**3rd Person's POV
Isa-isa ng nagdadatingan ang mga tao. Unti-unti ng napupuno ang simbahan. Nasasabik ang lahat sa kasalang magaganap. Napupuno ng pula at puting rosas ang loob ng simbahan. Ang mga abay ay naka-suot ng magandang cocktail dress na kulay pula. May puting rosas naman na nakalagay sa pusod ng mga buhok nila. Samantalang ang mga lalaki naman ay naka-suot ng amerikanang kulay puti at may kurbatang kulay pula.
Dumating ang groom kasama ang bestman niya. Pareho silang mukhang mga artista sa mga suot nilang puting amerikana. May pulang rosas naman na nakalagay sa kaliwang bulsa sa dibdib ang ikakasal na lalaki.
Nag-ayos na ang lahat ng dumating na ang bride. Nagsimula ng tumugtog ang kantang 'When You Say Nothing At All. Lahat ay nadadala sa magandang kanta na kinakanta ng sikat na singer na si Fallah Gimena at ng kaibigan ng groom na si Clyde. Damang-dama ang presensya ng kasal dahil sa love song na kinakanta nila habang ang napaka-gandang bride ay naglalakad na papunta sa altar kasama ang kanyang ama.
"This is it! Wala ng atrasan to." bulong ni Nate sa sarili.
"Bakit? May balak ka pang umatras?" tanong naman ni Cojie.
"Wala no. Andito na ako e. Tsaka swerte na ako sa mapapangasawa ko, maganda na sexy pa."
Pailing-iling tumawa si Cojie sa tinuran ni Nate. Pero napa-tigil siya ng mapukaw ng kanyang mga mata ang magandang dalaga na kumakanta sa may gilid ng altar...
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. May kung anong pakiramdam sa kanya na tila nagpapaalala ng nakaraan. Tila naaalala na ng puso niya kung sino talaga ang babaeng ito sa buhay niya..
"Bro? Ok ka lang? May masakit ba sayo?" tanong ni Nate sa kaibigan ng makita niyang bigla itong napahawak sa dibdib.
"Oo okay lang ako." naka-ngiting sagot nito.
----------------------------
Natapos ang kasal at dumiretso na sila sa reception. Engrande ang lokasyon ng reception ng kasal. Ginanap ito sa isang napaka-gandang hotel. Dito mo malalaman na napaka-yaman ng mga pamilya ng mga ikinasal.
"Who's that girl singer with Clyde?" biglang tanong ni Darius.
"Girlfriend ni Cojie. Si Fallah. Why?" mapang-hinalang tanong naman ni Themarie
"Nah. It's just that her voice is so beautiful.."
"Her voice? Is it really her voice or it's really her you're talking about?" hindi nawawala sa tono ng pananalita ni Themarie ang paghihinala..
"Here we go again. Babe, I'm not into her. Yes, she's beautiful but---"
"And there you said it. Nagagandahan ka nga sa kanya. Why can't you take your eyes off to other girls? Am I not enough?"
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
RandomIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...