Chapter 46: You're Still The One

1.3K 36 5
                                    

**Cahriya's POV

Matapos naming malaman ang lahat ay nagdesisyon na kaming bumalik. Wala na ring silbi kung mag-stay pa kami doon sa beach house kasi sa kasalan din naman ang uwi namin ni Lance.

Nakakatawang isipin na naglayas ako para takbuhan ang kasal namin ng lalaking kasama ko ring umalis. Nakakatawa talaga. Nagmukha lang akong tanga.

"Lance, pinagtatawanan mo na ba ako?" Tanong ko sa kanya habang busy siyang nagda-drive.

"What? Anong pinagtatawanan?" Kunot noong tanong niya.

"Because I ran away from home with my husband to be." Mahinang sagot ko.

Natahimik siya. Pero maya-maya pa ay kinagat niya ang labi niya na para bang nagpipigil siyang tumawa. Psh! Jerk!

Hinampas ko ang braso niya at kinurot ko pa siya. Err!

"Gago ka! Pinagtatawanan mo nga ako!" Patuloy pa rin ako sa paghampas ko sa kanya.

"I'm not! I'm not laughing because of you. It's because of the situation." Hininto niya ang sasakyan at tinignan ako, "Actually, I'm very very happy. Ikaw? Hindi ka ba masaya? Hindi na natin kailangan na magsakripisyo ng kung anu-ano. Sila na mismo ang mag-aayos ng kasal natin. Hindi kita pinagtatawanan dahil sa ginawa mo, masaya lang ako."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa ulit. Nanahimik nalang ako at itinago sa sarili ko ang kilig na nararamdaman ko.

Kinikilig ako ng sobra-sobra. The thought of being with him forever makes my stomach float in the open space. Bakit ang galing pumili ng parents ko? Nakakatawa talaga ako. Sinuway ko sila at nilayasan para sa wala..

Teka... para sa wala? Hindi. So ibig sabihin naglayas ako para DUN??? Errrr! Nakakahiya! Pag nalaman na umalis ako tapos kasama ko si Lance ng isang linggo at ginawa namin yun.... I'm such a shame!

"Lance, can you promise me something?"

"Of course. What is it?"

Lumunok muna ako bago ako nagsalita dahil sobrang nahihiya talaga ako sa sasabihin ko ngayon.

"Please don't tell anyone about what happened to us."

"I won't. I promise."

NANG makarating na kami sa bahay ay nandoon na ang parents ko at ang Tito at Tita ni Lance. Ngingiti ngiti si Mom nang pumasok kami. If I know, nagpapakitang tao lang siya dahil nandito na kami ni Lance.

Si Dad naman ay sumalubong sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Buti pa si Dad namiss ako.

"Saan ka ba galing anak?" Alalang tanong niya.

"I was with Lance, Dad. Nag-stay lang kami dun sa beach house sa Subic." Sagot ko.

"Sir, I'm Lance. Don't worry. Hindi ko naman po pinabayaan ang anak ninyo."

Tinignan lang siya ng matalim ni Dad at bigla siyang tumikhim. Inakay na ako ni Dad sa sofa at pinaupo sa tabi nila ni Mom samantalang si Lance naman ay umupo na rin katabi ng Tito at Tita niya sa kaharap na sofa ng sa amin. Isang maliit na table lang ang pagitan namin sa gitna.

"This is very unusual. Who would have thought na magkasintahan na pala sila even before we arrange them, right Charlotte?" Panimula ng masayang Tita ni Lance.

"Yes. And I'm very happy dahil wala na rin pala tayong magiging problema. Kailangan nalang natin pag-usapan ngayon ay ang engagement at ang wedding preparations."

Napalunok ako. Tuloy na tuloy na talaga ang kasal namin. At ang mga pamilya pa namin ang mag-aayos ng lahat.

"What about the graduation?" Biglang tanong ni Lance.

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon