** 3rd Person's POV
"Lance! Thank you so much! Napasaya mo ako ng sobra-sobra!" masayang sabi ni Themarie kay Lance ng makarating na sila sa bahay niya.
"Ha? Bakit naman? Ano bang ginawa ko?" nagtatakang tanong niya
"You introduced me to Darius. At dahil dun,nagkakilalakami. Grabe! Salamat talaga! Matagal ko na siyang gusto Lance! And because of you, nagkakilala kami. Sobrang-sobrang thank you talaga! Super!" masayang sabi niya sabayniyakap niya si Lance
Hindi niya alam ang mararamdaman niya. Sasaya ba dapat siya dahil napasaya niya ito at nakatanggap siya ng yakap o malulungkot dahil nalaman niyang gusto pala niya si Darius. Hindi nalang siya sumagot sakaniya. Ngumiti nalang siya at umalis na.
Bumalik si Lance sa tambayan nila ng mga gangmates niya. Doon ay dinatnan niya si Darius na nag-aabang sa may pinto. Ngumiti agad ito pahkakita sakanya. Sinalubong siya nito at inakbayan.
"Hey my friend! Can I ask you a favor?" tanong nito kay Lance na halatang wala sa mood.
"What?" malamig na sagot niya.
"Can you help me on Themarie? Dude! I really like your friend. She's so beautiful ...She's so perfect! Can you help me?"
Sandaling natigilan si Lance. Hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi niya inaasahan na dadating siya sa ganitong sitwasyon. Ano nga bang pipiliin niya ? Ang pagkakaibigan nila ni Darius? O ang pagmamahal niya kay Themarie?
"Lance? Are you ok?" tanong ni Darius na gumising sa ulira't niya.
"Ah? Yes. What was that you talking about?"
"I'm asking if you could help me to your friend,Themarie?" ulit niya
"Uhh..Yeah sure. I would really love to." naka-ngiting sagot niya
"Thanks man!" masayang niyakap ni Darius si Lance.
Labag man ito sa kalooban ni Lance, kailangan niyang piliin ang pagkakaibigan nila ni Darius. Inisip niya na lamang na pagtanaw niya ito ng utang na loob kay Darius dahil sa lahat ng itinulong nito sa kanya at para na rin sa kasiyahan ni Themarie. Dahil alam niya naman na gusto din ito ng kaibigan niya.
---------------------
"Hello? Lance? Napatawag ka ?" nag-aalalang tanong ni Jaron sa kabilang linya.
"Kamusta?"
"C'mon Lance?Hindi ka naman siguro nanggising ng 2am para lang mangamusta?"
"2am na ba diyan? Pasensya na, 7pm palang kasi dito..."
"Wag ka ng magpaligoy-ligoy. May problema ka ba?"
"You think I should give up on Themarie?"
"Ha? Why? Teka Lance? Ano ba talagang nangyari?"
---------
Isang taon ang lumipas at naging magkasintahan sina Darius at Themarie. Tinanggap itong lahat ni Lance para sa ikasasaya ng mga kaibigan. Palihim siyang nasasaktan sa tuwing nakikita sila. Pero wala na siyang magagawa. Huli na.
Samantala, nadagdagan naman ng miyembro ang BOS. Dalawang babae. Sina Xena at Nova. Madaling nakapasok sa gang si Xena dahil sa kapatid nitong Xandre. Dumaan man sa initiation, hindi rin naman siya pinahirapan ng masyado. Si Nova naman ay dating miyembro ng isang sikat na sorrority. Mas pinili niyang sumali sa BOS dahil sa tingin niya ay dito siya nababagay. Pinahirapan siya ng husto ni Darius bago siya makapasok,pero nagawa niyang lampasan lahat ng iyon, she even defeated Darius's right hand, Agathus. And that makes her the rightful right hand of Darius.
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
De TodoIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...