**Cahriya's POV
Ang lambot. Napaka-relaxing naman ng hinihigaan ko. Parang may magnet ito at ayaw ng tumayo ng katawan ko. Hayy.. Matagal-tagal na rin simula nung huli akong humiga ng ganito ka-relax ang katawan ko. Kailan nga ba yung huli akong nagpalit ng matress ko? Ang ganda ng quality nitong nabili ko ah.
Wait! What?? Wala pa naman akong pera na pambili ng bagong matress ah? Paano ako nakabili? Kelan ako bumuli? Sino kasama ko bumili? Nananaginip nanaman ba ako?
*blink! blink!*
Parang nangyari na 'to dati. Nagising nanaman ako sa hindi ko kwarto. Huling beses na nangyari 'to, nung nandun si Lance. Nung kasama ko yung hayop na yun.
Napa-bangon ako bigla.
Nasaan ako?
Si Stefan! Siya ang huling kasama ko bago ako mawalan ng malay! Anong nangyari?
Biglang bumukas ang pinto kaya napa-atras ako.
Si Lance. Si Lance nanaman ang kasama ko! Ano nanaman ang ginawa sa akin ng hayop na 'to?
"Gising ka na pala. Ano? Kakain ka ba muna o maliligo ka muna? Alam mo kasi, dalawang araw ka ng tulog. Mas matindi yata yung pinaamoy nila sayo kesa sa akin."
Ano bang sinasabi ng gunggong na 'to? If I know! Siya nanaman ang may pakana nito! Hindi pa ba sapat sa kanya na nakuha na niya yung gusto niya? Bakita kailangan nanaman niyang gawin?
"Ako tigilan mo ako sa mga palusot mo! Bakit mo nanaman ako kinuha? Ano? Kulang pa ba yung mga ginawa mo sa akin kaya ginawa mo nanaman? Napaka-sama mo talaga!" sinigaw-sigawan ko siya. Bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay napapa-atras naman siya. Anong problema nito?
"Cahriya, you stink."
Napa-kunot noo naman ako dahil sa sinabi niya. Inamoy ko ang sarili ko. Gosh. Nakakahiya! Nangangamoy na nga ako! >_<
"Maligo ka muna bago tayo mag-usap."
Pagtapos niyang sabihin iyon ay isinara na niya ang pintuan. ako naman ay dumiretso na agad sa banyo. Eew lang! Ang baho ko talaga grabe! Nakakahiya! Naamoy niya ako! Err!
Pero ano bang pakialam ko kung maamoy niya ako? Sino ba siya sa tingin niya? Pakialam ko ba sa kanya!
BUMABA na agad ako pagtapos kong maligo. Dahil bukod sa madami talaga kaming pag-uusapan ng kumag na 'to. Kanina pa nag-aalburoto ang tyan ko! Kung totoo nga ang sinasabi niya na dalawang araw na akong tulog, aba malamang ay dalawang araw ng walang laman ang tyan ko. Paano nalang kung may bata talaga dito? Bakit hindi man lang niya ako ginising? Hindi ba niya inisip na magugutom kaming mag-ina niya?
Napaka-walang kwenta niyang ama! Hinding-hindi ko ipapahawak sa kanya itong magiging anak namin! Never!
"Oh? Tapos ka na?" tanong niya ng makita niya akong pababa ng hagdan.
"Obvious ba?" mataray na sagot ko sa kanya.
"Bakit ka ba nagtataray ha? Ano bang ginawa ko sayo?" seryosong tanong ni Lance.
Nang makababa ako ay padabog akong umupo sa lamesa at tinignan siya ng matalim. kunot noo naman siyang tumingin din sa akin. Nakakainis siya! Naiinis ako kapag nakikita ko ang mukha niya! Naaalala ko ang ginawa niya sa akin! Tapos ngayon siya nanaman ang kasama ko? Leche naman!
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
De TodoIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...