Chapter Ten: Someone to be terrified of (Part One)

93 10 0
                                    

CAITLIN PAIGE


"Caitlin."


"Caitlin."


Lingon sa kaliwa. Lingon sa kanan.


Pilit kong hinahanap ang boses ng babae na patuloy akong tinatawag. Walang tao sa paligid at sira-sira ang mga bahay. Walang buhay ang mga halaman at puno. Wala ring kahit na anong ingay na maririnig pero nakabibingi pa rin. Ang sakit sa tainga ng katahimikan.


"Caitlin."


Hindi ko alam kung nasaan ang ibang mga tao o kung meron pa ba akong kasama rito. Kung saan-saan ko hinanap ang mga kaibigan ko pati na ang mga instructors pero walang kahit na anong bakas na nagpapahiwatig na narito sila. Ni hindi ko makilala ang lugar kung nasaan ako ngayon. Tumingala ako at pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Malamig at marahas din ang pag-ihip ng hangin. Sunod kong tiningnan ang sarili.


Marumi ang mga palad ko at braso. Maputik ang paanan ko. Magulo ang suot na damit at may pulang mantsa na mukhang natuyo na.


Anong nangyari? Nasaan ang iba?


"Caitlin!"


Mabilis akong umikot nang marinig muli ang boses na 'yon. Nagsimula akong tumakbo sa direksyon na pinagmumulan ng boses, pabilis nang pabilis dahil sa desperasyong may makita na kahit isang nilalang man lang na kasama ko rito.


"Caitlin!"


Kanan.


Mabilis akong lumiko pero agad ding napahinto. Kumabog ang dibdib ko at nanginig ang mga tuhod. "No..." saad ko na halos wala nang boses. Naitakip ko ang palad sa bibig habang tila napako na ang mata ko sa imahe sa harap.


Patong-patong na mga katawan. Duguang mga katawan na hindi na makilala. Hindi na mabilang.


"What can you say about my masterpiece?" tanong ng babaeng naglalakad mula sa likod ng bundok ng mga walang buhay na katawan ng mga Celestiales.


Siya na naman.


"Hulaan mo kung ilang bundok ng mga katawan ang ginawa ko? At kung nasaan sa mga 'yon ang mga kaibigan mo, at ang pamilya mo."


Marahas kong pinunasan ang pisngi at sinamaan siya ng tingin. "Hayop ka."


"Don't be so emotional, young one. Hindi lang ito ang mangyayari. Mas malala, mas madugo, mas brutal. And worry no more, because you'll have no time to cry and mourn when this happens. Kasi kasama ka sa mga katawan na 'to."


"Mahahimik ka! Hindi ka totoo! Hindi 'to totoo." Sinubukan ko siyang sugurin pero mabilis na naglaho ang katawan niya. Para itong usok na sumabog at mabilis ding nawala.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon