Chapter Three: Finding Answer

428 15 21
                                    

CAITLIN PAIGE


Pagkatapos kong mag-walk-out mula sa training room, ilang beses akong tinawagan ni Corey para pabalikin. Bukod sa nagagalit na ang mga instructors at si Blade, nagsilabasan din daw ang iba dahil sa ginawa ko. Kahit gusto ko mang bumalik, masyado nang nanghihina ang katawan ko para sa training. Bukas ko na lang haharapin ang galit ng mga instructors. Dumeretso muna ako sa dorm namin at umasang madadaan sa pahinga ang lagay ko. Pero wala. Tila ba lumalala lang ang sama ng pakiramdam ko.


Sumilip ako sa bintana ng clinic habang nakakapit sa braso ko. Pakiramdam ko'y nasa buto ko na ang sugat at ang tela ng suot na hoodie ay para bang nakadikit na sa sugat ko. Nag-iingat din ako para walang makakita sa'kin. Nang makita ko si kuya Marco-ang kaibigan ni Kuya-sa loob, nawalan ako ng pag-asa. Hindi ko pwedeng sabihin na nakuha ko sa training 'tong sugat ko. May sarili na kaming healing potions sa training room kaso naka-lock ang drawer na pinaglalagyan no'n at nasa dalawang instructor ang susi.


Mukhang kailangan kong mag-isip ng iba pang paraan para mawala 'to at 'pag okay na ako saka ko aalamin ang tungkol sa babae sa panaginip ko.


Wala akong nagawa kundi ang umalis. I felt my eyes twitch when the burn started to sting like hell again. Nang hindi ko na talaga makayanan ang panghihina, napahawak ako sa pader sa gilid ko para hindi ako mawalan ng balanse. I hate the situation I'm in right now. This doesn't look classy at all.


"Ackkk." Mariin kong nakagat ang labi dahil sa sakit ng braso. Gusto na atang sumuko ng katawan ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng mga binti.


"What are you doing?"


Shoot.


Boses pa lang, kilalang-kilala ko na. Para bang laging nakasinghal ang tono nito. Gusto ko mang umayos ng tayo para hindi magtaka si Red, hindi ko kaya dahil sa pagkahilo.


"Caitlin."


Ilang beses ko na bang narinig ang pangalan ko ngayong araw?


Itataas ko na sana ang tingin ko para harapin siya pero tuluyan na akong nawalan ng balanse. Napaluhod ako at napaupo sa lapag.


"What the hell?" Dali-dali siyang umupo para tingnan ako.


Parang ngalay na ngalay ang buong katawan ko, parang isang taon na walang pahinga. Pinilit kong lumunok saka ako humawi sa hangin. "I'm fine," I told him.


"You're that weak, Paige?"


"Father..."


"Do it again."


"Your Highness, Princess Caitlin won't be able to take it anymore. She's been training for more than ten hours now."


"That's still not enough, Juno. She needs to do more. No one should see her as a weakling."

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon