Chapter Seven: The Tranferees

137 10 5
                                    

CAITLIN PAIGE


Nanahimik ang lahat nang pumasok ang isang lalaki kasunod ng aming lecturer. Saglit namang napatingin sa direksyon namin ni Corey sina Shannon at Fatima.


'Yong lalaki sa parking lot. Siya lang at wala ang mga kasama niya kanina.


"My name's Zake Lawson. Twenty."


Iyon lang ang sinabi niya saka binalingan ng tingin ang lecturer. Nang magbigay na ito ng permiso para maupo siya, diretso itong naglakad papunta sa likod. Halos lahat naman ay sinusundan siya ng tingin. Pinili ko na lang na buklatin ang libro sa ibabaw ng mesa ko habang nasa harap naman ang atensyon ni Corey.


"Warrior, Keeper, or Healer?" mahinang tanong sa'kin nito. Saglit ko siyang nilingon bago binalingan ng tingin ang lecturer sa harap na nagsisimula nang magturo. Hindi ako sumagot. "Keeper? Nope. One won't feel their presence at all, and we have a separate school for them. Healer? Hindi rin. Masiyadong malakas ang presensya niya para maging healer. Warrior? Maybe."


Maski ako napapaisip sa mga sinabi niya. Lalo na't lima silang mga itim ang mga mata at buhok. Ano 'yon? Warrior ang tatlo sa kanila habang healer naman ang dalawa?


Corey leaned closer to me and whispered, "Napapaisip ka rin, ano?"


Tinulak ko palayo ang noo niya bago pa kami mahuli na nagku-kwentuhan. "There's one thing that doesn't seem to add up." Titingnan ko sana ang katabi ko pero saktong napalingon sa direksyon namin si Blade. Kapareho namin ng row ito pero nasa kabilang column siya. Nagsalubong ang mga kilay niya bago umiwas ng tingin. Pinaikot niya sa mga daliri ang pen na hawak.


"What is?"


Sinandal ko ang likod at napabuga ng hangin. "Why now? Huling taon na natin para mag-aral, bakit nagtransfer pa sila? At sa kalagitnaan pa ng taon."


"Exactly."


---


"Susunod na lang ako, mauna na kayo sa cafeteria," paalam ni Shannon sa'min bago lumabas ng room.


Habang nag-aayos ng gamit, saglit naming tinapunan ng tingin ang direksyon ni Zake. Kinakausap siya ng iba naming kaklase pero nanatiling walang ekspresyon sa mukha nito. Nagkibit-balikat si Corey saka namin sabay na dinampot ang bag namin. Sakto naman dahil tapos na rin si Fatima.


Pagdating sa cafeteria, umupo kami sa usual spot namin. Sa kabilang mesa naman nakapwesto sina Blade, Lex, at Red. Gusto ko sanang kurutin ang sarili para alamin kung nananaginip ba ako o hindi. Himala kasing magkasama ang troublemaker at ang dalawang member ng student council. Mukha rin namang sapilitan iyon dahil nakalayo si Red at halatang gusto nang umalis.


Malapit na naming maubos ang pagkain namin nang dumating si Shannon. Mahaba pa naman ang oras kaya makakakain pa siya.


Bigla namang humina ang ingay ng mga estudyante sa paligid. Nawala ang malalakas na mga tawanan, natigil din ang ibang nagkukwento. Sinundan naming apat ang tinitingnan nila. Kaya pala. Naglalakad papasok ang limang bagong lipat.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon