*AUTHOR'S NOTE: WALA PO AKONG BALAK NA GAYAHIN ANG STORY NG TBYD NI MS. ALESANA MARIE. I HAVE MY OWN TWIST SA STORY KO. Pero much better siguro if malaman ko din ang saloobin niyo kung sino ang fiancé ni Riya. Comment niyo yung guess ninyo sa chapter na 'to, tapos yung may tamang hinala ay may credits sa future hihi. Well, if that's okay with you.**Cahriya's POV
Gustong makausap ni KJ si Lance kaya siya nagpunta dito. Pero dahil magkausap pa si Lance at si Ziri ay kami na muna ni KJ ang nagharap.
Naka-bukas lang din ang t.v at pareho kaming nakaupo sa sofa na nasa tapat noon. Patuloy lang ako sa panunuod ko while he was browsing his phone. Maybe he is texting with Leslie.
"So okay na ulit kayo?" Biglang tanong niya.
Tumingin lang ako sa kanya atsaka ako tumango bilang sagot sa tanong niya.
"What happened?" Tanong niya ulit.
This time nagsalita na ako, "Nalaman ko lang yung totoo. That's what happened."
"You know what? I came here to punch him for cheating on you."
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. So kung hindi pala ako pumunta agad dito baka naunahan pa ako ni KJ at nabugbog na niya si Lance? Well, great.
"Buti pala nauna ako sayo." Natatawang sabi ko.
"He's always the lucky one because of you."
Simpleng statement pero malalim ang hugot. Hay naku KJ.
"Anyways, kamusta na pala si Leslie?" Tanong ko, para naman maiba na ang usapan.
"She's okay." Tipid na sagot ni KJ.
Bakit kaya ganito 'tong tao na 'to? Ako na nga 'tong nag-oopen ng topic, ako na nga 'tong nag-eefort na kausapin siya para kahit papano mabawasan yung ilangan namin e.
"KJ, kailan ba natin ititigil 'tong awkwardness na 'to ha? Pwede ba? Bumalik na tayo sa dati."
Tumingin siya sa mga mata ko. Alam kong imposible pero alam ko kung ano yung nakita ko. Para bang sinasabi sa akin ng mga mata niya na hindi niya pa kaya. Na kahit gusto niya, hindi pa kaya ng puso niya.
"Maybe someday, we can."
At pagkatapos niyang sabihin iyon na hindi man lang nagpapakita ng kahit anong ekspresyon ay tumayo siya. Nagpunta siya papalapit sa may balcony kung saan nag-uusap sina Ziri at Lance.
"Why not now?" Kunot noong tanong ko sa kanya sabay tumayo din ako at sinundan siya.
Huminto siya sandali pero hindi siya tumingin sa akin.
"Because I can't just go back at the first base when I almost got into the last."
Hindi agad nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Pero nagets ko na siya. Siguro nga sobrang hirap na para sa kanya na ibalik ang lahat sa dati. We almost had it but then he got away.
"I'm not saying that it's your fault but you're the one who got away." Buong tapang na sinabi ko. Ayoko na ng ganito. Akala ko kasi okay na kami tapos bigla nanamang magiging awkward ang lahat?
"No, Riya. You're my one who got away. You don't love me anymore but it's the opposite to me. That's what 'the one who got away' means."
Nagawa niya pa akong pangaralan? Malay ko ba! Yun yung pagkakaintindi ko. Siya yung umalis so he is the one who got away. Right?
"Whatever, KJ. Ang point ko lang, ikaw ang umalis. Ikaw ang nang-iwan kaya ngayon ikaw ang nasasaktan."
Alam kong masakit ang mga sinabi ko pero kailangan niyang malaman yon. Kailangan niyang ilagay sa puso at isip niya na siya ang unang nang-iwan kaya kasalanan niya kung bakit siya nasasaktan at hindi maka-move on.
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
RandomIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...