Chapter Two: Nightmare

588 27 22
                                    

CAITLIN PAIGE


Nilibot ko ang tingin sa buong lugar.


Itim na itim ang lupa at walang kahit na anong bahay na makikita. Kahit halaman o puno, wala rin. May malalaking bitak ang lupa na bahagya pang umuusok. Madilim din ang kalangitan at hindi maganda ang amoy ng hangin. Naglakad-lakad ako, umaasang may makikitang ibang tao. Sinubukan kong sumigaw pero mukhang walang nakakarinig. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba.


Nasaan ang mga tao? Nasaan ako?


"COREY!" I called out, hoping I'm not really alone. Pero tanging echo lang ng boses ko ang sumagot sa'kin. "KUYA CLIFF!"


Nakagat ko ang labi habang desperadong nililingon ang paligid. Malagkit ang lupa at bahagyang lumulubog ang paa ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Nawawalan ng pag-asang tumigil ako sa paglalakad. Nasaan ba ako?


Tiningnan ko ang sarili at agad na nanlamig nang makita ang damit kong sira-sira at puno ng mantya ng dugo. Inangat ko ang nanginginig kong mga palad at nakita ang naghalong dugo at dumi ro'n.


Anong nangyari?


"Prinsesa."


Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang malamig na boses na 'yon. Tila naramdaman ko ang awtoridad nito sa boses, ang galit, at ang kasamaan. Tumalikod ako nang maramdaman doon ang sobra nitong lakas na presensya. Napahakbang ako paatras nang makita siya.


Kulay itim ang long dress na suot nito na tila inaalon sa hangin. Nakalutang siya at may naiiwang itim na usok sa dinaraanan niya. Ang itim na itim nitong buhok ay lumulutang na para bang nasa tubig siya. Kahit na nasa harap ko siya, para bang hindi siya totoo, para bang 'pag hinawakan ko siya, tatagos lang ang kamay ko. Maganda siya. Sobrang ganda. Pero makikita ang galit sa mata nito. Kung hindi lang bakas sa kaniya ang kasamaan, baka humanga na ako sa taglay nitong ganda. Tila ba perpektong inukit ang bawat parte ng mukha nito.


Agad kong naramdaman ang takot na gumapang sa sistema ko nang salubungin ko ang mata niya.


Malamig siyang nakatingin sa'kin. "Gusto mo bang mangyari ito, Prinsesa?" Nagsimula siyang ikutan ako habang alerto ko siyang sinusundan ng tingin. "Mawala ang lahat ng mahal mo sa buhay? Ang mga importanteng tao sa'yo?"


Nilibot ko ang tingin. "Ayoko," mahina kong sagot. Naramdaman ko ang panunuyot ng lalamunan ko.


Lumapit siya sa'kin saka hinaplos ang nakabagsak kong buhok. "Then do this for me."


Agad nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. "What?"


Gumuhit ang nakakikilabot na ngiti sa mapula nitong labi. Nilahad niya ang kamay sa paligid na para bang gusto niyang tingnan ko ang itsura nito. "This. Do this for me." Muli niya akong hinarap. "Destroy your world for me. Kill everyone, except..." She leaned closer to my ear. "...your loved ones. That way, you can save them from this."


"No!" I protested. I looked around before glaring at her. I gritted my teeth. "I won't ever do that. I will save everyone from this. Not just my loved ones, but everyone!"

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon