pressed another button and smoke started to spread. No, it's more like a fog. Before it spreads and cover us all, my eyes met Blade's. I only stared at him, and he did the same. Hindi ako umiwas hanggang sa tuluyan kaming nabalot ng hamog. Naging malamig ang paligid, hindi ko alam kung medyo diniliman ba ng mga instructors ang ilaw o kung dahil lang sa fog iyon.


Looks like they want to test our senses and reflexes.


Wala akong ibang makita. Hindi ko rin naririnig ang mga kasama ko. Paniguradong hindi pa rin umaalis ang mga 'to sa pwesto nila para makiramdam. Magsisimula na sana akong maglakad nang may malamig na kamay ang kumapit sa paa ko. Nilingon ko ito at halos mapatalon ako sa gulat. Tao siya, pero walang mukha. Wala siyang ilong, mata, kilay, bibig, o kahit tainga. Wala ring buhok. Korteng tao pero hindi. Ilang beses akong pumadyak para bitiwan ako nito pero mahigpit ang kapit niya. Hinihigpitan niya pa lalo at mas niyayakap ang paa ko.


Freak.


Bumwelo ako at sinipa siya sa gilid ng ulo. Tuluyan siyang napabitiw pero hindi siya tumigil ro'n. Mabilis itong tumayo at akmang susugurin ako. Mas matangkad ito sa akin, mahaba ang mga binti at braso pero payat. Mahaba rin ang leeg niya at malapad ang balikat. Maputla ang balat na para bang wala siyang dugo.


Hinanda ko ang sarili. Nang muli niya akong hahawakan, hinawi ko ang kamay sa ere at minanipula ang hangin. I threw an air spike at him but what happened next wasn't the outcome I expected.


Napahawak ako sa tagiliran ko nang maramdaman ang manipis na hiwa ro'n. "Shoot." Tiningnan ko ang pulang likido sa kamay ko.


Mirroring. We've never done this before.


I was about to tell everyone about it when the faceless creature in front of me kicked me in my stomach. "Ack!" Malakas akong bumagsak sa sahig nang namimilipit. Hindi ako nakatayo agad dahil sa hilo, halos maghabol pa ako sa hininga.


"Caitlin?"


It was Fatima. Nabosesan niya siguro ako.


Hindi rin nagtagal nang magsunod-sunod ang pagdaing nila. Sinubukan kong alisin ang fog sa pagpapalabas ng malakas na hangin pero kumakalat din 'yon agad. Hindi ko alam kung paano lalabanan ang nilalang na walang mukha na 'yon. Kung ano-ano na ang sinubukan ko pero ako lang ang naaapektuhan. Ilang minuto ang lumipas, ilang sugat pa ang natamo ko. Puro pagmumura at pagrereklamo ang maririnig.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon