6 years ago..
Bilbao,Spain
**3rd Person's POV
Tahimik na nakatingin ang batang si Lance sa mga batang kasing edad niya na naglalaro sa playground ng school. Isang taon na rin ang nakakalipas mula ng mamatay ang mga magulang niya.
Namatay ang mga ito ng hindi man lang nasasabi kay Lance kung gaano nila kamahal ang kaisa -isang anak. At dahil dito, namuo ang galit at pighati sa puso niya..
Ang dating masayahin at masiglang bata ngayon ay isa ng isolated at batang walang pakialam.
"Lancey, Vamos a jugar!" (Lancey, let's play!) aya sa kaniya ng isang batang babae
"I told you! Don't talk to me in spanish! Go away! Leave me alone!" bulyaw niya dito.
Dumating si Jaron na bestfriend ni Lance mula ng dumating siya ng Spain.
"Hey! Don't shout! Gusto lang namang makipaglaro ni Themarie eh!" he scolded Lance
"Ang tanda-tanda na gusto pa maglaro! Grow up Themarie!" sagot naman ni Lance
"At ano naman sa tingin mo ang ginagawa ng isang 12 year old na bata?" balik tanong sa kanya ni Jaron
Hindi agad naka-sagot si Lance sa kanya. Nanahimik nalang ito at nagmukmok. Habang si Themarie naman ay umupo sa tabi ni Lance at inakbayan ito.
"Lancey! You don't have to be so rude. Move on. Hindi yung ina-isolate mo yung sarili mo diyan. Andito naman kaming mga friends mo oh. Lagi lang kaming nandito para sayo."
Tumingin siya kay Themarie. Nakangiti ito ng malapad sa kanya. At sa pagtingin niyang iyon ay tila ba nag-slow motion ito.
Mula nun ay nagbago si Lance. Nakahanap siya ng rason para maging masaya sa katauhan ni Themarie.
Silang tatlo lang ang laging magkakasama. Laging nagdadamayan at laging masaya. Kaya unti-unti ay nahuhulog ang loob ni Lance kay Themarie. Bata man silang ituring ngayon pero nakakaramdam na siya ng pagmamahal para dito.
"Jaron! Kilala mo na ba yung babaeng makakasama mo habang buhay? " biglang tanong ni Lance kay Jaron na kasalukuyang naglalaro ng video games
"Anong ka-cornyhan yan Lance?" nawi-wirduhang tanong niya.
"Ako kasi kilala ko na yung babaeng makakasama ko habang buhay. Kilala ko na yung babaeng papakasalan ko." seryosong sabi ni Lance
"Parang kilala ko na yung tinutukoy mo! Si Themarie yan no!" may panunuksong sabi naman ni Jaron
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
RandomIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...