Chapter 43: Unbreakable

1.1K 36 7
                                    

**Cahriya's POV

Masakit na marinig mula sa kanya ang mga salitang yun. He's been a good friend of mine kaya masakit marinig na iniiwasan niya na makita ako o marinig man lang ang boses ko.

"Oh. Okay then. I guess I will have to stay away from you now."

I started walking away from him. I thought confronting him will ease my feelings but this seems to got into something worse.

"Monique, please don't stay away from me. I can't lose you."

I stopped. Humarap ako sa kanya at tinignan siya nang diretso. Nalulungkot ako na ako ang nagiging dahilan ng mga paghihirap nila KJ at Stefan. Hindi nila ako magawang kalimutan pero hindi rin nila kayang mawala ako. Ayoki rin namang mawala sila sa akin dahil mga kaibigan ko sila. Pero bukod sa pagiging kaibigan ay wala na akong pwedeng maibigay pang kapalit sa kanila.

"Stefan, nasasaktan pa rin kita hanggang ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ayaw kitang mawala sa akin pero ayaw din kitang masaktan ng paulit-ulit."

Ngumiti siya pero sakit ang nakita ko sa ngiti niyang iyon. Humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?"

Napapikit ako dahil sa tanong niya. Sasaktan ko nanaman siya sa sagot ko. Alam niya iyon. Pero bakit niya 'to ginagawa sa sarili niya?

"Stefan, why are you doing this?" I asked.

"Just answer my question."

Yumuko ako. Ayokong makita ang mukha niya habang nirereject ko siya for the nth time.

"I'm sorry, Stefan. I--"

"Say it to my face, Monique."

He's not begging, he's ordering me to say it to his face. Bakit? Masokista ba siya?

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya sa mga mata niya. Kung gusto niya talagang gawin ko 'to sa kanya, gagawin ko. Bahala na.

"I can't, Stefan. I can't love you more than a friend."

There I said it. Kitang-kita ko ang paglamlam ng mukha niya. Wala akong ibang nakita sa kanya kung hindi ang mga mata niya na punong-puno ng sakit.

"Thank you."

Matapos niyang pakawalan ang dalawang salitang iyon ay bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung pero hinayaan ko nalang siya. Medyo wierd pero dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan, hahayaan ko nalang muna siya.

"Monique, matagal ko nang alam na wala na talaga akong pag-asa sayo. I just need you to slap it to my face para naman matauhan na yung puso ko. Medyo makulit kasi. Ayaw kang kalimutan." Natatawa pang sabi niya pero sigurado ako na umiiyak siya.

Umiiyak si Stefan. From the way he burried his face to my shoulder, the way his body shivers right now, and the way he sounded. I am a hundred percent sure that he is crying.

I caressed the back of his head. As if I was comforting my little brother.

"Let it all out. Okay lang na gawin mo munang tissue 'tong manggas ng damit ko. I wouldn't mind."

People are staring at us. Pero mabuti nalang at hindi ganun kadami ang tao dito sa part na 'to sa labas ng mall . Most of them are just sitting and enjoying the view of the dancing fountain.

But there is this one person who keeps on staring. I wave at her and ask her to come without Stefan noticing it. She walks towards us.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa akin ni Stefan. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang luha niya. This kinda looks wierd because this scene usually portaits a man wiping a woman's tear. Oh well, that's too much telenovelas for me.

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon