Chapter 29: Rebellion

1.3K 28 3
                                    

**3rd Person's POV

     Kumpleto na ang lahat. Seryoso silang nakikiramdam sa pakay ng Evil Mariposa sa kanila.

Notorious Aces.

Black Spade.

  Lahat sila napagkasunduan ang isang bagay. Rebellion.

 Rebellion against Banda Oscura Sangre. They all wanted the throne. At pagtutulong-tulungan nilang makuha ito.

"We made a deal with BOS. Kapag tayo ang nanalo sa laban na 'to, ibibigay na bila sa atin ang pamumuno sa lahat ng underlings. Tayo na ang magiging liderato ng lahat ng gang sa lugar na 'to. At kapag sila naman ang nanalo, hindi na tayo kikilananin ng lahat ng gang. Pero wag kayong mag-alala. Siguradong hindi mangyayari yun dahil tayo ang mananalo." Panimula ni Sam. Ang leader ng Evil Mariposa.

"Paano ka nakakasigurado na tayo ang mananalo? Alam nating lahat na walang nakakatalo sa BOS." Sabi naman ng leader ng Notorious Aces na si Logan.

"Kakailanganin natin ang tulong ng mga underling ko. That'll be enough to take them all down." Sabat naman ni Jake. Ang Black Spade leader.

  Humalukipkip si Sam habang mabagal na naglalakad paikot sa upuan ng mga kasamahan.

"Gather as many people as you can. Nakakasiguro akong makikialam ang Hombres de Diocleciano sa gera na 'to. At isa sila sa una nating dapat itumba. Lalong-lalo na si Lance." Nakangising dagdag pa ni Sam.

   Unalingawngaw na ang tawanan at usapan sa loob ng meeting room. Marami ang natutuwa dahil sa ideya ng pagpapatalsik sa BOS. Madami din ang nasasabik na makipag-away para sa trono. Ngunit may kaisa-isang tao na hindi pabor sa lahat ng ito.

Si Stefan.

Oo nga't dumating siya sa pulong na iyon. Pero wala siyang balak na sumali sa gulo. Hindi dahil sa naduduwag siya. Kundi dahil alam niyang mali ang gagawin nila.

"Kanina ka pa tahimik ah. May problema?" Tanong ni Aldrian sa kanya ng mapansing wala siyang kibo sa lahat ng ginagawa nila.

"Wala naman. Tapos na 'to diba? Aalis na ako."

At tumayo na nga siya para umalis. Napansin siya ng mga kasamahan. Kaya naman ng makaalis siya ay sa kanya nabaling ang usapan.

"Hindi ba't kaibigan ni Stefan ang girlfriend ni Lance?" Biglang tanong ni Sam.

"Oo. Matagal na silang magkasama. Bakit?" Sagot naman ni Logan.

"Pwede natin siyang gamitin para makuha ang girlfriend ni Lance at gawing pang-blackmail sa kanya para hindi na sila sumali." Nakangising sabi ni Sam.

"That's against the rule."

  Isang malaking boses ang umalingawngaw sa loob ng meeting room. Ang boses na ito ay nagmula sa pinaka-liderato ng lahat ng gang. Si Darius.

"What are you doing here?" Kunot-noong tanong ni Sam.

"I'm still your leader. I have the right to tell you that this fight has rules to be followed."

Natahimik ang lahat dahil sa lakas at lalim ng kanyang maawtoridad na boses. Kasama niya sina Xandre' at Inaru naglakad papunta sa harapan para ipaalam ang rules ng magaganap na gera sa pagitan nila.

"Unang-una sa rules ay walang mangdadamay ng mga taong wala namang kinalaman at hindi parte ng kahit anong gang. Pangalawa, walang gagamit ng baril para hindi natin maagaw ang atensyon ng mga pulis. Pangatlo, walang papatay. Kung sino mang panig ang lumabag sa mga batas na 'to ay idedeklarang talo at mapapatawan ng karampatang parusa."

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon