Chapter 34: New Girl

1.2K 28 7
                                    

**Eunjia's POV

Transferring 2 months before the school year ends is a very very stupid idea. Nababaliw na talaga ang mga parents ko kaya nila ginawa. Hindi nila ako ma-handle kaya pinatapon nila ako dito. And for those bitches na nagkalat ng pictures ko. Babalikan ko talaga sila.

I'm Eunjia Obuchi. Half Japanese Half Bitch. Napatalsik ako sa dating University na pinapasukan ko dahil kumalat yung nude pictures na sinend ko dati sa ex ko. At dahil na rin nahuli akong nakikipag-make out sa boyfriend ng Queen Bee sa loob ng isang cubicle.

Masyado kasi akong maganda kaya ang daming naghahabol sa akin. My parents can't handle the situation kaya pinatapon nila ako dito. Sa Dalton Hye University. At ayon sa research ko, dito daw nag-aaral ang mga pinaka-hot na gangsters sa lugar na 'to.

"Good Morning, Lance!"

"Hi Lance!"

"Omg! Lalo talagang gumwapo si Lance!"

Napataas ako ng kilay dahil sa mga naririnig kong nagsasalita sa likod ko. Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa likod pero bumangga ako sa isang matigas na bagay. Shit!

"Watch it."

Isang malalim na boses ng lalaki ang nagsalita. Napatingala ako sa kanya. Grabe. Ang laki niya. Malaki din kaya ang..oh I bet malaki din.

"I'm sorry. Naliligaw kasi ako. New student kasi ako dito and I'm not familiar with this place." I tried my best to look demure. Syempre, kailangan good impression ang una niyang maramdaman sa akin.

Tinignan niya ako ng diretso saka siya ngumisi. Oh my. He really is a hot guy. No wonder kung bakit parang patay na patay ang mga babae sa likod ko kanina nung makita siya. I want him. I want this guy.

"I'm not a tour guide." Seryosong sabi niya sabay naglakad na siya paalis.

Pakipot. I like your game mister. But I'll make sure you're gonna be mine.

MARAMI na akong nahagilap na impormasyon tungkol kay Lance. Sa tulong ng pakikipag-plastikan ko sa mga tao dito, nalaman ko na si Lance ang leader ng pinaka-sikat at pinaka-malakas na gang dito. At nalaman ko din na may rumored girlfriend siya from a nearby University. Well, may girlfriend o wala, wala pang lalaking nakakalusot sa akin.

   He's a graduating student so medyo madalang lang siyang pumunta ng school ngayon. Kaya naman sisiguraduhin ko na everytime na dadating siya. Ako ang mapapansin niya.

**Cahriya's POV

    Hayy.. Ang daming school works. Ang daming requirements. Ayaw talaga nila kaming patapusin ng hindi naghihirap. Sana matapos ko na agad. Ayaw ko na talaga ng stress.

   Dalawang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Lance dahil pareho kaming maraming hinahabol na requirements. Hindi naman kasi pwedeng puro nalang kami pag-ibig. Kailangan din naming makatapos para sa future namin. Golly. Oo, feel na feel na nga namin ang future naming dalawa. Na sana kami ang magkasama.

"Balita ko nasa Dalton Hye ngayon yung Slut Queen ng Seoul Meadow University."

"Oo nga e. Akalain mo yun? Pinayagan pa siyang mag-transfer? Buti nalang hindi siya dito sa Carson U lumipat."

"Tama ka dyan girl. Dahil kung nagkataon, masisira nanaman ang reputasyon ng school."

  Yan ang pinag-uusapan ng mga college students na nakatambay ngayon sa student center kung nasaan din ako. Hindi siguro nila ako napapansin dahil nakatalikod ako sa kanila. Kaya naman hinyaan ko nalang sila na magkwentuhan.

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon