**Cahriya's POV
I don't know how many hours I have walked. Pero etong huling destinasyon ko ay sa bahay nila Nico. Pinapasok naman ako agad nung guard nila dahil kilala naman ako dito. Pakatok pa lang dapat ako sa pinto nang bigla na itong bumukas at isang babae ang bumungad sa akin. Isang babaeng seryoso ang mukha na parang napakaraming problema ang pinagdaanan. Pero kung ikukumpara ba lahat ng pinagdaanan niya sa akin magkakaroon pa kaya siya ng karapatan na ipakita sa akin ang mukhang iyan?
"Ihahatid na kita----"
Gulat din ang mukha ni Nico nang makita ako. Hindi ko alam kung anong reason ng pagka-gulat niya. Dahil kaya sa itsura ko o dahil sa magka-harap kami ni Ziri ngayon.
"No need. Hindi pa naman ako aalis e." May pagka-sarcastic na pagkakasabi ni Ziri.
"Nico, pwede bang maki-ligo? Manghihiram na rin ako ng damit kay Princess." Sabi ko naman at dire-diretso na akong naglakad papalapit kay Nico pero napatigil ako ng magsalita si Ziri.
"I didn't expect that being with Lance will make you this nasty." Again, she said sarcastically.
"I'm not with him anymore. And me, looking this nasty is none of your business."
Nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa bahay nila Nico. Hindi ko alam kung kailan pa dumating si Ziri pero wala ako sa mood na makipag-sagutan sa kanya sa ngayon. Masyado ng maraming tao ang nanakit sa akin ngayong araw na 'to. Ayoko ng madagdagan pa. Sobrang sakit na.
Akala ko naman pag-punta ko dito magiging okay ako kahit papaano. Akala ko mababawasan ang nararamdaman ko. Pero hindi pa rin pala. Mas sasakit pa pala.
Matapos ng mahigit isang taon na hindi kami nagkita hindi na ako nag-expect na maayos pa ang muling pagkikita namin. At kagaya nga ng inaasahan ko, ramdam ko pa rin yung galit niya sa akin, sa amin ni Lance.
Hindi ko rin naman siya masisisi. Nung umalis siya sinaktan ko si Lance. Ngayong bumalik siya alam kong bumungad sa kanya ang balitang kami na ulit. Pero ang galing din ng timing niya. Sakto ding pagbalik niya, wala na kami.
Alam kong walang pormal na break na nangyari pero sa tingin ko, yung ginawa niya sa akin ay more than enough para tapusin na lahat sa amin. Sawa na akong masaktan. Manhid na manhid na ako sa lahat ng nangyayari sa paligid ko ngayon. Sobra na. Ayoko na talaga.
**Ziri's POV
Gusto kong maging masaya nung nakita ko ulit si Riya. Pero hindi ko magawa. Nauuna ang galit ko. Pakiramdam ko trinaydor niya ako. Pakiramdam ko lahat ng ginawa niya noon ay palabas lang para kunwari ipakita sa akin na sinaktan talaga niya si Lance.
Ganun ba kahirap para sa kanya na iwan si Lance alang-alang man lang sa ginawa niya sa akin? Mas mahalaga na ba sa kanya ngayon ang lalaking yun?
HINDI pa rin ako umaalis dito kila Nico. Marami kaming dapat na pag-usapan ni Riya kaya hinintay ko siyang matapos sa kaartehan niya. Gusto kong magkaliwanagan na kami. Gusto kong malaman yung totoo, once and for all.
"Nico, nasaan si Princess? Bakit parang hindi ko yata siya nakita?" sabi ni Riya habang pababa ng hagdan. Hindi niya pa siguro na napansin na nandito pa ako.
"Ah. Nandun siya sa boyfriend niya." I can sense na awkward pa rin si Nico sa mga nangyayari. Well, sino bang hindi?
Saglit na napatigil si Riya nang makita ako. Pero agad din naman siyang nakabawi sa pagkabigla niya. Alam ko naman na pinapakita niya lang na ayos lang lahat sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago. Ayaw pa rin niyang ipakita na mahina siya.
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
RandomIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...