Chapter Six: Alexia

129 11 11
                                    

CAITLIN PAIGE


Tuluyan akong napatigil sa paggamot sa mga sugat ko sa braso nang tumunog na naman ang phone ko. Binasag nito ang katahimikan sa buong kwarto habang ginagamot namin ang mga sarili namin. Saglit silang nagbato ng tingin sa'kin kaya napilitan akong bitiwan ang mga hawak kahit hindi pa ako tapos sa ginagawa.


Nang makita ang pangalan ng kapatid ko sa screen, lumayo ako sa kanila bago sagutin ang tawag. "What?" bungad ko saka sinandal ang likod sa pader. May mga sugat pa ako sa hita at humahapdi na rin lalo ang hiwa ko sa panga. Narinig kong bumuntong hininga ito sa kabilang linya.


"You really don't know?"


Napaayos ako ng tayo. Anong hindi ko alam? "What is it?"


"The nurse called me. Buong araw daw na nasa clinic si Alexia."


"And?"


"And? Caitlin, why didn't you check up on her?"


Wow. Kasalanan ko bang hindi ko alam? Kailangan ko rin bang alamin ang nangyayari sa kaniya? Geez, I have things to do here too.


"Check up on her? For the love of gods, she's sixteen years old, she can handle herself!" Nakagat ko ang gilid ng labi nang hindi ko sinasadyang maitaas ang boses.


"Are you hearing yourself? You know she's not like you, you're strong! At hindi matutuwa si Dad 'pag umabot 'to sa kaniya."


Binuka ko ang bibig at magsasalita na ulit sana pero hindi ko tinuloy. Muli akong napatingin sa mga sugat ko sa katawan. Huminga ako nang malalim at kahit hindi ako nito nakikita, tumango ako. "Fine. I'll go and check her."


"Do it now, okay? Thank you." Then he hung up.


Naglakad ako pabalik at imbis na ituloy ko ang paggamot sa sarili, kinuha ko ang bag ko saka hinarap ang instructors. "Can I go?"


Pinasadahan nila ako ng tingin. "But you're not fully healed yet."


"Doesn't matter," I told Instructor Connor. Nang nanatili silang nakatingin sa'kin, nilahad ko ang kamay sa direksyon ng pinto. "I just need to check up on someone."


Tumuloy ako sa paglalakad pero napahinto ako nang magsalita si Instructor Minerva. "Are you alright, Caitlin?"


Saglit akong napatulala sa pinto. Am I alright? Am I really strong? I don't know. Maybe? All I know is I'm tired right now. Exhausted.


"Yeah. Of course, I'm fine."


Tuluyan akong nakalabas at deretso lang ang lakad papuntang clinic. Kahit isang beses, hindi ako lumingon, hindi ako huminto. Ni hindi ko napansin kung may iba bang estudyante sa paligid. No'ng nakalabas ako ng Training Room, para akong namanhid. Para akong nakalutang. Ni hindi ko naririnig ang ingay ng paligid. Hindi ko inintindi kung tama pa ba ang dinaraanan ko.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon