Chapter Five: Childhood Friend

143 8 11
                                    

CAITLIN PAIGE


"Good morning. My name's Justin Scott Hernandez, I'm from Aqua Territorium, nineteen years old," he introduced, then flashed a smile at everyone. He looks neat as usual. Decent and nice. Pero mas gumanda ang tindig nito ngayon.


"He's the son of the current king and queen at Cristalae, right?"


"Yeah, a prince."


Kabilaan ang bulungan tungkol sa kaniya. May mga humahanga, may mga nagtataka kung bakit biglaan ang paglipat nito.


"You knew, didn't you?" bulong ni Corey sa'kin.


Pinanlakihan ko siya ng mata. "What? Of course not." Kung alam ko lang, hindi siya matutuloy rito.


Miss Alicia nodded and gestured her hands towards us. "Take any seat you want."

Muli siyang napatingin sa direksyon ko at muling ngumiti. Nginitian ko siya pabalik bago buksan ang bag ko at kumuha ng libro kahit na 'di pa naman kailangan. Dumeretso siya sa likod at umupo sa bakanteng upuan doon. Nasa magkabilang dulo ng row sila ni Knott.


"I can't believe tito and tita let him transfer here," I whispered.


"Still, it's nice to see him again, right?"


I don't know. I leaned forward to my desk and tried to focus my attention to the front. I don't know anymore. Lumipas ang dalawang oras na wala akong naintindihan. Nanatili ang mata ko sa harap at 'di ko na namalayan ang oras.


Kinalabit ako ni Corey at kumaway sa harap ng mukha ko. "Hey, tumunog na ang bell."


Napakurap ako at nilibot ng tingin ang paligid. Naglalabasan na nga ang iba para kumain. Napakamot ako ng kilay saka inayos ang mga gamit. Saktong pagtayo ko, dumaan sa gilid namin si Scott na dederetso na sana palabas.


"Scott," pagpigil ko sa kaniya.


Mabilis namang napalingon sa'kin si Corey na hindi inaasahang tatawagin ko ito. Well, naisip ko rin kaninang 'wag pansinin ang kababata namin. Ngayon kasing nakikita ko siya, naiisip ko lalo ang mga responsibilidad ko. Mukha rin namang iyon ang plano nito kanina dahil dederetso na sana siya palabas.


Nilingon ko si Corey para sabihin sanang mauna na siya, pero napansin ko ang ibang Aurorials na nasa room pa pala. Iniwas nila ang tingin nila sa'min nang lumingon ako sa direksyon nila. "Una ka na muna sa cafeteria."


Ngumiti siya at kinuha ang bag. "Sure. Isasama ko na sina Shannon at Fatima."


Tumango ako at tinuloy ang pag-aayos ng gamit. Bumalik naman si Scott na nakapamulsa ang parehong kamay sa upuan niya.


---


COREY


The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon