Chapter Eleven: Someone to be terrified of (Part Two)

129 11 10
                                    

CAITLIN PAIGE


"That was a wise move," I told her. Hahakbang pa sana ako palapit pero umatras siya. Napalunok siya at hindi makatingin sa'kin nang deretso.


Mabilis akong napalingon sa gilid nang makita si Shannon na ihagis ni Yvonne papunta sa direksyon ko. Agad akong umiwas kaya dumeretso rin ang katawan niya papuntang barrier.


Nang muli kong harapin si Misty, kukunin niya sana ang pagkakataon na wala sa kaniya ang atensyon ko para umatake. Akmang sisigaw na naman siya kaya tinapat ko ang palad sa kaniya. Malakas na pwersa ng hangin ang tumangay sa katawan niya papunta sa barrier. Napasinghap siya dahil sa kuryente pero hindi niya magawang sumigaw. Nagsimula siyang maghabol ng hangin habang patuloy siyang nakukuryente.


"Tama..." Napapikit siya, hindi alam ang gagawin para patigilin ako. "Ackk! Tama... na."


Isang malakas na kabog sa dibdib ko ang nagpaatras sa'kin. Palakas iyon nang palakas. Tuluyan akong napatigil sa ginagawa kay Misty. Bumagsak itong walang malay sa lapag. Nabawasan ko sila. Ginala ko ang mata para hanapin ang kung sino mang umaatake sa'kin. Napaluhod ako nang mas lumala ang nararamdaman.


Vibration. Si Lance.


Nang mahanap ko kung nasaan ito, masama ang tingin niya sa'kin habang nakatapat sa'kin ang isang palad. Isang malaking apoy ang nagpatigil sa kaniya.


At dahil naalis na si Misty, tutulungan ko na lang ang iba. Tumayo ako kahit ramdam ko pa rin ang pangangatog. Pinaligiran ni Red ng apoy si Lance na nagawa pang makaatake nang maramdaman naming gumalaw ang kinatatayuan namin. May malakas na pwersa rin na lumalabas mula sa pwesto nito.


Mukhang desperado itong makalabas. Tinapat ko ang palad sa apoy at mas pinalaki iyon. Kapag nawalan siya ng malay dahil sa kawalan ng hangin, anim na lang ang kailangan naming talunin. Habang hinihintay itong tumigil, nagbago ang status na nakalagay sa score board. Tied.


Si Shannon. Naalis ni Yvonne si Shannon.


Binalik ko ang atensyon sa apoy at mas pinalaki 'yon. Nang tumigil si Red sa ginagawa, isang pwersa ang humila sa'kin pataas sa ere. Malakas akong bumangga sa barrier na sinundan ng mabilis na pagdaloy ng kuryente sa katawan ko hanggang sa dulo ng mga daliri.


Ackkk.


Agad ako nitong binagsak sa lapag at muli ring tinaas sa ere para idikit sa barrier. Mukhang nage-enjoy itong paglaruan ako. Naalis na si Lance pero natanggal din sa'min si Fatima.


Nang maramdaman ang pwersang humihila sa'kin pababa, hinanda ko ang sarili. Nakaguhit ang ngiti sa labi ni Yvonne habang pinanonood akong bumagsak. Pero bago ako tuluyang dumikit sa lapag, tinaas ko ang parehong palad sa gilid ko, kapantay ng mga balikat. Malakas na hangin ang pumigil sa pagbagsak ko. Tinaas ko ang tingin kay Yvonne, nang magtama ang mga mata namin, inikot ko ang palad na naging dahilan para bumulusok sa kaniya ang malakas na ihip ng hangin. Tumalsik siya at gumulong sa malayo.


Hinihingal akong naglakad palapit sa kaniya. Bago pa siya makaatake ulit, muli ko siyang pinatalsik, papunta sa barrier. Napasigaw siya dahil sa sakit nang mabilis siyang balutin ng kuryente. Hinayaan ko siyang bumagsak pero agad ko rin siyang dinikit pabalik.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon