Chapter One: Aurorials

658 21 1
                                    

CAITLIN PAIGE


I let out a chuckle while watching them fight those ugly ogres. Bruises and scratches are all over their bodies. I waved my hand towards an ogre running to me. Malaking parte ng lupa ang umangat at bumalot sa kaniya na unti-unti siyang dinudurog. It let out a deafening roar while its blood-shot eyes are glaring at me. It didn't last long when the ogre's body flickered before it finally disapeared.


Bumalik ako sa panonood sa pitong Aurorials na nakikipaglaban sa iba pa na parang buhay nila ang nakataya. More projected monsters and creatures started to appear which made some of them groan in frustration.


"Uh-oh," I muttered when someone got thrown by a raging ogre. "That was a nice fly, Necklace!"


Pinagpag niya ang damit nang makatayo. Saglit niya akong nilingon saka inilingan. Dahil siguro sa tinawag ko na naman sa kaniya, o sa komento ko. Baka dahil din nasa dulo lang ako ng kwarto at prenteng nakaupo sa isang upuan. He continued to control the air around us, he then attacked a pack of wolves. Nick Lex Miller. Well, I prefer to call him Necklace. The brainy Vice President of our student council. An air manipulator. Mas nakakasama at hinahawakan niya ang mga libro niya para mag-aral kaysa sa mga armas at magsanay. Nakarinig kami ng mga pagdaing nang may matamaan sa'min ng air blades niya.


"Caitlin Paige Wilson! GET OVER HERE!"


"Oh, freak!" I shouted when I heard Red's loud voice in my head.


That troublesome and impulsive jerk keeps messing with me. Matapang at mahilig magsimula ng gulo. Hinanap ko ito at nakitang pinalilibutan siya ng tatlong ogre at apat na wolves. Adrian Red Castillo. Magkasalubong na naman ang kilay niya habang marahas niyang kinokontrol ang apoy na lumalabas sa palad niya. Halos madikit din ang ibang Aurorial sa apoy niya pero wala siyang paki. Nang magtama ang tingin namin, nginuso ko ang direksyon ng inspirasyon niya. Imbis na sundan ng tingin ang tinuro ko, muli na naman niya akong sinigawan, "Get your lazy ass here, Caitlin!"


I rolled my eyes. "You need my help, freak?" Hindi na siya sumagot at bumalik na lang sa pakikipaglaban.


Sunod-sunod na maririnig ang alulong ng mga wolves nang tumigil sila sa pag-atake. Pinalibutan nila ang isang babae na paniguradong kinokontrol sila. Ang pinakamabait sa'ming walo. Fatima Rielle Navarro. Mahaba ang kulay abo niyang buhok. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang haplusin niya ang balahibo ng asong lobong nasa tapat niya. Nagliwanag ang pwesto nila kaya naitakip ko ang kamay sa mata ko. At dahil wala kaming makita, nagkaroon ng pagkakataon ang mga ogre na atakehin ang iba sa'min. Rinig na rinig ang pagtalsik ng iba at ang malalakas nilang pagdaing. Hindi rin nagtagal ang liwanag at nang tuluyang nawala, wala na rin ang hindi mabilang na wolves.


Mukhang nakahinga rin naman nang maluwag ang iba dahil nabawasan ang mga kailangan nilang kalabanin. Pero nang maglabasan ang panibagong ogres, goblins, at limang dragons, tila namatayan ang lahat. Napatingin ako sa isang direksyon nang tuloy-tuloy ang pagbuka ng lapag at nilamon ang mga goblins. Hindi makita ang babaeng gumagawa no'n dahil sa bilis niyang tumakbo. May mga nabangga pa siya at natamaan sa mga Aurorials. Lalo na si Red na napatigil sa pag-atake at tuluyang nahampas ng kaharap na ogre. Malakas siyang napamura at nagreklamo.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon