Chapter Nine: An Advice

121 8 15
                                    

CAITLIN PAIGE


"Two-hour break," anunsyo ni Instructor Connor pagkatapos bumagsak ng huling demonyo na katapat namin.


Pinunasan ko ang itim na likido sa pisngi. Kadiri. Medyo mainit pa ang dugo nila at malagkit.


Biglang tumawa si Shannon habang pinanonood si Fatima na tinutulungan si Corey tumayo. "Kaya pa?"


"Kasalanan mo 'to. Bakit kasi masiyado kang mabilis tumakbo?" nakasimangot na sagot sa kaniya nito.


Muling tumawa si Shannon saka tumulong. Sabay-sabay kaming lumapit sa mga instructors at sa apat na lalaking nauna nang gamutin ang mga sarili nila.


At dahil wala naman akong sugat o galos na nakuha, nilinis ko na lang ang balat ko. Ngayong araw ang laban ng mga first rankers at Professionals. Kahit na Professionals kaming walo, bukas pa ang laban namin. Kung sino ang walong matitira sa laban ngayong araw, sila ang lalaban sa amin bukas.


Nagbato ako ng tingin sa dalawang instructors. Nag-uusap na naman sila nang mahina at seryoso. Kahapon, halos saglit lang kami nakapagsanay kasi ilang beses silang bumalik sa office. Wala naman silang nababanggit sa'min kung tungkol saan ang pinag-usapan nila sa mga meetings kahapon, at mukhang wala pa silang balak na sabihin.


"Sakto, naglalaro sa field ang mga kaibigan ko," sabi ni Shannon habang may binabasa sa phone niya. "Nood kayo?"


Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi ko sigurado kay Fatima pero hindi pa namin nakikita ni Corey na maglaro si Shannon.


Tumango ako kaya napangiti sila. "Sure."


Tinapos agad nila ang paggagamot saka kami nagpaalam sa instructors. Napatingin pa sa amin ang apat nang tumayo kami. Excited na inakbayan kami ni Shannon at halos itulak kami palabas.


Hindi tulad kahapon ang itsura ng campus. Kung kahapon ay may mga estudyante pang lumilibot, ngayon ay halos wala na. Sinabi rin kanina ng mga instructors na halos puno ng estudyante ang stadium. May mga lecturers na nanonood din daw ngayon.


Pagdating namin sa field, may mga naglalaro nga, may iilan ding nanonood, at ang iba'y nakatambay lang. Lumawak ang ngiti ni Shannon habang hindi mapakali ang mata sa panonood sa mga kaibigan niya. Dumeretso kami sa bleachers kasama siya.


"Patapusin muna natin sila. Kanina pa naman daw nagsimula eh."


Pinanood ko ang laro pero wala akong maintindihan sa nangyayari. Ang bibilis nilang tumakbo.


"Territorreo ang tawag diyan, 'di ba?" tanong ko saka saglit na tinapunan ng tingin si Shannon.


"Yup! Gets niyo ba kung ano ang mechanics?" Sabay-sabay kaming umiling habang sinusundan ng tingin ang mga players sa field na hinahabol ang isa na sinisipa ang bola. Para bang ang dali para sa kaniya na ilayo ang bola sa kalaban. Napailing si Shannon nang maka-goal ang isang team. Mukhang hindi 'yon ang team niya. "Sa field, pitong players sa isang squad ang naglalaro. 'Yong goal, iyon ang teritoryo ng mga squad." Tinuro niya sa magkabilang dulo ng field ang dalawang goal posts.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon