Chapter Four: The First Step

236 14 15
                                    

CAITLIN PAIGE


The moment the instructors pressed a button, a glass wall started to rise between us.


"We know you are all tired and exhausted. This will be your last challenge for today." Tahimik lang kami at tanging malalalim na paghinga ang maririnig. "Wrap this up fast," Instructor Minerva added.


Nang tuluyan kaming mapalibutan ng makakapal na salamin, nagsimulang magbago ang paligid. Iba't-ibang imahe ang unti-unting nabuo.


A simulation.


My heart started to beat fast. The scenery is starting to look familiar to me. Ruins. Smoke. Dark skies. The silence. Our world with no one around. The only difference is I have the Aurorials with me, while the mysterious woman isn't.


Napaatras ang iba sa'min nang maglabasan ang malalaking ogres. There are six of them, each red eyes are glaring at us. They are bigger than usual. Red, with fire on his hand charged first. He threw one blazing fireball towards one of the creature, and slashed it with a sword made of his fire. We stared at it in shock. Red only succeeded in scratching its body. All that only to make them much furious. Muli akong napahawak sa braso ko kung nasaan ang sugat ko noon.


"Looks like this won't be easy," Lex told us.


Three of them left out a loud roar before they all started running to attack us. Kaniya-kaniya kami ng direksyon na tinakbuhan para makalayo. Nang nilingon ko ang likod ko, isa sa mga ogre ang nakasunod sa'kin. Hindi nito inaalis ang mata sa'kin na mukhang desidido talagang mahuli ako. Parang bang ako lang ang nakikita niya. Nagtatalsikan ang mga batong nakaharang sa daan nito at tila gumagalaw ang lupa dahil sa pagtakbo nila.


Mabilis akong humawi sa hangin nang harapin ko siya na naging dahilan para mapatigil ito at mapaatras. Ngayong mas malapit na ito sa'kin, halos tingalain ko siya para salubungin ang tingin nito. Halos mapangiwi ako nang makita ang malalagkit na likido sa kulay berdeng balat nito. Muli siyang sumigaw nang malakas dahil sa galit, tinangay pa ang ibang hibla ng buhok ko dahil sa hininga nito. Saglit akong napapikit at hinarang ang palad sa mukha. Nandidiri ko ring inayos ang buhok bago muling bumwelo. Malakas kong binagsak ang isang paa ko na nagpaangat sa lupa at pumalibot sa ogre. Tinapat ko sa kaniya ang palad at minanipula ang lupa. Madiin kong pinagdikit ang mga ngipin habang pilit ko siyang pinababagsak sa lapag. Patuloy naman itong nagpupumiglas kaya mas lalo akong nahihirapan.


Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ng iba at kung pa'no nila nilalabanan ang lima pang mga halimaw na 'yon. Tanging mga malalakas na sigawan nila at mga naiinis na reklamo ang tangi kong naririnig. Muling sumigaw ang ogre sa harap ko kasabay ng malakas niyang pagpiglas. Tinakpan ko ang mukha nang tumalsik ang mga lupang nakapalibot sa kaniya.


Freak.


Hinipan ko ang hibla ng buhok na humarang sa buhok ko saka naiinis na tiningala ang ogre. Muli kong tinaas ang parehong kamay. Pero sisimulan ko pa lang magpalabas ng tubig nang humagis sa direksyon ko si Shannon. Sinubukan kong pigilan na tamaan ako nito pero hindi ko na nagawa dahil sa bilis ng pangyayari. Pareho kaming gumulong at malakas na tumama ang likod ko sa isang malaking bato.

The Coming of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon