Chapter Fifteen: The Warrior

80 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CAITLIN PAIGE


Sinundan ko ng tingin sina Corey at Knott na maglakad papunta sa gitna. Halos lahat naman ay sumasayaw na sa gitna kasama ang mga dates nila. Nilingon ko ang nag-iisang kasama ko sa table. Mukhang wala itong balak na tumayo mula sa upuan niya. Tuluyan akong napasimangot nang lumingon ito sa kabilang direksyon. Hindi ko na lang ito pinansin. Maybe, dancing isn't Blade's thing either.


I took out my phone and was about to take some pictures of the students dancing when someone suddenly stood in front of me. I looked up and saw Scott smiling. He's in his white tuxedo and white mask.


"Scott! Hi," nakangiti kong bati sa kaniya.


Nilahad niya ang kamay niya at nginitian ako lalo. "Shall we?"


Hindi na ako nagdalawang-isip pa at binigay ko rin agad sa kaniya ang palad ko. Bago tumayo, nakita ko ang saglit na paglingon sa'kin ni Blade pero agad ding binalik ang atensyon sa ibang direksyon.


Suplado.


Naglakad kami ni Scott papunta sa gitna habang maingat itong nakaalalay sa'kin. Nadaanan namin sina Corey at Knott na agad kaming nginitian.


"Having fun?" tanong sa'kin ni Scott nang makapwesto kami.


I placed my hands on his shoulder, while he placed his on my waist.


"Of course," sagot ko saka tumango.


"Good." He nodded while we are swaying along the slow romantic music. "You look good tonight. Black suits you."


Napangiti ako sa sinabi nito. This is my first time to wear a black dress, and I love it. "Thank you. You too, Scott. You look great tonight."


Ilang minuto pa kaming sumayaw at nagkwentuhan doon. We were childhood friends, pero since pinalipat kami sa sentro para magsanay pa lalo, hindi na namin ulit siya nakita. I thought it'd would be awkward to see him and interact with him again, but I was wrong. I'm just  glad he's here.


Hinatid niya ako pabalik sa table ko, while walking, I noticed na wala na ro'n si Blade. Instead, nakaupo na ulit sa table namin sina Fatima, Shannon, Red, and Lex. I thanked Scott when I got back to my seat. Tumango at muli akong nginitian bago umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon